Napapalambot niya ang matigas kong puso dahil sa pinapakita niya, hindi sa nababading kundi may pinaparamdam siya sakin sa bawat nangyayari sa kanya.
Ngayon ko lang nalaman na mahalaga pala talaga ang buhay. Maraming gustong mabuhay pero noon gusto ko ng magpakamatay dahil sa simpleng bagay lang.
Makikita mo ang nanay at kapatid ni Storm na nakabantay sa kanya. Yung kapatid nga ni Storm eh ayaw ng umalis sa tabi dahil binabantayan niya daw ang paggising ng kuya niya.
Kinompronta ng iba ang nanay ni Storm at ang iba naman ay pinagmamasdan ang lagay ni Storm, nagbabakasakaling gumising siya at maipahatid ang mga gusto naming sabihin.
Ako naman ay nasa isang sulok lang, emotionless ang timpla habang pinagmamasdan ang walang malay na si Storm.
Hanggang ngayon ay apektado parin ako sa mga nangyayari. Hanggang ngayon ay may kirot parin sa aking puso. Gusto kong patayin ang gumawa sa kanya nito. Hindi ba nila alam na isang buhay ang nilagay nila sa kapahamakan? Wala ba silang mahal sa buhay nila? Pamilya nila?
I feel so overwhelmed, kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko na hindi magaganda. Wala, walang mangyayaring masama kay Storm, ligtas siya, marami pa siyang pwedeng patunayan sa pagkatao niya.
Lumabas na muna ako at pumunta sa cubicle. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko, hindi nila pwedeng makitang ang isang Ivan Montreal ay umiiyak sa simpleng pangyayari.
Gustong kong magbago, oo. Pero hindi sa taong hindi ko pa kilala ng masyado at yun ay si Storm. Ang gulo, bakit naman siya ang binigay para mabago ang sarili ko? Bakit siya pang ordinaryong tao lamang na hindi ko nga kilala ang buong pagkatao niya? Kung siya talaga ang sagot sa mga katanungan ko, tatanggapin ko yon ng buo ngunit wala pang kasiguraduhan.
Naghilamos ako at inayos ang sarili tapos bumalik na ako sa room ni Storm.
Pagkadating ko dun ay walang tao, wala ang nanay at kapatid niya, wala ang mga kateam ko pati si tito.
It's only him and I
I'll take the chance and grab on.
Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan habang hinahayaan ang pagbagsak ng aking emoyson. Wala na akong dapat itago pa, wala na akong pakealam kung may makakita pero gusto ko na itong ilabas.
Hinawakan ko ang mga kamay niya, kamay niyang napakalambot. Tumingin ako sa mukha niya, ang halos perpekto niyang mukha, ang mga mata niyang maganda parin kahit nakapikit, ang ilong niyang napakatangos, ang pisngi niyang mas lalong bumabagay sa kagwapuhan niya, ang mga labi niyang mapupula na gusto kong hawakan pero aking pinipigilan.
"If you're the one who will change my personality, then I'll let the destiny cross in..." Sabi ko at ngumingiti ng pilit.
Isa sa mga matagal ko ng hiling ay ang mabago kung anong dapat baguhin, dumating sa pagkakataon na gusto ko ng sukuan ang hiling ko na yon pero hindi, kailangan kong magbago hindi para sa akin, kundi para sa mga nagmamahal sa akin.
Narealize ko lang na hindi pera, kasikatan, kagwapuhan ang batayan ng buhay, kundi ang puso. Ang totoong ikaw.
Hindi ko alam pero baka siya na nga. Simula nung magone-on-one kami sa single court namin ay dun na ako kinutuban na parang siya na nga ang matagal na kasagutan sa aking kahilingan, maraming nabago sakin sa loob lamang ng limang araw, nawala ang galit ko kay daddy, hindi na napapadalas ang paguuwi ko ng babae sa kwarto ko, hindi na napapadalas ang paginom ko, hindi na ako napupuyat at nagigising na ako ng maaga para pumasok.
At lahat ng yun ay dahil kay Storm, ewan ko ba, nakakaramdam ako ng awa sa tao pero malabo itong maging love, why? because I'm 100% straight at ganun din itong si Storm. Maybe friends yes pero hinding hindi aabot yun sa love.
Napakakumplikado kapag love na nga ang lumabas dahil wala pa akong nakitang parehong straight na pumasok sa iisang relasyon. It's very clear na pupunta ang lahat sa wala.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at umayos na ako ng upo at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Sana ni isa sa mga sinabi ko ay wala siyang narinig, maramdaman niya sana yun.
Bumungad sakin ang kapatid niya na may dalang pagkain at umupo sa tabi ko, ngumiti lang ako sa kanya. Palagay ko ay nasa grade 6-8 na ang isang to. May mga panlabas na katangian kasi siya na nagpupuberty gaya ng pimples at ang tumutubong adams apple.
Nginitian niya din ako at kumain ng binili niyang pancake at palamig, inalok pa nga ko ng nanay niya kaso tumanggi ako, sabi ko ay aalis na din ako.
"Kuya kaano-ano niyo po ba ang kuya ko?" Tanong sakin ng bata.
Napatingin naman ako kay Storm at sa kanya, "He's one of my friend." Sagot ko at ngumiti.
Tumango tango naman siya, "Are you the one na tinutukoy ni kuya? Yung gangster na pinakaayaw nila ni kuya Jonas? Ikaw po ba yun?" Tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko, ako nga ba talaga ang tinutukoy niya? Seryoso ba siya sa tanong niya? "Hindi ko alam kung ako yung gangster na yun pero baka ako nga."
Kung ganon ay ayaw niya nga talaga sakin? Siguro nga, ganito na kasi talaga ang ugali ko eh, sino ba naman ang hindi lalayo sakin?
Ngumiti nalang ako at nagpaalam na sa nanay ni Storm na may pupuntahan pa ako which is sa bar nila Ver. Dun daw kasi kami magcecelebrate.
Nang buksan ko ang isang cellphone ko ay may nakita akong unknown number dun.
"Just make it sure."
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Teen Fiction"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."