Nabuhayan ang mga dugo ko, hindi lang ako pati narin sila. Sumilay ang mga ngiti sa aking labi na ewan ko kung bakit.
Siguro siya ang hinihintay ng lahat para sa pagkapanalo namin. Gumawa ng kakaibang tunog ang mga supporter namin na ikinangiti namin.
Ngayon lang kasi siya dumating sa buong laban namin. Isa na nga yatang himala ang nangyari.
"We are now declare as a champion!" Sabi nung coach namin at tinaas namin ang mga kamay namin at sinabi ang pangalan ng team namin.
Bumalik na nga kami sa laro, sa second quarter na daw isasabak itong si Ivan.
Dahil nga sa madumi maglaro ang kalaban ang naging final score namin sa first quarter ay 34 kami at ang kalaban ay 37. Lamang sila ng tatlong puntos pero kaya namang habulin.
***
Nagumpisa na ang 2nd quarter at halos lahat yata ng mga nagaaral samin ay maputol na ang mga litid, kahit mga lalake ay hindi nagpapatalo sa cheer ng mga babae.Nasa kanila ang bola tapos nung shinoot nung isa sa kanila ay nablock ni Ver yon kaya nasa amin na ngayon ang bola.
Walang ano ano ay tinakbo ni Ivan ang kabilang ring at nagshoot siya sa 3 point lane at shoot nga agad yun kaya tie na kami ngayon. Hindi rin makapaniwala ang mga nanonood sa kabilang team na nagawa yun ni Ivan maski samin ay ganun din. Ako lang yata ang hindi nagulat eh, limang araw kong nakikita ang mga moves niya na yun.
Pinasa nung isa sa kalaban ang bola sa isa pa nang sa bilis ni Ivan eh hindi nila napansin na nakuha na ito.
Nasa strategy namin ni Ivan na palaging magsabay at iwanan yung naka bantay samin at pinasa sakin ni Ivan yung bola at shinoot ko yon sa three points at pasok nga. Hiyawan ang lahat sa nangyari. Lamang na kami ng tatlong puntos.
Ngumiti sakin si Ivan ng tipid at bumalik ang atensyon sa paglalaro.
Nashoot naman yun ng kalaban pero 2 puntos lang naman, may kasama pang foul dahil si Ivan eh tinulak yung bantay niya, hindi naman talaga totally na tinulak, talagang lampa lang yung bantay niya, para paraan kase tsk.
Nashoot niya ang dalawang puntos kaya lamang sila ng isa lang naman.
Nasa amin na yung bola at pinasa kay Ver tapos kay Anthony tapos sakin. Hindi ko nashoot sa 3 point lane pero naagaw pa din ni Ivan at siya ang nagshoot sa 3 points at pasok.
***
Mainit ang naging laban namin dahil ang naging score sa final eh 54 kami at ang kalaban ay 55. Obvious naman na sa kanila kampi ang referee kaya minsan nakakainis din.***
Dahil half time eh bumalik kami sa dressing room at paguusapan ang mga plano, kakain din muna kami at magpapahinga.Nagtabi kami ni Jason sa isang tabi at nagkwentuhan nalang at sinabayan din namin ng pagkain.
Si Ivan naman eh nakita ko na kasama si Ver at ang isa pa naming team mate na busy sila sa pinaguusapan nila. Pumunta samin si coach at sinabihan kami tungkol sa plano namin. Okay naman daw yun basta iwasan lang ang foul dahil nga sa kampi ang referee sa kanila.
***
Maraming nangyari sa 30 minutes time out (half time) pero para sakin ay madali lang yun.
Nagumpisa na ang third quarter. Nasa amin ang bola at pinasa ko kay Jonas ang bola at dinuk niya yun ng 2 kaya lamang na kami ng isa.
Nablock naman ni Ivan yung bola nung ishoshoot na ng kalaban kaya nasa amin na naman ang bola, nashoot ko yun ng 3 points kaya naman dumagdag na naman ang lamang namin.
Sa loob ng 7 minutes ang naging score namin ay 67 kami at ang kalaban ay 62. Lamang kami at time out naman ngayon. Pinalit si Ver sa isa niyang katropa dahil pagod na daw siya.
Nung tapos na ang time out ay nasa kanila ang bola. Nashoot yun ng 3 points.
Hawak ko ang bola at pinasa yun kay Ivan at hindi niya nashoot sa 3 point lane.
Pero nakuha ko naman ang bola at nung ishoshoot ko na yun eh tinabig ako nung dalawa sa kalaban sanhi para madulas ako.
Nauna ang aking ulo kaya naman namalipit ako sa sakit.
Napadaing ako ng sobra sa sakit at huli ko nalang nakita na nasa harapan kona si Jonas at si Ivan at ang pagdating ng team assistant namin kasama si coach.
Onting onti dumidilim ang paningin ko at nakakaramdam na rin ako ng hilo.
"Storm!!" Hindi ko nakita kung sino ang nagsasabi nun pero kilala ko ang boses na yun.
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Teen Fiction"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."