Chapter 39

3.7K 158 6
                                    

Napatingin naman ako dito ng seryoso.

Hindi ako magsisisi sa isasagot ko, "Oo, mahal den kita Ivan!"

Sa tuwa eh napayakap ito sakin at ganun din ako sa kanya, hinalikan niya ako sa labi ng matagal at pagtapos non may kinuha siya na box sa bag niya.

Color black na sapatos, short, glasses, at yung tshirt na may burdang he's mine at yung kwintas na kulay gold den na may disenyong van at sinuot ito.

Ngayon ay alam ko na kung sino ang nagbigay sakin nitong couple stuffs na suot ko. Hindi ko rin talaga ineexpect na hahantong ang lahat sa ganito, dahil sa pagkakaalam ko eh ang lalake ay para sa babae at ang babae ay para sa lalake lang pero hindi pala, ang pagmamahal ay para sa lahat ng nagmamahalan.

Kinumpleto niya ngayon ang araw ko, pinasaya niya ako kaya naman pagdating namin sa baba eh hinalikan pa niya ako ng sobrang dami at yung ibang nakakakita samin eh kinikilig.

"Storm is mine now!!!" Sigaw niya sa lahat ng tao at yung iba naman eh napapatingin samin kaya agad ko siyang siniko.

"Oy wag ka nga dyan! Nakakahiya!" Sita ko sa kanya dahil yung iba eh parang bitter ng drawing sa mukha.

"Why? I'm just proud I have you in my life." At talaga naman ang mokong, hindi pa nakuntento at tinadtad ako ng halik sa labi.

Kinilig tuloy ako don. Hindi ko na pinansin pa yung mga tao dahil wala na rin naman sila magagawa, pake ba nila? Mahal ko si Ivan eh.

Nakakita naman kami ng padlock wall (yan ba tawag dun? Sa maglalock ka ng padlock at isusulat mo don yung promise mo o kaya name niyong dalawa?) at bumili kami ng tatlo.

Sa isang padlock eh sinulat namin yung mga pangalan namin at pinadlock sa may wall, tapos tig isa kami ng padlock dun namin ilalagay yung promise namin sa isa't isa.

Til my next life, I shall bring all our memories together so that I couldn't forget you...

Kiniss ko pa yung padlock bago ko siya ilock. Totoo naman yung sinabi ko don saka kahit anong mangyari, andito lang ako sa tabi niya.

Napatingin naman ako sa mokong, umiiyak pa ata habang sinusulat yung promise niya. Hindi ko yon binasa dahil sabi nila, soon in the right time malalaman mo din naman daw yon kaya hinintay ko siya sa may gilid at pinagmasdan yung tanawin.

Napakaromantic naman pala talaga dito. Nakakawala ng stress tignan mo palang. Pangarap ko kasi talagang makapunta sa park at magrides dun pero hindi ko magawa dahil hindi sapat yung pera na kinikita namin para sa mga ganyang bagay.

Ilang sandali pa eh si Ivan natapos na din. Abot langit ang mga ngiti nito at agad akong inakbayan. Kinikilig talaga ako sa mokong na to, ewan ko ba lakas ng tama sakin.

"Storm..."

"Hmmmm...."

"I love you.." pabulong niyang sabi sakin at nakiliti ako dahil don. Ang husky naman ng boses ng isang to.

"I love you too Ivan.." Hinalikan niya ako sa labi at hindi na ako umangal dom dahil wala naman masyadong nakakakita, pauwi na rin kasi kami.

Sumakay na nga kami sa sasakyan niya at agad umuwi.

***

Nang makarating eh pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at sinara yon. Napatingin naman ako dito na sa akin lang ang tingin. Hanggang ngayon eh nakangiti pa rin siya.

"Thank you sa araw na 'to, binuo mo to. Pinasaya mo ko kaya salamat ng marami." Nginitian ko naman siya.

"Ah thank you rin Storm, di mo lang alam gano ako nagenjoy sa araw na to dahil sa wakas naging tayo rin. Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to, special to para sakin." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at agad niyakap ng mahigpit, sobrang higpit.

"Storm wag mokong iiwan ha? Dito ka lang sa tabi ko, hindi ko na alam kung san patutungo tong buhay ko kapag mawala ka sakin, ikaw nalang ang natitira sakin kaya pls don't leave me, pls?" Umiiyak pala ang mokong, hindi ko tuloy maiwasang mapaiyak rin dahil sa kanya.

"Oo naman.. Andito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari." Naluluha kong sabi dahil napaisip rin ako. Pano kung mawala siya sa tabi ko? Papaano nalang kung isang araw eh magsawa siya sakin? San na kaya tatakbo tong buhay ko? Hindi ko kaya.

"Promise me."

"Promise ko yan Ivan, I will never leave you... promise me too.."

"I'll promise not to leave you Storm."

Umiiyak pa rin kami nung mga oras na yon pero napapangiti niya ako dahil sa kilig. Sana hanggang bukas magkayakap pa rin kami. Ganito pala ang pakiramdam kapag pumasok ka na sa mundo ng pagibig. Sobrang saya, yung feeling na wala ng sasaya sa mga oras na magkasama kayo, pero nakakatakot din, natatakot akong baka sa isang araw eh maglaho ang lahat, mapalitan ng lungkot ang lahat ng saya.. ayaw kong mangyari yun, hindi yun mangyayari dahil mahal namin ang isa't isa.

Maya maya lang ay kumalas na kami sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha, hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sakin ng diretso, "I love you Storm, akin ka lang."

"I love you more Ivan, iyong iyo lang ako.." nagkiss muna kami atsaka ko siya pinapasok sa kotse niya.

Nagwave ako sa kanya at pinagmasdan ang paglaho ng kotse niya sa paningin ko.

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon