// 29. Furious

2K 29 4
                                    

"Mama!" Bati agad ni Raven ng makita niya ako. Nasa pinto pa lang ako ng bahay ng Lola niya.

"Nasaan si Richard?" Tanong ng kapatid niya. 

"Nasa bahay. Ako na ang sumundo kasi gusto niyang makauwi ng maaga ang mga bata." Kaswal na sagot ko.

"Ano ba 'yan?!" Dismayado ang kapatid niya. "Hindi ka na pinagpahinga ng asawa mo!" Inaayos niya ang gamit ng mga bata.

"Ah okay lang. Hindi ako pumasok ngayon." Ayokong aminin na nagresign ako baka magtanong pa at mapahonta pa ako.

Hanggang sa kasama ko na sila. Ayoko pang umuwi sana dahil hindi ko na alam ang mangyayari sa pag-uwi ko. Gusto kong umiyak dahil sa nagawa ko pero hindi pwede. Mahahalata ako ng mga anak ko. Nakasakay kami sa trycicle. Panay ang yakap ko sa mga anak ko dahil baka ito na ang huli na makasama ko sila kung ipagdadamot nila sa'kin. Hindi ko sila masisisi at ipaglalaban ko naman sila kahit wala akong laban.

Nakarating na kami. Napansin ko si Richard na dala ang maliit na bag niya. Kapag nasa loob ng bahay hindi naman niya dinadala 'yun. Kapag may lakad lang. "Papa!" Bati sa kaniya ng mga bata at tumingin siya sa'kin. Seryosong tingin. Umiwas ako ng tingin.

"Pumasok muna kayo sa kwarto." Utos niya sa mga bata. Kaya umalis sila at lumapit siya sa'kin. Kinakabahan ako.


"Bakit?" Tanong ko.


"Aalis lang ako saglit. Hintayin mo ako. Sandali lang ako. Meron akong aalamin na kapag napatunayan kong totoo, lagot ka sa'kin."


"Ano naman 'yun?" Lumakas ang tibok ng puso ko. Kung nakasalan ako sa lie detector test baka nabuking na may tinatago nga ako. Gusto ko nang umiyak.

"Basta, malalaman mo na lang." Nakatingin lang ako sa kaniya habang papalabas siya ng bahay. Ito na ang huli. Ang aabangan ko na lang ay kung paano siya magagalit sa'kin. 


Pumasok ako sa kwarto ng mga bata at niyakap ko sila. Sanay naman sila na niyayakap ko kahit walang dahilan minsan dahil gusto naman nilang laging magkakayakap kami. Itong mga huling araw nga lang kapag niyayakap nila ako halos hindi ako gumanti ng yakap. Kaya sinusulit ko na.

"Mama, magsuswimming kami nila Tita. Tapos magsuswimming din kami ng mga kaklase ko sa Linggo." Masayang balita sa'kin ng anak kong babae.

Ngumiti ako. "Talaga?"


"Opo."


"Sama ako." Sabi ng isa.


"Syempre kasama ka." Ngunitian ko sila at niyakap. Napaseryoso ako. Oras na lang o minuto ang hihintayin ko. Tapos na kami ni Richard. Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at umiyak. Iyak ako ng iyak.

Gusto kong matulog na lang sana pero hindi ko ginawa. Nakahiga lang ako ng maramdaman kong dumating na si Richard. Mabilis siyang nakarating sa kwarto. Binuksan niya at tumayo siya sa harapan ko.


"Bakit mo nagawa sa'kin 'to?" Dinig kong may galit sa boses niya.


"Hah?" Bumangon ako.


"Huwag ka na magkaila pa. Nakausap ko ang asawa ni Vernon. Nahuli daw niya kayo sa kwarto." Hinablot niyang bigla ang buhok ko.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon