Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan niya, tama nga ang hinala ko kanina, na mapapasok siya sa hindi magandang sitwasyon. Wala na, gulong gulo na ang utak ko.
Bakit sa dinadami ng pangalan at kakilala ko ay si Storm pa ang nabanggit ko? Bakit siya pang.... importante sakin ngayon?
Mas nilaliman ko pa ang mga tingin ko sa kanya, sana hindi totoo lahat ng sinabi niya, sana isa lang iyong biro.
Tumatawa siya ng nakakabwisit habang maraming nakabantay sa likod namin.
Nakita kong may binigay ang isa sa mga tauhan niya na bagay. Cellphone ko, shit!
Dahil nga walang password yun ay nabuksan niya yon at parang may kinakalikot-kalikot siya na app dun. Scroll lang siya ng scroll hanggang sa nagliwanag ang mga mata niya.
"Hmmm... So ito ba ang number ni Storm?"
Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. Oo nga, naalala ko nga palang kinuha ko ang number niya sa fb niya at sinendan ko siya ng mga messages dun, but not to stalk, but just to trip. Lakas ng tama ko non.
Umalis na siya kasama ang iba niyang assistant at bodyguard at hindi ko alam kung saan sila pupunta.
Gusto kong magwala ngayon pero hindi ko magawa, kahit makatakas kami dito ay wala rin, wala kaming laban sa mga baril.
Ano na naman ba tong pumasok saking problema? Dinamay ko ang isang tao sa gulong ito. Ano nalang ang iisipin niya kung sakaling makita niya ako dito? Babalik sa kanya ang imahe kong gangster.
"Dre." Tawag sakin ni Ver ngunit hindi ko siya nililingon.
Sumabog ng napakaraming kuryosidad sa aking isipan tungkol sa mga consequences nitong pinasok ko.
Kasalan ko ang lahat kung may mangyaring masama sa kanya.
"Dre huy..." Tawag sakin ni Tom at nilingon ko naman sila.
Kumunot naman ang noo ko, "Ano yun?"
"Sa tingin mo, pano kaya nila mahahanap si Storm? Alam ba nila address nun? O kaya ang mukha niya?" Tanong sakin ni Ver.
Wala naman akong litrato ni Storm dun kahit sa gallery unless isa akong stalker, wala akong address ng bahay nila, at hindi ko alam kung san nila hahagilapin si Storm. Hindi naman nila kilala ang tao eh maski ang mukha dahil wala naman silang alam sa buhay nun.
Umiling nalang ako at napahinga ng malalim.
"Hmmm... Kung ganon eh baka matagalan pa sila sa paghahanap kay Storm o baka naman hindi nila mahanap yung tao. Sa dami ba naman ng tao dito eh." Napatawa nalang kami. Alam kong pinapatamaan nila ang mga walang pakealam na bantay dito pero para silang may headset, walang naririnig.
"Mga pare naaawa ako dun sa tao eh."
Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong gulat sila sa sinabi ko.
Bihira kasi ako maawa sa isang tao.
"Kasi wala naman siyang kinalaman dito, nadamay siya sa gulo, tignan mo na nga ang kalagayan niya ngayon eh, hindi siya makakapaglakad ng ilang araw dahil stable pa rin siya ngayon tapos ipapasok ko pa siya dito?"
Matagal bago nila ako sinagot.
"Bakit mo ba kasi binanggit ang pangalan niya? Pare sino ba siya para sayo?"
Napatingin ako sa mga mukha nilang seryoso.
Hindi ko rin alam eh. Yan na ang kanina pa sa utak ko, sino o ano nga ba siya para sakin?
"Kaibigan." Tipid kong sagot.
"Pare kung kaibigan mo siya, kahit anong mangyari ililigtas mo siya sa maraming paraan lalo na ikaw ang dahilan kung bakit siya napasok dito. Mabait ang tao pare, kawawa naman kapag napunta dito." Seryosong sabi nitong si Tom.
May punto sa sinabi niya, yun na nga eh, in what ways? Wala naman akong trabaho para magkaron ng ganung kalaking pera, maski mga magulang ko eh, isang baldeng pawis bago makaipon ng ganun.
"At pare, kilala mo si Ichiro, hinding hindi susuko yun habang hindi niya nahahanap si Storm. Kaya ihanda mo na yang desisyon mo hanggat may oras pa." Dagdag ni Ver.
Napabuntong hininga nalang ako, ako nalang ang gagawa ng dahilan para mapasang-ayon si daddy na hindi tumatawag ng pulis.
"Kayo ba mga pare, may mahihiraman ba ko sa inyo?" Tanong ko. Kakapalan ko na ang mukha ko kahit onti lang.
"Naku pare, hindi maganda ang kita ng bar namin eh. Mapapahiraman kita kaso hindi lang sa ngayon." Sagot ni Ver at tumingin naman kami kay Tom.
"Sensya na wala din eh,"
Ngumiti nalang ako bilang matipid na sagot sa 'okay'
I bet walang makakatulong sakin kahit sino. Ginto na ang isang milyon para sa ngayon.
Kailangan kong maconvince si daddy sa one million na hindi tumatawag ng pulis. Saka ko nalang ipapaliwanag sa kanya to kung may lakas na ako ng loob.
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Roman pour Adolescents"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."