Isang Linggo na ang nakalilipas matapos ang gabing yon. Lumalim pa ang aming pagiibigan at pagtitinginan sa isa't isa. Masasabi kong komportable ako kapag kasama ko siya, pakiramdam ko safe ako, na walang sino man ang makakagalaw sa kin. Talaga ngang hindi ko na kaya kung mawawala pa siya.
Ngayon ay araw na ng Lunes, hindi na muna ako nakitulog sa kanila dahil baka magtaka na tong mama ko, baka nga pinaghihinalaan na ako nila mama eh dahil gabi gabi kundi ako makikitulog sa bahay nila Ivan eh napapalate ang paguwi ko sa bahay.
Tutor pa rin naman niya ako hanggang ngayon, naging matino na ang mokong, nagcoconcentrate na ito di tulad ng dati, pagtapos ng pagtuturo eh dun na niya ako lalambingin. Sweet diba?
Nagprepare na nga ako, ako na nagluto dahil mas nagising pa ako ng maaga kay mama. Tulog pa kasi yun ng ganitong oras, 3:40am palang. Daming nagbago noh? Ganun talaga masarap gumising ng maaga kapag may inspirasyon ka.
Habang nagluluto eh binuksan ko ang laptop, naghahang na nga eh, matagal na rin kasi to sakin at 2nd hand lang gawa ng bigay lang sakin to ng pinsan ko. Inopen ko ang convo namin at hinintay yung mga messages niya.
Ilang sandali pa eh nagchat na ang mokong. "Goodmorning Storm! Pagkagising na pagkagising ko eh hawak ko agad ang cp ko tapos eto ginagawan ka ng LSM, love kasi kita kaya ganun. Wag kang magpapabaya ng kalusugan ah? Kumain ka lang dyan wag na magdiet! Kung may magchat man sayo o may kumausap wag mo ng ientertain ha? Sige ka magagalit ako, baby, kung may pagdududa ka sakin sabihin mo lang, para maayos natin to agad ok? Magingat ka palagi, aral lang tayo baby ha? Pag nalagpasan natin to nako, aanakan kita dyan eh! Hehe... baby just hold my hands tight, close our eyes together and never open it up until we kiss together.. oh diba Storm? Galing talaga ng Van mo! 4:00am andyan na ako so better ready. Have a nice day, I love you so much baby!
Hindi na ako nakareply pa sa LSM nyang yon dahil kung makita niyo lang ako ngayon, dinaig ko pa siguro ang kamatis sa pagkapula. Hindi kasi ako marunong kiligin na showy, manly pa rin talaga ako, kung pano kiligin mga lalake ganun din ako.
Hinayaan ko nalang mamatay yung laptop at pinagpatuloy na ang pagluluto, sinerve ko na yun sa mesa at kumain na rin.
Nang matapos sa pagkain eh kinuha ko ang twalya ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Binilisan ko lang ang pagligo at nagbihis na rin.
Sakto naman at nagising na si mama at dumating na yung kotse ni Ivan. Nagpaalam nalang ako kay mama at kiniss siya sa noo niya at umalis na rin ako kasama si Ivan.
Cool na cool ang dating niya ngayon. Mabuti at mahilig siya sa fashion, wala kasi akong alam sa mga ganyan ganyan eh.
Hiniram ko na muna ang cellphone ni Ivan at sinalpak ang earphones sa tainga. Nilibang ko na muna ang sarili.
Nakakailang music na ako na napeplay kaya naman nagtaka na ako bakit wala pa kami sa university eh sobrang lapit lang naman non. Napatingin ako sa way ng dinaraanan namin at hindi ko na nga ito alam.
Nilibot ko pa ang paningin ko at hindi familiar sakin yung lugar kaya agad akong napatingin kay Ivan na naka tawa. Anong ginagawa niya?!
"Where are we going?!" Pagsusungit ko dito at sinubukang takutin siya para ibalik ako pero di niya ako sinagot.
Pinagsusuntok ko yung braso niya ng mahina lang kahit nagmamaneho pa ito, san niya ba kasi ako dadalhin?
"Relax, ngayon lang naman tayo magcucutting classes eh. Akong bahala." Pagpapatahan nito sakin at kumalma nalang ako. Well, I'm a good pretender of an abnormal peoples, para lang lambingin niya ako hehe.
Napangiti nalang ako ng palihim at nakinig nalang ulit ng music.
Ilang minuto pa ang nakalipas at huminto na rin kami. Nagulat ako nang lagyan niya ng piring yung mata ko pero at sinalpakan ako ng head set sa tenga para di ako makarinig ng kahit anong tinig pero I trust him naman.
Kinakabahan lang talaga ako sa kung anong pwedeng mangyari. Iba rin kasi to kung manurprise, surprise talaga.
Wala akong ideya kung san niya ako dinala ngayon, ni ingay ng lugar eh wala akong marinig. Basta sumabay nalang ako sa kanya.
Maya maya lang ay huminto na nga kami. Dahan dahan niyang tinanggal ang headset sa tainga ko at yung piring sa mata ko.
Naamaze naman ako sa ganda ng nakita ko, napalaglag panga nalang ako dahil sa nakikita ko ngayon. Ang ganda naman dito! Nakakarelax ang tanawin!
Dinala niya ako sa isang dagat, hindi pa man lumalabas yung sinag ng araw pero kung makikita mo ang view dito eh ang sarap pakasalanan! Mula sa mga alon na nagsisihampasan, ang tunog ng mga ito, idagdag mo pa na walang katao tao, na halos kaming dalawa lang ang narito, kaya malaya ka kung anong gusto niyong gawin.
Hinubad ko ang sapatos ko at ipinasok ito sa loob ng bag. Iniwan na muna namin ang mga bag namin sa isang tabi at naghabulan.
Napatigil kami sa hanggang tuhod ang lalim at nagtalsikan ng mga tubig. Tinalsikan niya ako ng malakas at dahil don nabasa ako ng husto, napangisi nalang ako at binasa rin siya, natamaan naman mata niya dahil don at tinakbuhan ko siya.
Hinabol ako ng mokong at nahabol naman ako nito. Niyakap niya ako ng patalikod ng mahigpit, sobrang higpit.
Isang minuto bago ako kumalas sa pagkakayakap niyang yon. Napaupo kami sa dalampasigan at pinagmasdan ang paglabas ng araw.
"You know Storm. When I was a child, my mom always saying if you have a wish, just shout it with the rising sun and it will become true someday."
Napatingin naman ako dito ng nakangiti. Maya maya pa ay tumayo ito, "My name is Ivan! I'm 21 this year! I wish Storm is my lifetime, I wish he'll stay by my side and never leave me.!!" Sigaw niya.
Ako naman ang napatayo ngayon, "My name is Zeus! I'm 21. I wish if Ivan leaves me, I hope he'll never forget about me and our memories together."
Hindi pa man tuluyang lumalabas ang araw eh nagkatitigan kami at ang aming mga tingin ay bumaba sa labi ng isa't isa. Lumapit siya sakin at agad akong siniil ng halik.
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Teen Fiction"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."