// 24. His Wife

2.4K 33 3
                                    

"Umamin ka nga." Biglaang narinig kong sinabi ni Richard habang nakatalikod ako sa kaniya sa kama. Alam kong gising siya. "May kinalolokohan ka bang ibang lalaki?"

Kinabahan ako sa tanong. "Hindi ko magagawa 'yun." Sagot ko pero hindi ako humaharap. Bakit niya kaya nahalata? Siguro dahil halos hindi na kami nag-uusap. Wala na si Jang. Kaya walang makakahalata kundi siya lang.

"Siguraduhin mo lang a."

"Bakit ba ganiyan ka magtanong?"

"Naninigurado lang."

"Kaya minsan late ako, nagyayaya si Susi at Curly. Huwag kang mag-isip ng kung ano ano." Pinakita kong nasaktan ako sa tanong niya. Ano ba ang dapat kong gawin? Maging sweet sa kaniya everyday na bihirang bihira niya gawin?

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Richard hanggang sa opisina. "Nakakainis si Vernon," Dinig kong reklamo ni Susi. "Ang hirap ligawan." Nagtawanan sila.

Hindi ako makangiti kaya seryoso lang ako sa pagkausap sa mga kliyente. Nakatapat kami lahat sa computer. "Bakit kasi ayaw mo pang diretsahin?" Sabi ni Curly. Mga baliw sila.

"Syempre, obvious naman na gusto ko siya. Chat ako ng chat pero wala man lang magandang sinasabi. Siguro si Val talaga ang gusto."

Napatingin ako. "Pwede ba huwag niyo akong isali sa usapan?"

"Malay natin, 'yung may asawa talaga ang gusto niya."

"Tigilan mo ako, Susi."

"Naisip kong pwede nga 'yun." Natahimik ako sa sinabi niya. "Kasi alam mo ako, parang ayoko sa immature. I mean, kaya ako pumatol sa may asawa na, kasi siguro hinahanap ko 'yung taong mapag-alaga. Pero, hindi ko alam na hindi pa pala sila hiwalay kaya talo ako."

"So, ngayon si Vernon ang kinukulit mo na hindi pa hiwalay sa asawa?" Tanong ko.

"Kesa naman 'yung iba? Doon na ako sa gusto ko. 'Yung itatago ako at magtatago ako. Ayoko naman mangyari uli 'yung nangyari sa'min ng ex ko. Wala akong alam kaya nabuking kami."

Napailing ako. "Alam mo, Susi. Maraming lalaki sa mundo. Hindi lahat ng lalaki may asawa at lolokohin ka lang. Maghintay ka lang. Huwag mong gawing laro ang lahat dahil magsisisi ka lang sa huli."

"Sinabi ko na 'yan." Singit ni Curly. Wapakels pala siya. Ano pa ba ang magagawa ko? Pero bakit kasi nakilala pa niya si Vernon. Hindi ko alam ang takbo ng isip nila kung kakampian ba nila ako o magagalit sila kapag nalaman niyang magkarelasyon kami.

"Sa ngayon, gusto ko munang mag-enjoy." Sabi uli ni Susi at tumayo. Umalis na para kumain. Hindi man lang kami hinintay.


Walang ibang nangyari sa'min puro kwentuhan lang buong araw at puro kabaliwan lang ni Susi ang naririnig ko. Umuwi ako at wala kaming planong magkita ni Vernon ngayon hanggang sa susunod na linggo. Alam na niya ang dahilan ko kaya kailangan niyang sumang-ayon kung ayaw niyang mahalata kami at lalong mawalan ng oras. Pero hindi inaasahang tawag ang natanggap ko. Hindi registered ang number.

"Hello," sinagot ko.

"Hello!" Boses babae. Sino kaya 'to.

"Good afternoon, who's this?"

"Huwag mo nang alamin kung sino ako pero ikaw ba si Val?" Kinabahan na naman ako. Iba talaga kapag may tinatago. Huwag naman sana.

"Oo, ako nga." Walang dahilan para itago ko pa.

"Tantanan mo ang asawa ko!" Nashock ako. Asawa ni Vernon?

"Si-sino 'to? Bakit mo sinasabi 'yan?" Kailangan kong manigurado.

"Kilala mo ako at ang asawa ko huwag ka nang mag-maang-maangan. Oras na malaman kong nagkikita kayo nang hindi ko alam, ipapahiya kita sa lahat, tandaan mo 'yan." Binaba niya.

Gulat na gulat ako. Kailangan kong makausap si Vernon. Umupo ako sa isang upuan na nakita ko. Hindi muna ako pumara ng jeep. Nagdadalawang isip ako kung tatawag ba ako kay Vernon o hindi. Ano ang gagawin ko? Tumunog ang telepono ko. Tumawag si Vernon, kilala ko ang number niya kahit hindi nakasave.

"Hello, Val."

"May tumawag sa'kin? Asawa mo ba 'yun?"

"Oo, pasensya na. Hindi ko sadya." Laglag ang balikat ko habang nakikinig. Napapikit ako sa sobrang dismaya. "Naka-auto record pala ang pag-uusap natin tapos nakita niya ang pangalan mo sa phonebook."

"Ano?!" Inis na inis ako. "Anong pag-uusap natin ang narinig niya?"

"Basta, hindi ko alam. Ang alam ko lang nabuking niya ako na may babae. Binantaan ko siya na huwag na huwag kang guguluhin dahil hihiwalayan ko siya."

"Tinawagan na nga ako."

"Sorry."

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?!"

"Nangyari na e. Sorry. Basta ako ang bahala. Hindi naman niya alam ang buong pangalan mo. Binura agad kita sa friendlist ko sa FB. Alam kong maghahalungkat 'yun. Basta I'm sorry."

"Natatakot ako. Baka kung ano ang gawin niya."

"Ako ang bahala."

"Itigil na natin ito."

"Nasimulan na natin. Mahal kita, ayokong mawala ka basta basta. Hindi ako papayag."

"Oo nga pero baka maiskandalo tayo. Malaking kahihiyan ito."

"Last na 'yun. Sinisiguro kong hindi niya tayo mahuhuli. Magkita tayo next week, okay?"

"Bahala na."

Umuwi akong kinakabahan. Hindi ko pa alam ang iba pang ginawa ng asawa niya. Baka nakausap niya si Richard. Hindi ako late ng uwi. Dumaan ako sa shop para magpakita kay Richard at agad din na umuwi. Malaman man lang niya na hindi ako late. Pero nang makauwi siya ay hindi niya ako kinikibo. Ayaw niya akong kausapin. Mas gusto ko 'yun pero kinakabahan ako. Kung may alam na siya, matagal na niya sana akong pinalayas dito. Paano ko aayusin ito? Kailangan ko nang makipaghiwalay kay Vernon. Last na talaga 'to at ayoko na.


__


Hanggang magkita na nga kami. Nakasakay ako sa motor niya. Tumigil kami sa bahay ng tropa niya para mag-usap. "Mas maigi dito tayo para walang makakakita." Sabi niya at pumasok kami sa kwarto.

Hinalikan niya ako nang hinalikan. Ito ba ang gusto ko o makipaghiwalay? Siguro matapos 'to kakausapin ko siya para tapusin na ang lahat. Napapikit ako habang hinuhubaran niya ako. Wala akong tutol dahil gustong gusto ko. Isang linggo kaming hindi nagkita kaya siguro sabik ako. Tatapusin ko muna ito saka ko tapusin ang relasyon namin.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon