Napatingin naman ako dito ng seryoso. Ano bang bukas na sinasabi niya dyan?
"Ah... Dadating din yun, patience lang." Sagot naman nito na paligoy ligoy at di makatingin sakin ng diretso.
"Sensya na nga pala kanina ah, nabighani lang ako sa ganda ng boses mo bro." Paumanhin ko dahil kanina ko pa gustong magsorry. Nakakahiya naman kasi yung ginawa ko.
"Wala yun bro, ang galing mo din kumanta, parehas tayo." Sabi pa nito at nilagay ang kamay niya sa balikat ko.
"Baduy mo bro." Napatawa kami ng sabay at yun na ang huli naming pag-uusap dahil may sarili na naman kaming mundo pagtapos nun.
Dumiretso ako sa kwarto at natulog nalang ulit. Sa totoo lang ay ayokong kausap yon si Ivan kaya ako nalang ang umiiwas sa kanya. Ang weird naman kasi ng mga sinasabi niya eh, lahat out of the blue. Kung ano ano sinasabi niya na nakaka-curious. May pinagdadaanan lang yata siya kaya ganyan yan.
Bigla namang nasagi sa isipan ko yung nobya ni Ivan. Sheen ang pangalan. Hindi ako makapaniwalang ang isang kagaya niya ay umiiyak nang dahil lang sa babae. Kelan man ay hindi siya naging seryoso sa mga bagay na ganyan.
Mababakas mo naman na hindi pa siya nakaka-move on sa nobya niya eh, kitang kita ko yung affection niya sa pagkamatay ng girlfriend niya. Nangungulila pa rin siya hanggang ngayon.
Ngayon ko lang din nahanap ang kasagutan kung bakit naguuwi siya ng mga babae sa bahay nila. Ginagawa niya ang lahat ng yun para maka-move on pero walang nangyayari. But if he needs to move on, isa lang naman ang kailangan niyang gawin, ang maramdaman ang tunay na kahulugan ng PAG-IBIG.
Sa tingin ko ay mawawala ang mga hindi magagandang katangian niya kapag nahanap niya na ang muling magpapa-tibok sa puso niya. I see naman na kapag nagmahal siya ng totoo eh kulang nalang pati buhay niya ay ialay niya. Sobra sobra talaga magmahal ang isang gangster katulad niya.
Napailing iling nalang ako habang nagmumuni-muni ngayon. Ito kasi ang hilig kong gawin kapag magisa lang ako sa kwarto ko.
Napaisip naman ako kung kamusta na kaya ang lagay ni nanay pati ang kapatid ko. Panigurado ay alalang alala na sila sakin.
Gusto ko rin tanungin kay Ivan kung bakit ba ako napasok sa gulong ito pero pinangungunahan ako ng kaba sa maaari niyang isagot. Mabibigyan din naman to ng kasagutan kapag tapos na ang lahat.
Hindi ko rin maiwasan makaramdam ng pagkainis sa twing maaalala ko yung sinapit ko nung nasa loob ako ng isang kwarto nang dahil kay Ivan. Pakiramdam ko nung mga oras na yun ay mamamatay na ako, onting suntok nalang at pwede na akong mamatay. Nakakainis lang isipin na ang tahimik kong buhay ay ginugulo niya, ano ba kasi ang kailangan niya at kailangan niya pa akong isama sa gulong to?
Pinakikisamahan ko lang naman ang isang to dahil ayokong maging kumplikado ang sitwasyon namin dito sa loob ng ilang linggo.
Question pa din kung mabubuhay pa ba kami dito o mamamatay nalang. 1 million kapalit ng buhay naming dalawa. Hindi ko alam kung saan hahanap ang mga magulang nitong si Ivan ng pera para makawala kami dito.
"Storm?" Rinig kong boses mula sa pintuan. Agad ko namang binuksan yun ng paika-ika at nasilayan si Ivan na nakatayo.
"Bakit?" Tanong ko dito. Sinundan ko naman ng tingin ang mga kamay niyang nakahawak sa isa niyang braso. "Ano yan?"
"Ahh...." Sigaw nito at bigla nalang tumamba sakin na nasalo ko naman agad. "Aray ko ahh..." Ungol pa nito at mababakas mo sa mukha niya ang sakit.
Nakita ko naman na may dugong umaagos sa braso niya at nataranta ako bigla sa nakita. "Anong nangyare dyan?!" Bulyaw ko at kumuha agad ako ng damit sa closet at binalot sa sugat niya.
"Ahhh.... Dahan dahan lang.." Hinawakan niya ang kamay ko at nakaramdam naman ako ng pagkailang dun. "Sorry." Ngumiti ito ng tipid at bumalik ang tingin sa braso nito.
"Ani ba kasing nangyari dyan?" Tanong ko dito habang nilalagyan ng baby oil yung sugat niya.
"Nadulas kasi ako malapit sa kusina, hawak ko yung kutsilyo edi nabaon dyan." Habang hawak hawak niya ang braso niya na tumigil na sa pagagos ng dugo.
"Tsk." Pagsusungit ko habang ginagamot pa rin ang sugat niya.
"Cute mo."
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Ficção Adolescente"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."