// 13. Round 2

4.3K 30 3
                                    

Matapos ang nangyari sa amin ni Vernon ay isang linggo siyang hindi nagparamdam. Medyo nainsulto naman ako doon kasi parang umiskor lang talaga siya but naniniwala naman ako sa kaniya na gusto niyang makatulong sa kaibigan niya. Kaya din siguro nawalan na siya ng interes sa akin.

Pero bigla niya akong tinawagan ngayong pauwi ako. Sinagot ko ang tawag.

"Himala napatawag ka?" Sabi ko agad. Pero nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ko ang boses niya.

"Alis uli tayo," sabi ko na nga ba.

"Doon uli?"

"Oo saan pa ba?"

"Ayoko na. Basta, saka na uli. Uuwi na ako."

Namiss ko talaga siya pero ngayong alam kong gusto niya pa ako ay nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko kasi ay nagbagong bigla ang pagtingin niya sa akin. Ang akala ko umisa lang siya. Pero mali pala ang iniisip ko. Gusto kong maulit uli pero talagang natatakot na ako.

"Namiss kita."

"Bakit hindi ka nagchachat?"

"Nakahalata ang misis ko na may babae ako."

"May babae ka nga ba?" Gusto kong malaman kung iba ako at iba ang babae niya.

"Ikaw lang ang alam kong pwede niyang pagselosan."

"Ibig sabihin ako ang blind item?"

"Ganun na nga."

"Alam mo, Vernon. Mas maigi pang tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin." Kasalukuyan akong nakahinto sa paglalakad para makapag-usap kami ng maayos.

"Gusto nga kitang makita." Parang musika sa pandinig ko dahil nawala ang pag-aalala ko. Duda kasi ako na baka hindi siya ginanahan sa'kin nung huling nagsex kami.

"Baka mahalata nga ng asawa mo."

"Walang nahalata ang asawa ko. Nagtamang hinala lang."

"Bakit ba kasi hindi na lang siya ang landiin mo?"

"Naku, nakakasawa na."

"Ang sama mo talaga. Asawa mo 'yun."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Ang daming satsat at bunganga kapag nagyayaya ako. Kailangan talaga pwersahan kaya tinigilan ko na. Tapos ngayon iisipin niya may babae ako. Puntahan kita ngayon ah."

"Baliw ka, nasaan ka ba?"

"Malapit lang."

Bigla akong kinabahan. Ayokong makipag kita natatakot ako. Pero binaba niya ang phone. Isa lang ang daanan ko papuntang sakayan sa kabilang avenue kaya doon niya ako sasalubungin. Nakita ko na nga ang motor niya kaya imbes na salubungin ko siya ay lumakad ako pabalik.

"Hoy!" Dinig kong boses mula sa likod ko.

"Vernon, umalis ka na." Pilit lang ang salita ko. Hindi ako lumilingon.

"Abangan kita sa kabila. Umangkas ka sa'kin."

"Ayoko nga, uuwi na ako."

"Hintayin kita."

"Maghintay ka hangga't gusto mo. Uuwi na ako." Lumiko ako para iwasan siya. Sobrang natatakot talaga ako baka may makakita sa'min.

Narinig kong lumiko din siya. "Bakit ayaw mo?! Sandali lang tayo."

"Pwes ayoko sa hotel. Sa iba na lang." Gusto ko din naman kaso natatakot talaga ako.

"Wala naman akong alam."

"Basta ayoko sa hotel. Kung gusto mo maghanap ka ng lugar. Chat na lang kita. Huwag mo na akong sundan ah."

Binilisan ko ang lakad pero naririnig ko parin ang motor niya. "Please, Vernon umalis ka na. Natatakot ako. Baka malaman ng asawa ko 'to."

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon