// 27. The End Is Near

1.9K 23 4
                                    

Maya maya lang ay nai-hiwalay na ako sa kanila dahil marami nang umawat. "Huwag mo akong awatin!" Galit parin ang asawa ni Vernon.

"Pumatol sa lalaking may asawa 'yan!" Sabi naman ng kasama niya.

Niyakap agad ako ni Curly at Susi. Inakyat agad nila ako at umupo kami sa loob. Hindi ko na alam ang nangyari sa labas. Umiiyak lang ako nang tahimik.


"Val, sino ba 'yun? Bakit sinasabi niyang pumatol ka sa asawa niya?" Tanong ni Susi. Himihimas nila ang likod ko.

"Asawa siya ni Vernon." Mabilis kong sagot.

"Ano?!" Hindi makapaniwala ang dalawa.

"Oo, ex boyfriend ko si Vernon. Alam kong mali pero hindi ko sinasadya. Wala na lang sanang makaalam pa bukod dito sa mga tao dito. Magreresign na ako."

"Val, bakit mo pinatulan si Vernon? Kahit pa ex mo siya. May pamilya kayo pareho. Paano ang mga anak mo pag nalaman ng asawa mo 'yan!"

"Kaya nga tulungan niyo ako. Magreresign na ako. Tulungan niyo akong mag-isip kung ano ang idadahilan ko sa asawa ko."

"Paano ba nalaman ng asawa niya?"

"Ewan ko kay Vernon. Gusto na niyang hiwalayan ang asawa niya. Gusto niyang magsama kami. Baka hinayaan niyang malaman para magkaganito at maghiwalay sila."

"Sige ganito na lang. Magdahilan ka muna sa asawa mo. At bahala kayo kung gusto niyong magsama. Imposibleng hindi malalaman ng asawa mo 'yan."

"Pero kabit ako. Ano ang mangyayari? Nagsama kami. Ano ang iisipin ng mga anak ko. Oo alam kong mali pero ayoko nang ituloy pa ang relasyon namin ni Vernon. Kahit malaman pa ng asawa ko." Lumuha na ako nang tuluyan. Alam kong malalaman at malalaman ito ni Richard.

"Kasal ba sila?"

"Siguro kasi nagbanta siya na magdedemanda."

"Lagot ka."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Agad akong nagresign at pikit mata na umuwi. Halos tumakbo na ako nang makita ko na ang bahay ko. Pumasok agad ako at humiga. Maya maya nagbihis ako. Sana naman tumawag si Vernon para makausap ko siya. Kailangan niyang pigilan ang asawa niya sa gagawin nito.

Wala akong natanggap na tawag hanggang makauwi na ang asawa ko. Wala akong binanggit na kahit ano. Hindi ko masabi na nagresign na ako. Nag-iisip ako ng dahilan. Bahala na malaman niya. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa posibleng mangyayari pa. Ihahanda ko na ang tenga ko sa mga maririnig ko at sana matapos na ito. At sana matanggap niya pa ako kahit nagkasala ko. Hinding hindi na talaga mauulit ito. Mahal ko ang mga anak ko. Sana hindi sila ilayo sa'kin. Sana isipin din nila na anak ko parin ang mga bata na kailangan ng nanay. Niyakap ko ang mga anak ko nang pumasok ako sa kwarto nila. Pakiramdam ko hindi ko na sila mayayakap pa sa susunod pang mga araw. Buti bakasyon ngayon kahit andoon sila lagi sa Lola nila. At alam kong mahal na mahal sila ng Lola nila kaya bahala na.


Hanggang bumalik na ako sa kwarto ko. Kasama ko na uli si Richard.

"Hoy, nagyayaya ang mga nanay ng classmates ni Vanessa. Swimming daw mitras bakasyon." Sabi ni Richard. Lumingon ako.

"Huh." Parang hindi ko naintindihan.

"Huling pagkikita kita daw. Grade 1 na sila next school year. 'Yung iba lilipat na ng school. Hindi ka daw macontact kaya nagpunta kanina sa shop 'yung isang nanay."

Bihira kong maihatid ang anak ko kaya wala akong kilala sa mga nanay doon. Siya ang naghahatid kaya dapat siya ang mag-asikaso.

"Kailan daw?"

"Sa Linggo na. Ikaw ang sumama kasi hindi ako pwede."

"Bakit ako?"

"Wala naman pasok."

"Hindi ko naman kasi sila kilala."

"Okay lang 'yun." Niyakap niya ako. "Sige na. May lakad ako sa Linggo."


Kung wala akong ginawang masama. Malamang lalambot ang puso ko dahil nilalambing niya ako. 'Yung tipong mapipilitan na akong pumayag dahil sa yakap niya. Pero, mukhang bukas lang alam na niya ang lahat. Hindi ako makasalita. Hindi ko alam kung aaminin ko na ba o hahayaan ko lang dahil baka hindi niya malaman. Baka ayusin na ni Vernon ang lahat at balik ako sa normal. Saka ko narealise na masarap pa lang maging normal na pamilya. 'Yung mga may ganitong moment na hindi ko malilimutan dahil maghihiwalay na kaming mag-asawa.

"Bahala na." Sagot ko lang.

"Sumama ka a."

Tumingin lang siya sa mukha ko. Dapat tinatanong ko siya kung saan ang lakad niya. Dapat naiinis ako ngayon dahil hindi siya kasama. Dapat naiirita ako sa yakap niya dahil alam kong may kailangan siya. Dapat.. dapat.. dapat hindi kami ganito.

"Ang ganda ganda ng misis ko." Hinalikan niya ako sa leeg hanggang sa labi. Dapat nakikiliti ako. Dapat nagtatawanan kami at dapat nag-aaway nang hindi seryoso. Dapat yayain ko siyang sumama dahil hindi ko kilala ang mga nanay pero walang lumabas sa bibig ko.

"Oo na. Wala naman akong magagawa." Simpleng sagot ko.

"Samahan mo muna ako." Sabi niya. Naku saan naman. Gabi na maggagala pa kami. Dapat excited ako dahil matagal na kaming hindi lumalabas pag-gabi. 'Yung wala lang. Bumili lang ng kung ano at ipakita sa tao na mag-asawa kami.

"Saan?" Tanong ko.

"Bibili ng condom." Dapat nakangiti ako at dapat sinasabunutan ko siya sa kalokohan niya pero wala akong naisagot.

"Hintayin na lang kita." Nahiya akong bigla na ipakita sa mundo na asawa ko siya dahil sa kalokohan na ginawa ko. 

"Kainis ka naman."

"Tinatamad ako. Pagod ako, okay."

"Sabihin mo ayaw mo lang."

"Hindi sa ayaw."

"Sus."

"Bukas na. Pagod ako."

"Promise?"

"Oo. Hinalikan ko siya sa labi."

Kinabukasan, nakita kong gumising siya at nadatnan niya ako na naghahanda ng almusal.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ka papasok? Doon tayo sa shop maghapon." Yaya niya agad.

Umupo ako at humarap sa lamesa. "Nagresign na ako."

"Bakit?"

"May nagreklamong employer. Nagkaproblema sa mga kliyente. Nasuspindi ang kompanya kaya wala kaming ginagawa doon. At 'yung isang direktor nagtatago. May dalang 30 Million. Ewan kung nasaan na. Kaya nagbawas ng tauhan. Pinagresign na kami."

"Ganun ba?"

"Oo."

Nangyari na ang mga sinabi ko pero nagpakita naman ang direktor at hindi naman kami tinanggal nung nasuspindi kami dahil may iba pa kaming trabaho. Natakot si Susi nun dahil baka mawalan siya ng trabaho pero hindi nangyari. Ito ang naisip ko na nangyari ang kinakatakot ni Susi.

"Walang problema. Gusto ko na nga dito ka na lang para naasikaso mo mga anak mo. Laging nasa kabila. Nakakainis si Mommy, gustong laging nasa kanila ang mga bata. Parang sila na ang magulang. Maigi 'yan. Dito ka na lang. Kumikita naman ako."

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon