Chapter 25

4.6K 179 6
                                    

Gwapo, matangkad, slim ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay, singkit ang mata, at may dating. Yan kung aking ilarawan ang nilalang na nasa likod ko na ngayon. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya dahil nakaka star struck lang, sana katulad din niya ko, gwapo hehe.

Iniwas ko nalang ang pagtingin ko sa kanya dahil baka pag isipan pa ko neto na may gusto ako sa kanya.

Tumabi ito sa tabi ni kuya at nagkamayan sila at tawanan, "Oh bro Merry Chirstmas ah, regalo ko?!" Bungad sa kanya ni kuya at tinawanan lang ito nung kaibigan niya ata.

"Hahaha Merry Chirstmas bro, wala akong regalo sensya na haha, next time nalang." At ayun nagpatuloy ang kanilang paguusap na parang sila lang ang nagkakaintindihan.

Ilang minuto rin sila sa ganung sitwasyon nang mainip ako, "Bro... eto nga pala yung pinsan ko, si Zeus. Zeus si Bon nga pala." At nagkamayan na nga kami netong si Bon.

Nung hawakan niya kamay ko para naman akong nakaramdam ng kuryente na gumapang sa buong nerve cells ko, ang lambot naman ng kamay neto, parang kamay ng isang babae. Kung babae lang talaga to di makakatakas sakin to.

Nakita ko na may binulong si insan dun kay Bon at napangisi nalang si Bon dahil don habang nakatingin sakin. Ay bah, loko to ah! May pangisi ngisi pang nalalaman! Kala mo naman talaga bagay sa kanya.

"Hoy insan ano yun?!" Bulyaw ko kay kuya at tinawanan lang ako nito pati yung Bon.

"Hahahaha bro seryoso nga kasi ako sayo... hahaha."  Ani insan habang natawa pa rin.

"B-bro.. hahaha... gusto ko rin naman eh, kaso baka ayaw sakin.. hahaha.." Bontalin ko siya dyan eh! Tawanan ba naman ako?! Anong akala niya close kami? Mas gwapo pa rin ako sa kanya!

"Hoy insan mamaya ka sakin tamo." Banta ko dito at sinuntok siya sa braso niya. Kainis na kasi siya eh.

"Sorna insan, mamaya ko nalang sasabihin sayo lahat. Basta ah, wag ka matatakot kay Bon, di yan nangangagat, hahaha tuklawin ka lang nyan." Pangaasar pa sakin nito na lalong ikinapula ko, tangene sasabog nako sa asar dito! Grabe binabadtrip nila ko!!

"Tara pre laro tayo football, 1 v 1 ano?! Pustahan!" Pagyayabang netong si Bon kay kuya.

"Sinong uurong?! Geh 300 pusta ko," Pagyayabang naman netong si kuya at tumayo na nga ang dalawa na parang wala ako at kinuha yung football at naglaro na.

Kung bastketball lang yan kahit 2 v 1 pa, game na game ako dyan eh, kaso wala akong alam sa paglalaro ng football eh kaya hanggang nood nalang ako. Baka may matutunan pa ako kapag nanood ako.

Nagstart na sila sa paglalaro. Na kay kuya yung bola, at yun ang galing niya nga! Nalusutan niya yung panget na Bon na yun. Buti nga sa kanya, sana manalo kuya ko para may libreee hahaha.

Laro laro laro hanggang sa last 10 minutes nalang nila, lamang na si kuya ng 3 dun kay Bon, kaya naman sure na may libre na ako, bah di niya kaya kuya ko noh! Nasa lahi ata namin ang magagaling hahaha.

Pero hindi ko masasabing hindi magaling tong si Bon dahil binabara lang siya ni kuya sa distraction pero over all siya talaga yung magaling, mastrategy lang talaga tong si kuya kaya dun siya nalamangan. Pero sa movements, sa defense wala namang ihaharap si kuya don.

Ewan ko ba, habang naglalaro siya palagi akong natingin sa kanya, parang sa kanya lang nakapokus atensyon ko, malamang nanonood ako eh, pero ayaw kong dayain sarili ko, ang gwapo niya at nakakaattract siya kanina sa paglalaro niya habang natulo yung mga pawis niya, sarap nga punasan eh hahaha.

Last 1 minutes at nagulat ako nang makitang tie na sila ngunit na kay kuya pa rin yung bola, kung hindi lang talaga gwapo yung kalaro niya baka kanina pa ako sigaw ng sigaw na patagalin niya sa kamay niya yung bola ngunit pinangungunahan ako ng hiya dahil sa gwapong nilalang na naglalaro sa harapan ko. Shuks muntanga lang ako.

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon