Chapter 38

4.6K 170 7
                                    

Lumipas na ang ilan pang mga araw eh nanatiling normal pa rin naman sa pagitan namin ni Ivan. Walang ilangan na parang walang nangyari, nagkakasundo pa rin sa mga bagay bagay, palaging pinagaawayan kahit maliit na bagay, at palagi pa rin kaming magkasama.

Nagseselos na nga itong si Jonas eh dahil kadalasan kapag umuuwi ako eh hindi na ako sumasabay sa kanya gawa na rin siguro nang pagtuturo ko. Naiintindihan naman niya daw pero halata namang gusto akong kasabay pag uuwi na kami.

Ngayon eh andito ako sa kwarto ni ivan, gumagawa kami ng reaction paper dun sa article na pinabasa samin sa Calculous, sa Lunes na kasi ang pasahan kaya naman rush na rush na kami ngayon kahit madaling araw na. Kailangan pa kasi iedit yun.

"Need help?" Alok niya sakin at patayo na sana nang pigilan ko siya.

"No need. Matatapos ko rin to." Pagmamatigas ko kahit kamoteng kamote na ako dito.

Ayaw kong magpatulong kahit nahihirapan na ako, gusto ko kasing matutunan kung bakit di ako makagawa, para sa next time eh kaya ko na, hindi ko pa rin talaga gets eh, mahina kasi talaga ako dito. Eh yang si Ivan kanina pa tapos, magaling siya dyan dahil siguro nakikita niya kung pano gumawa papa niya nyan.

"Hmmmmmfpk!" Napatingin naman ako dito na halos mamatay na sa katatawa. Anong nakakatawa?! Nahihirapan na nga ko dito eh.

"Bakit?" Napatingin naman ako dito ng masama at hindi pa rin talaga siya tumitigil. Nakakainis huhu. Inaantok na ako eh.

"Hahahaha.... hahahaha...." halos mamula na ito sa katatawa, naiinis na talaga ako.

Tumayo ako at pinuntahan siya, tumayo ako sa harapan niya at sinamaan siya ng tingin. Nagulat nalang ako nang bigla niya ako hilain para mapahiga sa kama at siya naman itong pumaibabaw sakin. Nakaramdam ako ng init nang bigla siyang magpush up na ganun ang sitwasyon namin.

Tinulak ko siya agad at bumalik sa study table. Wala akong maisip kung pano sisimulan to! Kainis bakit ba kase ang hina ko dito?! Pwede namang ipacalculate nalang lahat ng given dito at kunin yung missing sides eh, bakit kailangan pang gawan ng reaction paper?!

Sa inis eh napabagsak nalang ako at umiyak. Nakakaiyak talaga! Lagot ako neto kay sir sa lunes kapag wala ako.

May naramdaman nalang akong yumakap mula sa aking likuran at napaangat ako ng tingin dahil dun. Anu ba yan di siya nakakatulong! Nang aasar pa!

"Hey don't cry, sabi ko kasi sayo eh tutulungan na kita, choosy ka pa." Pagpapatahan nito sakin na agad ko namang ginawa. Mungewan lang ako dito! Parang iniwan lang!

"Ganito lang yan, may sides kasi dyan na kailangan mong hanapin yung nawawala to complete the iscocles form of the triangle, bago mo yan makuha kailangan mong isubstitute lahat ng given para makuha mo yung balance talaga. Tapos makukuha mo na sagot dyan." At hindi na ako nagpaka choosy pa at nagpaturo na din ako. Ganun lang pala, aabsent absent pa kasi ako eh, yan tuloy wala akong alam.

Ginawa ko naman agad ang tinuro niya at nakuha ko agad ang sagot, nagbalance, ang galing! Ganun lang pala yun! Haha...

Nang matapos eh pinasok ko nalang yun sa bag ko at humiga na sa tabi ni Ivan. Oo dito ako matutulog dahil madilim na sa labas, nakakatakot lumabas para umuwi samin. Nagtext naman na ako kay mama at pumayag siya.

"It's saturday tomorrow." Masaya nitong sabi tapos napasayaw pa kahit nakahiga.

"Eh ano naman?" Nakipagtitigan nalang ako sa kisame at hinihintay dalawin ng antok.

"Gala tayo." Aya niya at pinagsusuntok braso ko ng mahina lang naman.

"San tayo punta?" Tanong ko at napatawa dahil sa inaasal niya, para siyang bata haha.

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon