Chapter 11.1

5.7K 238 1
                                    

Bandang 1:00 na kami natapos sa paglalasing dahil napasarap ang kwentuhan namin, si Jason naman ay napatulad na rin samin, iba pala siya kapag nalalasing, anlakas ng sipa.

Kaya eto kami, sabay sabay kaming umuwi pero si Jason ay pinatulog na muna ni Ver dun sa private room dahil hindi naman namin alam kung saan bahay niya.

Sa amin daw matutulog ang mga mokong, hindi ko alam kung anong trip nila pero gusto nila samin. May balak pa yatang mag hangover sa kwarto ko.

Hindi pa naman masyadong lasing si Ver kaya naisipan niya na siya magdrive ng kotse ko.

Nung malapit na kaming makapunta sa sasakyan ko ay may narinig kaming ingay.

Alam kong lasing ako pero niarinig ko ang ingay na yun, kilala ko ang tunog na yun. Isa yun sa mga kinakalaban naming gang. Ang The Frecheit.

Matagal ng may galit samin tong mga to dahil palagi silang talo samin sa rumble at may lakas ako ng kutob na babawi sila samin.

We're dead. May hindi magandang mangyayari ngayon.

Sinubukan naming tumakbo ng sabay sabay ngunit huli na ang lahat, nakapalibot na samin ang lahat ng myembro. Siyam sila at kami ay tatlo lang, wala ang iba naming kasama sa gang.

May mga dala pa silang patalim at baril kaya tinaas nalang namin ang mga kamay namin.

Sa hindi inaasahan ay pinagbubugbog kami ng mga to at dahil sa lakas at dami nila ay hindi na kami nakapalag pa.

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon