// 19. Email Address

2K 22 3
                                    

Palabas ako ng trabaho nang tumawag si Vernon. Inaasahan ko na naman kaya sinagot ko na.

"Hello, Val."

"Oh hello." Hindi ko alam pero parang napaurong ang dila ko. Pwede ko siyang iwasan pero hindi ko masabing tigilan na niya ako.

"Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?"

"Kasama ko asawa ko. Nagtanong ka pa?"

"Bakit parang ang sungit mo?" Nagmamadali akong pumara ng jeep.

"Mamaya na tayo mag-usap o kaya naman bukas na. Pauwi na ako."

"Teka andito ako malapit sa'yo." Nagulat ako. Habang nakasakay ako sa jeep ay luminga-linga ako hanggang nakita ko na nga siyang nakasunod sa jeep na sakay ko.

"Pwede ba, Vernon. Huwag ngayon. Pauwi ako at hinihintay ako ng asawa ko." Pagdadahilan ko. Pero hindi ko parin masabi na tigilan na niya ako. Siguro mamaya na.

"Nagpaalam pa naman ako sa asawa ko. Alam niyang gagabihin ako. Bumaba ka diyan."

Buti konti lang nakasakay sa jeep. Wala na akong nagawa. Bumaba na ako hindi para sumama sa kaniya. Mukha kasing hindi na naman niya ako titigilan. Tumigil ang motor sa tapat ko at nagtanggal siya ng helmet kasabay nang tinanggal niya din ang earphone niya.

"Bakit ba hindi ka sumasagot?" Tanong niya uli.

"Vernon, mamaya kakausapin kita. May importante akong sasabihin sa'yo."

"Ano?"

"Basta mamaya na. Ayokong pumasok sa malaking gulo. Kaya please lang, mag-usap tayo. Tatawagan kita." Nakita kong nadismaya siya.

"Hindi mo pwedeng gawin 'to, Val." Mukhang alam na niya yata ang pag-uusapan. Ano kaya ang kailangan kong gawin para makauwi na ako?

"Nakikiusap ako. Uuwi na ako. Huwag mo muna akong kulitin."

"Tapos na ba tayo?"

Napapikit ako. Wala na akong choice kundi sabihin na. "Oo, Vernon. Ayoko na. Mahal ko ang asawa ko at sana mahalin mo din ang asawa mo dahil sila ang apektado kapag nalaman nila ang lahat."

"Walang makakaalam maliban na lang kung aamin tayo."

"Walang lihim ang hindi nabubunyag. Bago pa mahuli ang lahat, tigilan na natin. Baka magsisi tayo sa huli."

Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa'kin. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Salamat."

"Salamat din at sorry. Sige na umuwi ka na."

Maglalakad ako para umalis pero pinigilan niya ako. "Val!" Napatigil ako.

"A-akala ko ba okay na?"

"Bawiin mo muna ang sinabi mo kahit ngayon lang." Bumaba siya ng motor at lumapit sa'kin.

"Hindi pwede, Vernon. Baka may makakita na sa atin dahil sa ginagawa mo."

Hinila niya ako. "Ngayon lang. Tapos wala na."

Napapikit ako. "Ngayon lang tapos kukitin mo na naman ako. Tapusin na natin 'to. Please lang. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?"

"Huwag mong isipin ang asawa ko." Nakahawak parin siya sa braso ko. Pinipilit kong tanggalin pero hindi ko matanggal. Mabuti medyo nakalayo na ako sa office.

"Palibhasa kasi babae siya. Vernon, lalaki ang asawa ko. Mas komplikado sa part ko. Kaya sana maintindihan mo."

Bumitaw ako at naglakad palayo. Hindi na niya ako mapipilit ngayon. Pumara uli ako ng jeep at tumingin muna sa kaniya bago sumakay. Dumaan ako sa shop.

"Hi." Simpleng bati ko kay Richard.

"Sana nauna ka na umuwi." Parang mainit na naman ang ulo niya.

"Gusto kong sabay tayo." Napailing siya.

"Hindi naman ako mawawala ah."

"Ano bang masama?" Hindi naman mataas ang boses ko. Sanay na ako sa kaniya.

"Wala akong sinasabing masama. Mas okay kung magpapahinga ka na. Baka mastress ka na naman diyan tapos ako na naman ang sisihin nila." Mukhang may napagusapan sila ng mama niya.

"Ano?" Pagtataka ko. "Andoon naman si Jang. Siya na ang bahalang magsaing. Ayaw mo ba akong makasama?"

"Hindi naman. Hay naku bahala ka." Binugahan niya ako ng usok ng vape niya.

"Pwede ba. Sabi ko sa'yo naiirita ako sa amoy niyan."

"Ikaw ha. Magtapat ka nga sa'kin. Sino si Vernon?"

Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Paano niya nalaman ang pangalan na Vernon?

"Vernon? Hindi ko kilala 'yan." Hindi ako umamin dahil baka mamaya nakita lang niya ang name ni Vernon sa FB ko. Kinabahan ako. Sana hindi halata ang lahat ng reaksyon ko.

"Huwag ka nang magkaila. Kilala mo siya."

Kailangan ko nang umamin. Baka mas mahuli ako kung itatanggi ko pa. "Oo kilala ko. Classmate ko dati. Okay na?" Tumingi  ako sa kaniya ng diretso. Wala talaga akong idea kung paano niya nakilala si Vernon.

"Aamin ka din pala bakit itinanggi mo pa?"

"Kasi alam kong magagalit ka?"

"Bakit ako magagalit kung wala ka namang ginagawang masama?" Mukhang wala pa talaga siyang alam. Salamat naman.

"Lalaki kasi siya. Paano mo ba siya nakilala?" Nagpakahinahon ako.

"Baka nakakalimutan mong gamit ko ang email mo. Panay ang chat sa'yo ni Vernon. Pasalamat ka dahil hindi ko nababasa."

"Bakit na-sa'yo ang email ko?"

"Nakalimutan mo bang ginagamit ko para sa COC? Account mo at account ko?"

"Oo nga pala. Hayaan mo na 'yun. Ikaw nga may kachat ka din na classmate mo."

"Patingin ng phone mo."

Kailangan ko na bang tumanggi? Hindi ko alam ang gagawin ko. "Burado na convo namin dahil hindi naman importante."

"Ipapaheram ko sa'yo ang phone ko at ipahiram mo sa'kin ang phone mo within one day. Ngayon na para lang mawala ang gumugulo sa utak ko. Ngayon na ah. Ayokong mamaya pa."

Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Bukod kasi sa hindi ko saulado ang number ni Vernon ay baka magchat o tawagan niya ako. Mabuti hindi nakasave sa inbox ang text niya dahil nabura ko na. At hindi nakasave ang number niya sa'kin.

"Pwedeng kakausapin ko muna boss ko. May hinihintay akong tawag niya."

"Ako na ang magsasabi." Paano na 'to. Hindi ko pwedeng ibigay ang phone ko. Bakit ba hindi ko naisip na ginagamit niya pala account ko?

"Bakit ba kasi gusto mo pang kunin 'to? Wala akong ginagawang masama. Sumpa ko. Kaya huwag mo nang pahabain pa."

Nakaisip ako ng option. Kailangan kong mapalitan agad ang password ko sa FB para maglogout sa phone ko kapag hawak ko na ang phone niya. Pero baka naman magtataka siya.

"Kung wala kang tinatago, papayag ka."

"Wala akong tinatago."

"HINDI KA BA PAPAYAG O PAPAYAG KA PARA TAPOS NA. SUMAGOT KA KUNG OO O AYAW MO PARA ALAM MO!!" Nagtaas na siya ng boses. Inagaw niya ang phone ko.

"Hon," napalikit ako. Kahit anong mangyari ayokong may malaman siya. Pilit kong kinukuha ang phone ko. Bahala na. Kesa may malaman siya mas maigi nang magtaka siya kung bakit ko kinukuha sa kaniya ang phone ko.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon