Chapter 35

4K 174 23
                                    

Ngayon ay naglalakad ako sa plaza, maingay pa dito kahit 2 pm na. Marami ring tao na galing sa trabaho nila na pauwi na. Sa totoo lang nalulungkot ako ngayon kaya may pumapatak na luha sa aking mga pisngi, sakit pala.

Ang sakit pala na yung taong pinagkatiwalaan mo eh siya rin palang gagawa sayo ng kasamaan, bakit kasi siya pa ang gumawa sakin nun? Di ba pwedeng kahit ibang tao nalang sana na hindi ko kilala. Di ko lang matanggap na nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan.

Galit din ako kay Ivan. Yun pala ang kapatid niya, si Bon. Ni hindi niya man lang nakwekwento sakin? Bakit di niya man lang ako pinagtanggol dun sa kapatid niya? Bakit parang hindi ko maramdaman yung sinabi niyang no one is allowed to hurt him. Eh sobra pa sa sakit yung ginawa sakin nung Bon na yun eh.

Para lang nila akong niloko, mga peke naman pala sila eh.

May narinig naman akong music sa aking paglalakad sa mga nagraradyo.

Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Bakit ba kasi pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan di naman kinakailangan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.

Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasaktan mo ako'y sinisipa't nasusugatan mo, ikaw pa rin walang iba ang gusto kong makasama....
Walang iba...

Napapatulala nalang ako sa music. Ewan ko ba masyado akong naging sensitive, para akong baliw. Ano naman kung peke lahat ng sinabi ni Ivan? Eh dati naman na siyang peke ah? Saka hayaan nalang, di naman ako mahalaga para sa kanya, for what nga naman para ipagtanggol ako.

Napangiti nalang ako ng mapait at dumiretso sa hospital para bisitahin mama ko.

Dun nalang muna ako sa kanya, masaya pa dun. Ngayon eh pagod na ako, kailangan ko na munang magpahinga para bukas sa exams.

Nang andun na ako eh niyakap ko na muna si mama at tinanong sa kapatid ko kung ano na nangyari kay mama, sagot niya ayos naman daw, pwede na rin siyang makalabas sa susunod na araw. Laking pasasalamat ko na rin kay Rina dahil sa twing nasa pasok ang kapatid ko at di ko mababantayan si mama eh siya nagbabantay, tapos gabi na rin siya umuuwi. Kailangan ko kasi ng pera para sa bills ni mama dito.

Nawalan na ako ng gana para sa pagrereview kaya tinulog ko nalang ito.

***

10:00 am na sa orasan ng magising ako, shit naman! Late na ako, hindi na tuloy ako makakapasok. Hays, nakalimutan ko nga palang sabihin sa kapatid ko na gisingin ako dahil may exams ngayon.

Napahawak nalang ako sa noo ko at minassage massage ito, masyado na siguro akong depress sa ngayon, siguro time ko na muna para sa pahinga.

Napagdesisyunan ko na alagaan at bantayan nalang si mama dito. Inabangan ko ang kanyang paggising at nagcellphone cellphone na muna.

"Bro kong dude! Sinundo kita dyan sa room ng mama mo, kaso tulog ka, sobrang pagod ka ata nun. Naawa nga ako sayo eh, hayaan mo, ipapaalam nalang kita kay Ms. Calatero na di ka makakapasok ngayon." Sent 7:30 am

Napabuntong hininga nalang ako at humiga ulit sa sofa at nakipagtitigan sa kisame.

Grabe pala, hindi ko man lang maramdaman ang pagod sa twing kasama ko si Ivan, kahit pagod na eh nagagawa niya pa rin akong patawanin. Ngayon na galit ako sa kanya eh saka ko lang naramdaman lahat ng pagod.

Tinabi ko nalang ang cp ko at bumaba para bumili ng makakain namin ni mama paggising niya.

Bumili ako ng dalawang lugaw at tubig lang at umakyat na. Pinrepare ko na ang mga kakainin namin ni mama at nilagay sa tabi niya. Maya maya pa ay gumising na si mama at binati ako ng good morning, ganun din ako sa kanya.

Ako na ang nagsubo kay mama dahil ayaw kong mapagod siya, bonding na rin naman dahil matagal tagal ko na tong hindi nagagawa kay mama simula magbinata ako.

"Anak bat di ka pumasok ngayon? Exams niyo diba?" Tanong sakin ni mama na nakangiti pa rin.

"Ah eh ma. Masama po pakiramdam ko eh, pagod po ako."

"Ganun ba anak? Wag ka na muna masyadong magpagod ngayon, baka naman napapabayaan mo na kalusugan mo nyan dahil sa pagaaral ha?" Pagaalala ni mama sakin na ikinataba ng puso ko.

Mama talaga, sweet. "Ma hindi po, sadyang wala lang talagang chix kaya ganun hahaha."

Dinaan ko nalang sa biro lahat para lang mapatawa ko si mama.

Nang tapos na kami sa pagkain eh kinwentuhan ko naman si mama kung ano ang mga nangyari simula maheat stroke siya kasama yung pagtuturo ko kay Ivan.

***

2 days absent ako. Siguro nga kailangan ko na muna ng pahinga, masama talaga pakiramdam ko eh, mataas ang lagnat ko ngayon pero pinilit ko pa ring pumasok dahil pinuntahan ako dito ni Jonas, hinahanap na daw ako ng mga prof namin. Ayaw ko namang mabawasan ang grado dahil scholar lang naman ako kaya kahit may lagnat papasok pa rin. Ayaw kong mahuli.

Sabay na nga kaming pumasok ni Jonas sa classroom at nilabas na ang notes para magreview pa ng kaunti.

Absent daw yung prof namin dahil nasa biglaang meeting daw siya, pero nagiwan siya ng notes para samin.

Maya maya ay may pumasok na babae, si Janna pala yon, ang matalik na kaibigan nitong si Ivan.

"Where's Ivan? I thought kasama mo siya palagi? Where is him?" Tanong nito sakin.

"Hindi ko alam." Maikli kong sagot at tinuon ang atensyon sa pagrereview.

"Ngayon lang siya umabsent, he's present in the both days you absent. Are you guys have fight?" Tanong pa nito na iniwasan ko naman.

"Oo nga dude. Nagaway ba kayo?" Sabat naman nitong si Jonas.

Hindi ko nalang sila sinagot at iniwasan ang mga tingin nila.

"Give this to him, nabalitaan ko lilipat na daw siya ng bagong school."

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon