Natapos ang 3rd quarter na ang score namin ay 83 kami at ang kalaban ay 79.
Simula nung pinatid ko ang paa nung isa sa mga nakasakit kay Storm eh hindi na ako gumawa pa ng ilang foul. Bumalik ako sa dati at sunod sunod ang pagpasok ng 3 points sa team namin.
Pinagalitan din kasi ako ni tito kaya hindi ko na inulit. Nakaganti naman na ako sa nanakit kay Storm, nabasag yata ang ngipin kaya nakaganti na rin.
Ngayong 4th quarter eh wala na talagang hingahan ang mga tao sa loob. Halos lahat ay nanahimik at yung iba pa sa mga kateam namin ay nagkapit kapit ang mga braso.
Yung iba naman na bakla samin ay tumayo pa at tili ng tili na kinakalampay ang mga pompoms nila at cheer ng cheer sa pangalan ko. Binigyan ko nalang sila ng matamis na ngiti at bumalik sa paglalaro.
Nasa amin pa rin ang bola at binigay ni Jimuel yun sakin, ang naka bantay sakin ay para na akong didikitan dahil sa takot na mapagiwanan ko siya.
Nilito ko siya, kunware ay ipapasa ko ang bola sa kaliwa pero sa kanan ko yon pinasa kay Tom at dahil walang nakabantay sa kanya dahil napagiwanan niya, nashoot niya yon ng 2 kaya naman hiyawan pa ang lahat.
Nung nasa kalaban na eh hindi ko napansin na napagiwanan na pala ako nung binabantayan ko kaya nashoot yon sa 3 point. 85-82 na ang score.
Nung pinasa sakin yun ay ginawa ko ang moves ko dahil wala namang nakabantay sakin pero hindi yun nakapasok sa 3 points.
Nagpatuloy pa ang aming paglalaro hanggang sa 2 minutes nalang ang natitirang oras.
Medyo nalilito ako sa kalaban, ginagaya yata nila ang mga moves ko kaya naman nag isip ako kung pano ko lilituhin yung kalaban sa iba pang paraan.
Wala talaga akong maisip. Pero inaamin ko na hanggang ngayon eh bitbit ko pa din ang nangyari kay Storm. Ewan ko ba sa utak ko kung bakit kailangan pang paulit ulit, nawawala tuloy ang concentrate ko sa laro.
Ang naging score namin ay 94 kami at ang kalaban ay 99. Kung pano yun nangyari? Ginaya nila ang mga moves namin at sabay mo pa yung pagkampi ng referee sa kanila. Hanggang reklamo na nga lang kami eh dahil kahit saang anggulo mo tignan ay walang taya samin yung referee.
Nasa kanila pa ang bola, inuubos nila ang oras dahil pinagpapasa pasa nalang nila yun at shinoot pa yun sa 3 point lane kaya naman dumagdag ang lamang nila.
94-102
Pero wala sa vocabulary ko ang sumuko kaya ginawa ko pa rin ang dati kong moves at pasok naman pero sabi 2 points lang daw yun.
96-102.
2:19 nalang ang oras. Pinagpapasa pasa na naman nila ang bola na halata mong inuubos nalang nila ang oras. Nung nakahanap ng tyempo eh sakto yung datingan ko, nakuha ko ang bola kaya mabilisan kong tinakbo ang 3 point lane at pasok.
Hiyawan ang lahat nung napasok yun na hindi mo na maririnig ang mga sinasabi ng commentator dahil sa lakas.
99-102
2:06
Walang ibang nasa isip ko kundi ang ipasok ang bola sa 3 point kasabay ng pagalala sa kalagayan ngayon ni Storm.
Dahil nga mabilis ako eh naagaw ko na naman ang bola at naghiyawan na ang lahat tapos yung mga kateam ko ay napatayo at sinasabayan nila ang moves ko.
Pumwesto ako sa 3 point lane at nung shinoot ko yon eh para bang nag slow mo ang lahat, bawat galaw ng bola ay sinasabayan ang pagalala sa ginawa ng kalaban kanina kay Storm. Baliw na kung baliw pero yun ang nasa isip ko. Tapos nung nashoot na ang bola sa ring eh mas lalong naghiyawan ang lahat, lahat ay nakatayo at lahat ay nagsisitalon sa tuwa.
102-102 na ang score namin. Tie na na may kasamang time out.
Niyakap ako ni Ver pati ni Tom na may kasama pang pagbuhat. Yung tito ko naman eh halos punitin na ang damit ko dahil sa tuwa. Maski ako ay natutuwa din sa ginawa ko, hindi ko nga akalain na magagawa ko ang sunod sunod na 3 points sa ikli ng oras eh, pero nung time na yun eh ginagawa ko kung ano ang mga ginagawa namin ni Storm sa single court sa twing nagprapractice kami. Iniisip ko nalang din na nandito siya kasama ko maglaro para magawa yung mga strategy na naisip namin.
Nung tapos na ang time out eh back to agenda na naman ang mga tao, nagsitayuan at walang hingahan.
Nasa kalaban ang bola at napasok nila yun sa 2 na may kasamang foul. Wala namang naipasok sa foul kaya lamang lang sila ng dalawa.
Dahil hindi ako sigurado sa 3 point ko eh sa 2 point muna ako pumwesto at nashoot nga yun.
Habang pabawas ng pabawas ang oras eh siya namang habulan namin ng score.
1:23 nalang ang natitira samin na may score na 106-106
Ang mga referee eh tumigil na din sa pusta sa kalaban, wala ng pinapanigan sa mga laban ngayon.
Ang gusto ko lang naman na manalo dahil kay Storm at para sa pangalan ng school namin. Kung wala siguro si Storm eh wala ako dito, hindi ko alam kung ano ginawa niya sakin but he made me realize that ball is life.
Nakakaramdam ako ng saya sa twing magprapractice kami pero hindi ko lang pinapahalata yun sa kanya dahil kinikilala ko muna ang bawat galaw niya kaya minsan ay napapatingin ako sa kanya na napapatagal, ewan ko lang kung napapansin niya yun.
Nung nasamin na ang bola eh walang ano ano at nagland ako sa 3 point area at shinoot ang bola na napasok naman na may kasama pang foul.
Hindi ko nashoot ang isa kaya 110-106 na ang score namin.
Nashoot ng kalaban ang 2 point na may kasama ding foul dahil traveling daw sabi nila.
Pasok ang dalawang foul kaya tie na naman kami.
Nung shinoot ko sa 3 point eh hindi naman nashoot kaya nakuha na naman ng kalaban ang bola.
59 seconds nalang ang natitira.
Walang ano ano eh hindi ko nakita na nashoot pala ng kalaban sa 3 points kaya lamang na sila ng tatlo.
110-113
Time out at walang ibang ginawa si coach kundi ang magset ng plan b namin. Medyo nalito ako pero nagets ko na din nung nasa game na kami.
Effective naman ang plan b kaya lamang kami ng isa sa kalaban.
26 seconds remaining
Hindi ko napansin na naagaw sakin yung bola at nashoot yon ng 3 points ng kalaban kaya
114-116
20 seconds remaing.
Nasakin ang bola kaya ako nalang ang gumawa ng plano, uubusin ko ang oras at ishoshoot ko yon sa last 5 seconds ng 3 points.
12 seconds remaining
Wala akong ibang inintinding kundi ang dinidrible kong bola at ang ring lang at kung mashoshoot ko yun ng 3 points eh ang reward ay para kay Storm, sa ikasasaya niya.
10
.
9
.
8
.
7
.
6
.
5
At shinoot ko na yon sa 3 points at nagslow mo na naman ang lahat..
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Novela Juvenil"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."