// 4. Favor

3.8K 41 3
                                    

Wala namang masama sa mga ginagawa ko ngayon. Pero bakit itong isang 'to ang hindi ko masabi sa husband ko? Minsan na kaming nagkamustahan ni Vernon sa chat dahil nagchat siya pero nililihim ko sa asawa ko at dinidelete ko ang convo namin. Walang malisya dahil kwentuhan lang naman. Siguro dahil kapag nalaman ng asawa ko na ex ko si Vernon ay hindi na niya ako papayagan na ichat ko pa ito na ayokong mangyari.

Ngayong umaga, nagchat si Vernon na gusto daw niya akong makausap. Kung pwede daw tatawagan niya ako. Pumayag ako dahil nacurious ako sa sasabihin niya pero kapag nakalabas na ako ng bahay.

Eto na nga, nagring na ang telepono ko. "Hello." Kinakabahan kong sagot habang naglalakad palabas ng village.

"Hello, Val ikaw na ba 'yan?" Nagtanong pa.

"Ano pa ba sa tingin mo?" Medyo sarcastic pero nakangiti kong sagot.

"Malay ko ba na iba ang sumagot.." Napatawa ako sa nonsense niyang paliwanag. "E-anyway, may favor ako sa'yo."

"Ano 'yun?" Napakunot ang noo ko.

"Mas gusto ko sanang matagal pa kitang makausap kasi may ieexplain ako sa'yo."

"Explain mo na?" Pumara ako ng jeep habang nagsasalita at sumakay.

"Parang ano kasi e.."

"Anong ano kasi?"

"Gusto kong maconvince kita sa isang bagay at I know hindi kita macoconvince kung dito kita kakausapin sa phone."

Magkikita kami. Nah. It's trouble. But wala naman kaming gagawing masama at kung meron man, hindi na siguro malalaman ng asawa ko. Taktika niya ba 'to para makita ako? Pero gusto ko din siyang makita.

__

Pagpasok ko sa office napansin ako ni Curly.

"Bakit mukhang masaya ka?"

Nagtaka ako. "Pa'no mo nasabi?"

"Wala lang. Halata lang."

Gusto ko sanang pilosopohin siya pero hindi ko na pinahaba. Umiling na lang ako. Maybe halata nga sa isang tao kapag maganda ang mood. Binabati ang kung sino sino kahit hindi gaano kaclose. Gaya siguro ng ginawa ko. Hindi ko halata sa sarili ko 'yun. Inaamin ko bang masaya ako dahil magkikita kami ni Vernon? Mabilis pa sa alas kwatro akong pumayag na magkita kami. Alam kong mabait itong si Vernon at habang nagmamature ako ay napansin o naintindihan ko na ang ugali ng bawat tao na may mood at tinatagong ugali sa lahat. Isa naman ako doon at ang mister ko. Kung panglabas lang ang makikita nila ay okay na okay kami pero marami kaming nonsense na pinagtatalunan at awkward na selosan gaya nga ng napansin niyang mabait ako sa mga pogi.

__

Naka-uniporme pa ako ng magkita kami ni Vernon. Nauna siya sa'kin. Pinilit kong malate para hindi halatang excited pero mukhang excited siya. Inaasahan ko na naman ang itsura niya dahil nakikita ko sa Facebook pero hindi parin maiwasan na humanga ako sa porma niya. Nagmature lang ang taste pero pareho din sa dati na masyadong mapili sa susuotin. Nagbago lang ang uso kaya siguro nagbago ang pormahan.

Ngumiti agad siya pagbaba ko pa lang ng jeep. At ngayon andito kami sa isang hindi sikat na Mall. Nagtaka pa nga ako bakit dito? Pwede naman sa SM. Pero hindi na ako nagtanong. Hindi naman siguro halatang gusto ko din.

"Hindi ka pa din nagbabago ah." Sabi niya nang umupo kami at may dala na juice. Ngumiti lang ako. "Anyway, eto ang pabor na gusto kong hingin sa'yo," Tumaas lang ang kilay ko. "I know fifty fifty pero gusto ko talagang makatulong sa kaibigan ko. Lahat gagawin ko para matulungan siya sa business niya."

"Anong business ba 'yan?"

"Marami e. Social Media."

"Talaga? Anong klase?"

"Wait, explain ko lang. Nakita ko ang ilan sa mga picture mo. Humahanga talaga ako sa'yo. Miski conservative type ang kuha mo na-naka-two piece ay talagang seductive."

Napailing ako at hindi pinahalata na medyo natuwa. "Ano ba kasi 'yan?"

"Ang hirap makahanap ng katulad mo sa totoo lang. Marami diyan mga single o bata pa pero ang katulad mo ang hindi makita ng kaibigan ko. 'Yung may anak at asawa pero pwedeng model na tila tatalunin pa ang mga walang anak."

"Baliw ka ba?" Napatawa ako. "Sobrang pangbobola naman 'yan."

"Ang akin lang, sinabi ko sa kaibigan ko na may kilala ako. Alam mo ba kung bakit mahirap mahanap ang tulad mo? Kasi karamihan sa mga katulad mo ay mataas na sahod ang hanap."

"You mean magmomodel ako?"

"Hindi talaga ganun. Online model na hindi naman rarampa. Naghahanap kami o siya na isang katulad mong papayag na magpadala ng picture na kahit hindi naka-two-piece, medyo nakaporma nang kaunti. Conservative naman ang kailangan pero dapat 'yung ganda ng model ang mapapansin hindi 'yung clothe na minomodel."

"Ang gulo ah. Ano ba 'yan?"

"Kasi, ang hirap iexplain." Humigop siya ng juice. "Need lang naman makakuha ng views at the same time, need din na makabenta ng damit. Pareho. Kaya 'di bali nang konti ang mabenta basta maraming views, kikita siya."

"Ah okay. So, Blogger din siya?"

"Parang ganun na. Kaya ang favor ko ay mapapayag kang magpadala ng pictures na ang suot ay may kaugnayan o kapareho ng product na binibenta niya. Hindi na kailangan na bigyan ka niya ng damit pero kung hihilingin mo, bibigyan ka niya."

Mukhang mahirap 'to. Nagdadalawang isip ako dahil bukod sa maliit ang sahod, hindi naman ganun kasikat ang page.

Umuwi agad ako dahil hindi pwedeng gabihin ako. Pinaliwanag lahat sa'kin ni Vernon ang dapat gawin. Meron ako ditong Highquality camera. Kung tutuusin ay pasok ako sa requirements na hinihingi niya pero dapat yata hindi ko sabihin lahat. Dapat sila magprovide ng camera, damit at lugar. Hinding hindi ako mapapalayag talaga kung hindi si Vernon ang humingi ng pabor. Pero dahil sa kaniya ay nagdadalawang isip pa ako. Hindi ko naman pangarap maging career 'yan kahit may pag-asa na sumikat ako kung suswertehin. Kaya ayoko sana talaga.

Pero may kakilala ako na gustong sumikat. 'Yung pamangkin ko na dalagita. Tanungin ko kaya muna siya kasi parang gusto ko din subukan. Kung kapareho ba ng ginagawa niya o ano para may idea ako. Nakachat ko pa si Vernon at willing siyang paheramin ako ng camera basta pumayag lang ako.

Gustong gusto niya bang makatulong o gusto lang niya akong makita?

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon