Chapter 27

4.4K 167 7
                                    

Kumunot naman noo ko dahil sa tanong niya, katakot naman yung lumalabas sa bibig neto! Siguro nga may ginagamit tong di maganda.

"Hoy insan tigilan mo yan ah! Mamaya mahuli ka pa ng president Digong natin! Naku sinasabi ko sayo." Seryoso ko namang sabi dito at napaside view ng higa.

"Insan naman eh, kung ano ano pinagsasasabi mo! Tanong ko lang naman eh masama ba?! Saka hoy di ako nagganun ah! Banal kaya ko." At eto naman eh may payakap yakap pa sakin at kiniliti kiliti ako.

"Pftt! Hoy insan ano ba yan!" Sabay palo sa kanya sa kamay at nagtalukbong nalang ng kumot at tinulugan siya.

***

Nagising nalang ako ng mga 4:00 am ng madaling araw. Pagkamulat na pagkamulat ko eh bumungad agad sakin yung mukha ni insan na malapit na malapit na sa akin, nakadagan pala ako sa kanya, tangena di ko namalayan!

Parang naka bukaka si kuya at nakapatong naman ako dun, muntanga lang position namin eh pag natutulog hahaha, ganito kami lagi pag natutulog ako sa kanila, minsan siya ang nakadagan sakin minsan ako naman, magulo talaga kami kahit sa pagtulog lang.

Dahil dun sa nangyari eh nawala na yung antok ko, natuyuan kasi ako ng laway eh, nakalimutan kong uminom ng tubig kagabi kaya uhaw na uhaw ako ngayon. Bumaba na muna ako sa kusina para uminom ng tubig at umihi na din tapos nun bumalik na ako sa kwarto ko.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kama habang nakatulala at kinakamot ang batok ko, parang gusto ko pang bumalik sa pagtulog pero wala na talaga antok ko eh, para tuloy akong gising dito 24 hours.

Dahil trip ko ang mag jogging ngayon at sariwa pa ang hangin sa labas, eh ginising ko nalang yung pinsan ko, "Insan uy." Tawag ko dito habang tinatapik tapik siya sa braso niya.

"Hmmmm..." Nakapikit niyang tugon tapos napaside view siya na parang nagsusungit.

"Insan tara jogging tayo, ang sarap ng hangin sa labas oh dali na!" Sigaw ko pa dito tapos hinihila hila siya.

"Next year nalang!" Wala sa sarili netong sagot at pilit niyang tinatanggal yung kamay ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

Nagbihis na muna ako ng pang jogging at pinagpatuloy ang panggigising kay kuya.

"Kuya tumayo ka na nga dyan at naghihintay na yung bestfriend mong si Bon sa baba!" Bulyaw ko dito ng katamtaman lang para di magising sila mama.

Agad naman itong tumayo at kahit papikit pikit pa eh nagbihis agad ng pangjogging, muntanga lang eh sa closet ko siya pumunta! Meron naman siya dyan sa bag niya eh. Ipokpok ko yung bag neto sa ulo niya eh para magising tsk.

"A-asan na siya????" Kung makikita niyo lang talaga siya eh sasakit talaga ang tyan niyo kakatawa, ang cute niya pala kapag bagong gising tapos papikit pikit pa mga mata niya. Sarap pisilin ng pisngi niya.

"Joke lang hehe peace." Sabay peace sign sa kanya at niyakap siya dahil baka masuntok ako neto, parang wala pa naman siya sa mood.

"Tsss.." tinanggal niya ang pagkakayakap ko at hihiga na sana nang..

"Pupuntahan natin siya!"  Sigaw ko dito at ayun, sumigla na naman ang gago.

Para namang syota niya yung pinagpupuyatan, kilos agad. Pero kapag nasa bahay nila yan daig pa ang pagong kung kumilos sa gawaing bahay.

"Let's go na." Nauna pa talaga sakin sa paglabas ang gago at sumunod nalang din ako.

Habang naglalakad kami sa daan eh naisipan naming magrent ng bike, may parentahan kasi samin ng bike dito, bata palang siguro kami nitong si  insan eh araw araw kaming nagrerent dyan tapos pabilisan kami.

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon