Natapos ang mga nalalabing araw at ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang championship.
Lumipas ang limang araw na okay ang lahat, pansin ko lang sa twing nagprapractice kami nitong si Ivan eh napapadalas ang pagtingin nito sakin na hindi ko maipaliwanag kung ano. Emotionless kasi ang timpla nito kaya hindi ko madistinguished kung ano ang nasa isip niya. Minsan ay nakakailang din ang mga tingin niya kaya umiiwas nalang ako.
Nanatili siyang cold sa practice, sanay naman ako dahil yun naman talaga ang gamit niya araw araw.
Ilang minuto nalang at aalis na ako dito sa bahay para pumunta sa bahay nila Jason. May pupuntahan pa daw kasi siya pero sandali lang daw yun kaya ako nalang ang maghihintay sa kanya sa bahay nila, malapit lang din naman ang bahay nila sa bahay namin.
Nagwawarm-up ako ngayon habang iniisip ang mga sinabi ni coach at ang binuo naming diskarte ni Ivan. Well masasabi kong nagkamali ako sa mga inisip ko na wala siyang pakealam sa laro namin, it's a big mistake. Sa totoo lang ay siya ang gumawa ng magandang diskarte namin. Marami siyang knowledge pagdating sa basketball at mga moves.
Nakakataba lang ng puso dahil halos lahat ng mga kaklase at lahat ng department ay todo support ang binibigay samin, maraming nagpost sa timeline ko at mas maraming nagpost sa facebook page namin ng pampagood vibes. Gusto talaga nilang iangat ang pangalan ng university namin.
Mahigpit din kasi ang kalaban namin, hindi dapat kami magpadalos dalos kahit lamang na kami. Mahahabol pa din nila kahit isang buwan na tambak nila.
In-off ko muna ang cellphone ko at nagrelax muna para sa laban. Umidlip muna ako ng saglit at nag-alarm ng time para gumising.
Nagising nalang ako sa tunog alarm clock. Nagwarm up muna ako bago maligo at nagbihis na ako.
Nagdala ako ng bag na may laman na mga pwedeng gamitin sa laban namin. Maraming tubig, extra shirt, first aid kit, dalawang extra shirt at marami pa.
Nauna naman na sila mama sa court ng MOA at ganun din naman ang pamilya nila Jason kaya sa bench na muna nila ako maghihintay.
Lumipas ang limang minutong paghihintay at nakita ko na ang mukha ni Jason na handang handa na. Nakabihis na siya at may dala ding bag.
Nagbro hug kami at nagbro fist tapos umakbay kami sa isat isa habang sumakay ng taxi.
Ganun talaga kami netong si Jason, wala kaming pake kung anong isipin ng iba, no one can understand our crazyness. Wala namang malisya samin yun.
Nang makarating sa MOA eh bumili na muna kami ng energy drink at pahinga ng onti tapos kumain kain kami. Dami nga naming napagusapan eh, kung ano ano.
Nang oras na ay pumasok na kami sa dressing room at halos lahat ay nandun na maliban kay Ivan.
Nasan na kaya yun? Baka may binili lang o na-traffic lang. Nakinig nalang ako kay coach sa mga sinasabi niya, nagsasalita na ang mga commentator sa labas at ang malakas na tugtugan ay naririnig dito.
Ang ibang team mates ko ay nagpractice, ang iba naman ay nagwarm at habang ako ay nagwarm up din habang hinihintay ang pagdating ni Ivan. Huli ko lang na natandaan na sinabi niya sakin ay goodluck tapos ngumiti siya ng tipid at umalis na siya, yun ang huli naming paguusap. Wala naman siyang nabanggit na hindi siya pupunta or what.
Tinawag na isa isa ang mga kalaban namin na St. Artery College habang kami ay pumila na din.
Bahala na nga si batman. Gagawin ko nalang mga tinuro niya sakin kung hindi nga siya dadating.
Tinawag na si Jason tapos yung iba ko pang team mate ng commentator tapos ako yung last.
Mabibingi ka sa ingay ng mga tao dito, karamihan ay may dalang mga banner at pompoms. Kung marami ang dumating samin eh ganun din sa kanila, punong puno ang court ng mga tao na halos wala ka nang makikitang bakanteng upuan.
Nagpapalakasan ng sigaw ng pangalan ng university. Hindi nagpapadaig sa cheer ang kalaban. Wala kaming mga cheerleader dahil nga sa all boys kami pero kahit mga lalake sila eh nagchecheer pa din naman sila, mahina nga lang.
Binanggit isa isa ang mga apelyido namin at umawit na ng lupang hinirang as opening ng game.
***
Nagstart na ang laro at ang selected player ay si Jason, Ver, Anthony, Jimuel pati ako. Dapat si Ivan ang nasa pwesto ni Jimuel pero wala nga siya.
Hindi na nga siya dadating pa kaya gagawin ko ng magisa ang mga tinuro niya.
Nagstart na ang game at nasa amin ang bola, ako ang nakakuha nun at pinasa ko kay Ver, shinoot niya ng two at pasok. Nagthree points ang kalaban at napasok yon.
Nung 2 minutes remaining ang score namin; 28 kami at ang kalaban naman ay 31
lamang na sila at time out daw muna, puro sablay kami sa free throw eh, dun lang ang sablay namin. First quarter palang ay makikitaan mo na ng galing ang kalaban, madumi nga lang talaga sila sa laro.
Nung time out ay nagulat ang lahat nang may marinig kaming pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali.
Naglingunan kami isa isa sa likuran ni coach, andito nga ang gago.
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Genç Kurgu"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."