Chapter 14

5.8K 223 3
                                    

Storm P.O.V

3 days ago nung nakalabas ako sa hospital nun. Mabuti nalang at sagot na ng school namin ang bills pero may dinadaing parin akong masakit sakin.

Ngayon ay nasa maayos na kalagayan naman ako, mabuti na rin dahil kahit nauna ang ulo ko ay malayo pa daw yun sa Amnesia.

May saklay ako ngayon sa kanan kong braso dahil kasama rin siya sa mga nadamage. Meron din akong baston para alalay sa nabali kong buto sa kanang binti ko. Sabi ng doctor ay one week pwede ng tanggalin itong baston pero ang saklay ko sa kanang braso ay aabutin pa daw ng 2 weeks at pwede ng tanggalin. Ngunit kahit tanggalin ko pa ang baston ay pwede pa daw itong kumirot sa oras na mababangga ng malakas.

"Nay, bukas papasok na ako." Sabi ko kay nanay dahil naboboring na ako dito sa bahay. May excuse naman daw ako sa mga unit ko yun lang masyado akong maghahabol.

"Sige lang nak." Rinig kong sabi ni nanay mula sa kusina.

Andito kasi ako ngayon sa kwarto ko kasama ang kapatid ko, kauuwi niya lang sa school at napagdesisyunan naman namin na mag movie marathon nalang kami since bihira nalang kami magkita.

"Kuya, nung tulog ka pa sa hospital, may lalake dun na nagbabantay sayo nung bumili kami ng pagkain. Hindi ko siya kilala eh basta gwapo din kagaya natin." Sabi nito na nakatingin lang ng diretso sa pinapanood.

Napatingin naman ako dito, sino naman kaya ang taong yun? "Niloloko mo ba si kuya?" Tanong ko dito ng seryoso. Kahit high school na yan ay may pagka baliw din kasi ang isang to.

"Kuya, seryoso ako, binantayan ka niya nung bumili kami ni mama ng pagkain, ang bait nga nung tao eh kahit may pagka ano. Tanungin mo pa si mama."

Hindi ko nalang siya pinansin at baka niloloko na ako ng isang to.  Sino naman ang lalaking yun? Imposibleng si Jonas dahil kilala naman ng kapatid ko yun, wala akong maisip eh kaya gino-good time lang siguro ako ng isang to.

Nanatili kami sa panonood hanggang sa may nagtext sakin, yung dating number na sinabihan ako ng make your life a living hell... Hindi ko alam kung sino yun eh.

"Meet me at the Pluzu Coffee Shop..."

Umiikot sa isipan ko ang message na yun, alam kong malapit lang ang location ng isang to dahil alam niya kung saan ang coffee shop na yon, malapit lang yun sa university namin at medyo may kalayuan naman sa bahay.

Hindi ko alam kung magrerespond ba ako sa message niya na yun or ignore ko nalang. Una ay wala akong ideya kung sino yon, malay ko bang kilala ko siya or just a stranger. Pangalawa, sino siya para makipagkita sakin ng ganun ganun nalang, or just anong kailangan niya sakin?

Blanko ang isip ko, baka isa to sa mga nagaaral din sa university namin at may importanteng private na sasabihin sakin.

Hmmm... Wala naman sigurong masama kung pupunta ako hindi ba? Anytime naman ang gusto niya, so ako na ang bahala magdecide kung kelan ko gusto.

Marami pang oras para pagisipan ang command niya.

Natulog nalang ako dahil gabi na rin. Time ko rin naman na para bumawi sa mga pagod ko, pinakiusapan niya kasi ang boss ko ng harap-harapan at nasabi niya na rin ang lagay ko. Pumayag naman ang boss ko at bumalik nalang daw sa trabaho kung okay na okay na daw ang lagay ko.

***

Nagising ako ng maaga, hating gabi, hindi ko nga alam kung bakit ako nagising ng ganitong kaaga.

Hinawi ko ang kumot at sinuot ang tsinelas ko at bumaba sa kusina para uminom ng tubig.

4:30 palang ng hating gabi at parang wala ng balak ang katawan ko para bumalik sa pagtulog.

Naghilamos na muna ako sa lababo at kumain ng natirang ulam kagabi at nagpalit ng damit.

Hindi na ako nagexercise pa dahil baka kung ano pang mangyare sa mga buto ko kung gagawin ko.

Kaya ko pa naman makalakad yun lang may pagkabagal.

Humiga ulit ako at nagbukas nalang ng cellphone. Wala naman new messages kaya nag fb nalang ako.

Sumabog ang napakaraming notif sa fb ko. Maraming nagcongrats sakin at nabalitaan ko na talo pala kami ngunit bumuhos pa din ang mga suporta nila. Andami ngang nagalit sa dalawang sumagi ng paa ko. Kung hindi daw nila ginawa yun ay nanalo sana kami.

About nga pala dun sa dalawa eh pinag-fine naman sila ng 20k dahil sa ginawa nila, hindi na rin ako gumanti pa dahil wala naman mangyayare.

5:40 nang magsawa ako sa kakafb at dahil maaga pa sakin yun eh naisipan ko nalang na pumunta sa sinasabing coffee shop.

Nagmessage siya sakin kanina lang na isa siya sa mga fans ko at gusto niya daw na magpasign sakin edi go lang, ayoko naman na maging masungit sa mata nila.

Kaya ko naman ang maglakad kaya nilakad ko nalang.

Galing daw siyang St. Anthony University na all boys din, napanood niya kasi yung nagviral moves namin ni Ivan sa facebook na naka 800k views na at 38k reactions.

Tungkol kay Ivan eh wala na akong naririnig sa kanya simula  pa nung lumabas ako sa hospital. May nagstatus lang na nung matapos ang laro ay hindi na siya pumasok pa, ang alam ng iba ay nasa bahay lang nila, yung dean naman eh kalma lang, pano ba naman, gangster nga yun at marami siyang katropa, baka dun lang yun natulog.

Nung nasa coffee shop ako eh nagdalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi, wala kasing tao sa loob maliban sa mga crew.

"Storm po ba?" Tanong sakin nung isa sa mga guards at tumango lang ako na may halong pagtataka "Pasok po."

"Bakit walang tao?" Takang tanong ko.

"Nakaserve po sa inyo ang buong coffee shop for 1 hour with Mr. Ramirez."

Nakaramdam naman ako ng kung ano nang marinig ang pangalan na yun. Not familiar pero parang may kakaibang aura yung dating ng pangalan niya.

Umakyat ako sa second floor na kung saan nandon daw siya, nakita ko naman siya don na may kasamang mga body guards sa likod niya, mayaman siguro siya.

Ngumiti ako at umupo sa harapan niya.

Pansin ko ang mga tingin niyang mapanuri sa mga kinikilos ko. May authority kasi ang isang to lalo na sa mga kilos niya palang, sama mo pa yung mga bodyguards niya.

Tahimik lang ako habang kumakain ng menu na nirequest daw nitong si Mr. Ramirez. Iba ang kinakain niya sakin.

"So nice to meet you, Storm." Sabi nito at inilahad ang kamay niya sakin na may halong kakaibang ngiti.

Ngumiti nalang ako at inabot ang kamay niya. "Nice to meet you too, Mr. Ramirez."

Kumain nalang ako at hinintay ang iba pa niyang sasabihin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakakaramdam na rin ako ng hilo habang nakikipagusap kay Ramirez. Yun nalang daw ang itawag ko sa kanya since 20 lang naman daw ang tao. May pagkastrange lang ang una naming pagkikita dahil kung ano ano ang tinatanong niya sakin, lalo na sa privacy ko. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba yun or hindi pero sinasagot ko nalang, natatakot na kasi ako sa mga guards niya at lalo na sa kanya.

Nung pakiramdam ko na babagsak na ako eh tumayo na ako sa upuan.

Nang pababa na ako ng hagdan eh may naramdaman akong humawak sa likuran ko at bigla nalang ako sinuntok sanhi ng pagkatulog ko dala na rin siguro ng hilo.

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon