Chapter 20

5.2K 221 3
                                    

Lumipas ang apat na buwan na napakaraming nangyari. Simula nung araw na nakulong kami sa isang bakanteng kwarto palagay ko yun na ang huli naming paguusap at pagkikita ni Ivan.

Nung makatakas kami sa kamay ni Ramirez naputol na din ang koneksyon namin ni Ivan. Tulad nalang ng dati, hindi na ulit kami magkakilala sa loob ng campus. Naging katulad na ng dati siya ngayon or even worse pa nga yata dahil araw araw may bagong babae siyang inuuwi sa bahay nila which I see dahil nadadaanan ko naman bahay nila at napapadalas ang pagbabasag-ulo niya sa labas at loob ng campus pero hindi ko nalang iniintindi, kahit ano pang gawin niya wala na ako dun.

At palagi nalang niya ako pinagbubunutan ng galit niya this week lang, palagi niya akong trip. Minsan ginagawa niya yun kapag nagsasalubong kami sa cubicle, minsan kinocorner niya ako tapos sasabihan ng kung ano ano, niyaya niya akong sumama sa game ng mga babae niya ngunit hindi ko nalang pinapansin. Pag nasa quadrangle naman, palagi niya akong bully, palagi niya akong pinapahiya pero ayos lang, wala naman ako sa lugar na pwede kong ipagtanggol ang sarili ko eh, besides ayaw kong makagawa ng kasalanan at scholar lang ako dito at ayaw kong bigyan ng problema mama ko.

Nasabi ko na rin ba na one time sinuntok ako ni Ivan dahil sa inis? Lumapit kasi sakin yung babae niya tapos kinausap lang ako, tapos nagulat nalang ako ng suntukin niya ako, malutong ang suntok niya kaya inbot ng ilang linggo bago mawala yung pasa ko sa mukha.

Nagsasawa na rin ako sa kanya habang tumatagal tinitiis ko nalang dahil magulang naman din niya nagpapaaral sakin dito.

Ngayon ay malapit na ang pasko kahit isang buwan pa. Naaalala ko kasi tuwing pasko pumupunta kami sa puntod ng lola ko at dun na din kami nagcecelebrate. Pangako daw kasi ni mama yun kay lola at sobrang saya ko kapag nandun kami dahil kasama ko din dun mga pinsan ko, naglalaro kami ng basketball. Tuwing pasko din pakiramdam ko punong puno ako ng pagmamahal kahit hindi pa ako nagkakanobya. Ewan ko ba, sabi naman ng marami gwapo naman daw ako, yun lang hindi lapitin ng chicks dahil mahiyain nga ako at walang hilig sa fashion at styles kaya sa family ko nalang ako humuhugot ng inspiration.

Bukas na ang bakasyon namin kaya naman ngayon ay Christmas party na namim.

Nanghingi pa nga ako ng tulong sa kuya ko dahil wala nga akong hilig sa fashion, siya ang nagayos sakin at namili ng mga damit. Hindi ko kasi maappreciate kung maganda ba o hindi ang isang bagay unless gusto ko lang talaga na perfect?

"Oh yan gwapo kana insan." Bungad sakin ni kuya at abot sakin ng salamin.

Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin.

Napangiti nalang ako, "Nakakailang naman pala ang make up sa mukha. Ang kati, pwede bang tanggalin nalang?" Angal ko at kukuha na sana ng tissue nang pigilan ako ni kuya.

"Wag. Hindi pwede, ito na nga ang last na party mo dito tapos di ka pa magaayos ng husto? Saka sayang naman yung pagod ko insan sa pagbili ng damit mo, pasalamat ka sakin at mahilig ako sa fashion."

"Eh hindi naman ikaw nag make up sakin eh."

"Bakit marunong ba ang mga lalake na mag make up? Malamang mga babae gumagawa nun kaya si ate Jane nag make up sayo." Natatawa pa nitong sabi.

Oo nga naman, mabuti at marunong sa ganito si kuya kundi ay magmumukha na naman akong ewan sa party nyan.

"Nakakahiya naman ilakad to sa labas, masyadong pormal kuya." Angal ko na naman habang pinagmamasdan ang checkered na maroon at nakacoat ako ng toxedo sabay pantalon na dark black at vans na sapatos. Mahigit 5k din ang ginastos niya dito.

"Dude, yung totoo? Sang planeta ka galing? Nakita mo naman na gwapo gwapo ng lahi natin tapos kakahiya mo lang? Wag ka mahihiya kung may ipagmamalaki ka naman, hayaan mo yung mga taong yun, inggit lang yun sa mukha mo."

Napangiti nalang ulit ako at nakipag bro hug kay kuya. Si kuya lang kasi talaga ang tumutulong sakin at nagpapalakas ng loob ko, lagi kaming magkasama tuwing bakasyon.

"Oh sige na, baka malukot pa yang damit mo. Halika nga picture tayo." Hinila naman ako ni kuya at inakbayan tapos pic kami.

Nung nacaptured na tiningnan ko naman, tama nga si kuya, gwapo pala talaga kami.

"Oh ano? Pwede na tayong pumalit kay DJ at James Reid nyan."

Napatawa nalang ako at sinuntok siya ng mahina sa braso.

"Gago."

Nagkatawanan kami at hindi namin namalayan na mag 7:00 pm na pala ng gabi.

"Umalis kana, baka malate kapa nyan. Ayun na yung regalo mo oh, maganda yan." Turo sakin ng regalo.

Hindi ko na tinanong pa kung ano ang laman at umalis na ako dahil ayaw ko din malate.

Mga 7:30 pm nang makarating ako sa campus namin. Sa quadrangle ginanap yung xmas party namin at marami rami na rin ang estudyante kasabay ng malakas na tugtugan.

Sinalubong naman ako ni Jonas at brohug.

"Oh pre gwapo natin ah?" Bati niya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Salamat." Ngumiti nalang ako.

"Tara pre picture tayo, popost ko to sa fb."

Tumango nalang ako at nagpicture na nga kami.

Inilagay ko na ang regalo ko sa mga lagayan ng pang exchange gift at kumuha na ng pagkain.

Sa di kalaunan, may napapansin lang ako na nakatingin sakin ngunit binabalewala ko nalang. Nakiparty nalang ako habang maggabi na.

Si Jonas naman ay lasing na lasing na agad, tinamaan agad at nagsasayaw sa stage kasama sila Ver.

Hindi ko nga nakita si Ivan eh kaya mabuti narin at walang manghuhusga ng kasuotan ko ngayon, lagi kasing kontra yung hayop na yun eh.

Nakaramdam ako ng sakit ng ulo nung ika 16 na tagay ko na. Bumibigat na pakiramdam ko kaya napagdesisyunan kong umihi muna para mabawasbawasan naman.

Wala ng tao at wala na rin ang maingay na tugtugan banda sa cubicle, tahimik na.

Pumasok na ako sa cubicle at nagsara sa isang pinto (di ko alam kung ano tawag sa mga ROOM ATA yun sa cubicle.) at umihi na.

Nung nagflash ako eh may narinig akong pumasok at maya maya pa ay nakarinig ako ng kalabog at sigaw.

"Putang inang buhay yan!!! Bakit ba kasi ngayon pa?!"

Nakarinig ako ng hikbi at iyak. Kilala ko kung kaninong boses yon.

"Sheen ayaw kona! Bakit ngayon pa ha?!" Lumalakas na ang paghikbi niya.

Natatakot ako at some point ay naaawa. Hindi pa nga talaga siya nakaka move on sa past niya.

Ganun ba talaga kapag nagmamahal ka ng totoo at higit pa sa sarili mo? Na kelan man ay mahirap mamatay matay?

"Fuck off! Bakit ba nakikita parin kita kahit wala kana? Bakit? Bakit?!" Sigaw pa nito at napapapikit nalang ako dahil naluluha ako.

Hindi ko ba alam bakit ako naluluha, siguro nadadala rin ako sa emosyon nya, alam ko naman talaga ang pakiramdam na mawalan ka ng minamahal, siguro kung mangyari sakin yun hindi ko din kakayanin pa.

"Kelan ko ba mararamdaman sa mga babaeng inuuwi ko ang pagmamahal na ibinigay ko sayo?!" Ngayon ay sumisigaw na siya. Patuloy ang kanyang panunumbat hanggang sa mapahikbi na rin ako.

Kinabahan ako dahil baka sa pagkakataon na ito ay hindi lang malutong na suntok ang matanggap ko. Sinubukan kong sumiksik pa sa sulok ngunit huli na ang lahat ng maabutan niya ako.

Lumapit siya sakin ng napaka lapit na halos amoy ko na ang hininga niya. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, bat ang lakas ng kalabog ng dibdib ko? Ano ba to?

Dahil sa kalasingan na rin siguro, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko pero hinawakan ko ang kanyang mukha, at sinubsob ang aking mga labi para halikan siya. Nung una ay ako lang ang gumagalaw ngunit makalapis ang ilan pang saglit ay lumaban na rin ang mga labi niya.

Naging mapusok ako nung mga oras na yon, ang lambot ng kanyang labi na ang sarap kagat kagatin. Dahil na rin siguro sa kainitan na nadarama ay hindi ko na alam na nakahubad na kaming parehas

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon