// 3. Facebook

4.9K 37 3
                                    

"Bakit nga?" Tanong uli ng kausap ko. Interesado talaga siyang malaman ang dahilan kung bakit 'yun ang naisagot ko.

Napailing lang ako. "Wala lang," napatingin ako sa malayo. "Medyo nagtaka lang ako sa ex ko. Matapos namin magbreak eight years ago, 'yung ex niya ang inasawa niya."

Siya naman ang ngumiti. "Alam mo naman ang mga lalake. May mga plan B."

"Plan B?"

"Malay mo, nakareserve na pala 'yun. Plan A, ikaw. Plan B ang ex. Baka nga may plan C pa." Patawa tawa pa siya.

"Maraming ex na nakareserve!"

"Bakit ba ex? Pwede naman na bago. Bakit ex pa?"

Hindi siya nakagets o mahirap lang talaga hulaan ang gusto kong iparating. "As I said, may ex na mas nakakahigit sa mga nakikilala mo. Hindi mo lang alam kasi medyo wala ka pang experience." Tumawa ako pagtapos magsalita.

"Baka magaling sa kama!"

Nadali niya. Tumawa na ako ng malakas at tumingin sa paligid. Baka nakakuha kami ng atensyon.

__

Sabay na naman kami umuwi ni Richard. Hindi ako nagbukas ng phone mula kanina kaya pag uwi ko ay nagbukas ako. Baka mag appear na ang bagong post ni Vernon.

Pero naglike back pala siya. Nilike niya 'yung picture namin ni Richard. Maybe na-notice niya ako. Ano kaya ang gagawin ko? Naalala ko noon na hindi naman ako tulad ngayon na passionate pagdating sa sex. Conservative ako. Hindi ko nga siya binlowjob na ginagawa ko na ngayon. Maybe, past is past na. Baka hindi niya ako naaalala pero siya naaalala ko. Wala akong extraordinary na ginawa. Isa lang ako natural na ex niya.

"Ano 'yan?" Nagulat ako sa asawa ko. Nakatingin na pala sa ginagawa ko.

"Nagbabasa ng comment." Sagot ko. Buti na lang hindi ko inistalk si Vernon. Diretso open ako ng notification kung saan niya nilike 'yung picture namin ni Richard.

Tumawa siya. "Basahin mo 'yung comment ni tita Men. Matatawa ka."

Hinanap ko 'yung comment. Natabunan kasi.

Wow haggard ah. Galing office pero maganda parin.

Kumunot ang noo ko. Haggard ba itsura ko? Hindi ko pansin. Tumawa ako nang mahina. "Echos, baka nagwarn lang siya na huwag ako magpicture nang ganun. I don't care." Tumayo ako. Gusto kong manalamin agad.

"Ikaw naman. Hindi plastik si tita Men. You're so beautiful."

"Oo na." Hinabol niya ako ng tingin habang naglalakad ako. Hindi ko na sinabi na sa banyo ako pupunta.

Pagpasok ko agad kong niladlad ang mahaba kong buhok at naghilamos. Kita ko ang mukha ko sa salamin. Hindi ko na pinapansin ang sarili ko kasi may asawa na ako even malinis ako sa katawan at takot mangitim. Kahit pala nakahanda ako lagi para maging presentable sa office ay nahahalata parin na haggard ako pag-uwi. Nagpulbo ako pagpasok ko sa kwarto. Baka yayain ako ni Richard na magpicture. Ayokong mahalata ng iba na haggard ako tignan kahit nagagandahan sila sa'kin. Syempre maganda ako para sa kanila.

Saglit akong tumingin sa Facebook. Marami ako laging notifications pero ngayon parang nadagdagan ata. Tinignan ko.

Nashock ako dahil nagflood sa'kin si Vernon. Malamang nagstalk. Hindi ko maintindihan. Ano ang gagawin ko? Buong album ang nilike niya. Maybe isa sa dahilan ay dahil naalala niya ako noong nilike ko 'yung photo nila ng anak niya. Or maybe nahihiya siyang pansinin ako before and then noong naglike ako saka siya nagkaroon ng lakas ng loob na pansinin ako sa pamamagitan ng pagflood. Gantihan ko kaya? Hindi na ako bata. Mabuti na lang hindi alam ni Richard na ex ko 'tong taong 'to. Baka ano isipin kung mahalata na nagflood. Sometimes hinahawakan niya ang phone ko at tinitignan ang mga nagchachat na minsan nagiging topic namin kung may kamag-anak na nagtatanong sa'kin.

Pumasok si Richard sa kwarto at umupo sa kama habang saglit na nakatingin sa phone. Naalala kong hindi nga pala siya nangingi-alam kung hawak ko ang phone ko. Napatingin siya sa'kin.

"Bakit?" Pagtataka niya. May kakaiba ba sa kilos ko?

"Wala lang."

"Nakatingin ka sa'kin na tila nagtataka ka."

Nagulat ako. Kung nababasa niya isip ko magagalit 'yan. Feeling ko tuloy manloloko ako. Ngumiti ako ng matamis. "Wala."

"Huwag mo sabihin napopogian ka." Lumapit siya at niyakap niya ako. Takot ba siya sa sarili niyang multo. Alam ba niya na pogi siya kaya mahal ko siya at nagseselos siya sa ibang mga pogi.

Kumunot ang noo ko at yumakap pabalik. Hinalikan niya ako sa lips. "Manood muna tayo ng TV, andoon ang dalawang bata." Yaya niya.

"Mamaya na. Pangbata na naman ang palabas. Hihiga lang ako saglit. Mauna ka na." Tanggi ko. Pero gusto ko munang tumingin sa Facebook.

Nang lumabas siya ay humiga ako sa kama at tinignan ang mga chat. Puro sa group lang 'yung iba. Napansin ko na nag-uusap usap sila Richard kung saan kasali ako sa group nila. Hindi ko na binasa lahat. Nagselfie ako hindi para ipost. Para sa 'My Day' lang.

After few minutes nakita ko na isa si Vernon sa nagview. I don't know kung viewer ko na siya noon pero ngayon lang ako nagka-interes na tignan kung sino ang mga nakakita ng picture ko. Wala namang malisya doon pero kahit papaano gusto kong makita niya.

Lumabas ako agad ng kwarto. Nanood ng TV kasama sila. Nasa bulsa ko lang ang phone ko hanggang habang nanonood kami ay naisipan ko uli na silipin ang phone ko. Medyo active ako ngayon sa Facebook. I know automatic na magsesend sa akin kung naglike sa 'My Day' kaya nalaman ko na nilike ni Vernon ang photo. Katabi ko ang asawa ko kaya hindi ko na pinansin.

Maya maya lang ay naisipan namin na kumain, panay parin ang silip ko sa phone. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito ngayon. Hanggang nakakita ako ng post ni Vernon. Sila ng asawa niya. Malaki na din ang pinagbago ng asawa niya. Masasabi kong maganda pero tumaba. Hindi na katulad ng dati. Nilike ko na lang ito. Hindi naman ako pinagbabawalan ni Richard na kumalikot ng phone habang kumakain lalo na't sa sala namin naisipan na kumain. Alam niyang mahilig din ako maglike sa mga former classmates o friends ko pero hindi niya alam na pati ex ko kasama doon.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon