Chapter 28

3.9K 163 1
                                    

Isang Linggo na ang nakalilipas matapos yung pangyayaring iyon. Ewan ko ba, masasabi ko bang bestfriend ko na rin yung Bon na yun dahil sobrang close na namin sa isa't isa kahit ganun kabilis? Tapos na ang bakasyon kaya naman balik eskwela na naman kami. Eto sunog-kilay na naman.

"Brooooooo!" Bulyaw sakin ni Jason sa labas ng kwarto ko, eh eto kasi ako, nakatulala sa salamin habang iniisip kung pano haharapin yung araw ko. Eh pano ba naman, yung nangyari samin ni Ivan! Nahihiya ako!

"Oo eto na!!" Bulyaw ko rin sa kanya at kinuha na ang bag ko at pumasok na.

Nang makasalubong ko yung kapatid ko sa sala namin ay sinabihan ko ito, "Oh bunso, sabihin mo kay mama kainin niya na yung pagkain dun sa hapag pag dating niya ha? Bibili nalang ako sa labas."

Tumango nalang ito at nagpatuloy sa panonood. Naaawa kasi ako kay mama sa mga nagdaang araw, naging busy siya masyado sa pagtitinda ng bananacue kaya napababayaan niya na rin kalusugan niya.

Lumabas na kami ni Jonas at pumasok na.

Mabuti at di pa kami late masyado, strikto kasi yung prof namin sa Calculus eh. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid at natamaan naman nun si... Ivan..

Ewan ko ba, basta nahiya nalang ako bigla at umupo nalang at nag nap habang hinihintay ang pagdating ng prof namin. Pansin kong nakatingin ito sakin kahit di ko siya nakikita kaya naman hindi ko siya magawang lingunin.

Ano na kayang nasa isip neto? Yan ang mga katanungan na nasa isip ko ngayon, baka naman galit siya dahil sa nangyari? O kaya naman bumaba na tingin niya sakin? Ewan basta! Bahala na si batman!

Nung dumating ang prof eh binati namin siya at naglabas na kami ng notes.

Habang nasa klase kami ay hindi ko parin maiwasang mailang. Kahit sabihin mong hindi na virgin yang si Ivan eh pano naman ako?! Syempre mahihiya ako noh! Hindi ko nga akalaing papatol ako sa kapwa ko lalake sa sex eh. Lasing kaya ko nun.

"Pst bro..." Tawag sakin ni Jason at binulungan ako. "Bakit tulala ka na naman? Nakikinig ka ba?"

Sa totoo lang hindi ako nakakasabay sa mga tinuturo ng prof namin. Lutang na lutang ako, kahit pilitin kong ifocus ang atensyon ko sa tinuturo ng prof namin eh di pa rin talaga. Ewan basta baliw na ko!!!

*kring!!!*

Sakto at tumunog na ang bell at napalabas nalang ako na sinundan naman ni Jason.

"Oy bro kanina ka pa lutang ah? Problema ba?" Seryoso na nitong tanong sakin.

Tinitigan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad, ewan di ko masabi sa kanya yung nangyari nga samin ni Ivan, wala akong balak.

Nasa paglalakad kami nung mga oras na yon nang may biglang tumawag na unknown number sa phone ko.

[Hello?!]

Hindi ko gusto ang tono ng pananalitang iyon, at hindi ko rin kilala kung sino iyon.

[Hello sino to?]

[Zeus, hello ako to si Rina! Pumunta ka ngayon dito sa HMC! Yung mama mo nastroke---]

Nang marinig ang mga salitang yon eh bigla ko nalang naibaba yung tawag at napatulala nalang.

Gumuho ang mundo ko sa narinig...

Si mama naistroke!

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon