Hindi ko na nireplyan ang text na yun dahil hindi ko naman kilala ang number. Tinabi ko nalang ang cellphone ko at pumunta na sa bar nila Ver na malapit lang din dito.
Kilala naman na ako dito dahil halos gabi gabi ay nandito kami.
Pumunta ako sa private room ng bar at nakita ko nga doon sila Ver.
Mukhang tinamaan na agad ang mga kateam mate ko ah? Napatagal yata ang pagbisita ko kay Storm?
"Hey bro, sorry hindi ka na namin hinantay pa, akala kasi namin dumiretso kana dito eh." Sabi ni Ver at inakbayan ako at umupo kami sa sofa tapos tinagayan niya ako ng vodka.
"Cheers!!!" Sabi ni Ver at nagcheers na nga kami.
I bet ito na ang last na magiinom ako, hindi naman sa last but I'll make it thrice a month.
Marami pang nakaserve na ibat ibang klase ng alak dito at sa twing mapapatingin ako dun ay sumasakit ulo ko. Di ko alam kung bakit.
"Ano brad suko ka na ba agad?" Sabi ni Tom na tumatawa tawa pa. Himala yata at walang babae dito?
Umiling nalang ako dahil sa totoo lang ay itotodo ko na to, wala namang pasok bukas dahil linggo.
Habang umiinom ako eh iniisip ko yung nobya ko, para tuloy akong tanga dito dahil sa ginagawa ko, nakatulala lang ako habang umiinom, dati hindi naman ako ganito dahil high na high ako kahit hindi pa man sinisipa ng alak.
Iniisip ko din kasi kung bakit ko siya naisip kaninang nasa laro kami, ano kaya ang ibig niyang iparating? Blanko ang sagot ko sa sarili kong katanungan, wala akong kahit anong ideya kung bakit ko nga ba siya naalala bigla.
Bumabalik tuloy sakin yung nakaraan, yung sobrang saya ko pa, yung parang wala ng bukas kapag ngumiti ako kasama siya, na sabay kaming nagsumpaan na kami na nga ang para sa isa't isa pero nawala nang dahil sa isang iglap.
Naiinis ako sa kanya, hindi ko alam na matagal na pala niya tinatago sakin ang cancer niya. Naging selfish siya sa pagtago ng nararamdaman niya, wala man lang akong nagawa.
Yun ang sikretong pinakatinago niya sakin. Ang daya niya, bumitaw agad siya, ni hindi ko man lang naparamdam o naipakita sa huling hininga niya kung gaano ko siya kamahal.
Hindi ko na inisip pa ang mga sumunod dahil nahihilo lang ako, ayaw kong isipin sa sarili ko na binabalikan ko ang mga alaalang yun dahil may bagong paparating.
4 years na pala akong walang experience ng tunay na pagmamahal.
Hindi ko pwedeng sabihin na gumagawa ako ng pagmamahal sa twing may inuuwi akong babae samin dahil lahat ng yun ay isa lamang sa pampalubag-oras ko. Ginagawa ko lang yun kung kelan ko gustong sumaya pero napakalabo na maging tunay na pagmamahal yun.
I think 4 years is enough, kailangan ko din maglet go sa past ko, kalimutan ang lahat at ituon sa bago kong mapupusuan.
At hindi ako ang maghahanap ng tunay na pag-ibig kundi ang tadhana na sasamahan ng aking puso. Panahon na para pumasok sa isang relasyon.
Kung bakit hindi ako nakikipagrelasyon ng totoo? Its because na nangungulila pa din ako sa nobya ko, hindi ganun kadali i-let-go ang isang bagay na sobrang tagal niyong binuo. 5 years kaming magkarelasyon.
Habang nasa ganung akong pag-iisip ay biglang nagappear ang imahe ni Storm kanina sa hospital sa utak ko.
Kamusta na kaya siya ngayon? Pagkaalis ko ba ay namulat na siya? Narinig niya kaya ang mga sinabi ko?
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Teen Fiction"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."