// 20. Back To Basic

2K 22 2
                                    

Hindi ako mapakali. Hawak ni Richard ang phone ko. Kung sakaling mabubuking naman niya marami akong mai-dadahilan at hindi ko din naman alam ang mangyayari. Sana lang ang problema namin na ito ay hindi na umabot pa sa iba. Sana ilihim na lang niya kung sakali. Andito lang ako sa sala. Hindi ako makapasok sa kwarto dahil andoon siya. Hawak ko ang phone niya na hindi ko magamit dahil baka mabasa niya agad kung ang account ko ang nakabukas sa phone ko.

Wala na akong nagawa kundi pumasok na kahit kinakabahan ko. Sa pinto pa lang ng kwarto ay napahinga na ako ng malalim bago pumasok. Pag pasok ko ay kunwaring may hinahanap ako na natural na natural ang kilos. Sakto nakita ko ang isa sa maruming damit niya.

"Hon, bakit hindi mo pa isinama sa labahin 'to?" Pinakita ko sa kaniya ang t-shirt niya na pakalat kalat.

"Ay," napatingin lang siya. "Iwan mo diyan."

Pero napansin ko na busy siya sa phone ko. Pasimple kong sinilip ang ginagawa niya. Ewan, naglalaro lang pala. Talagang nagdownload siya ng COC sa phone ko. Salamat naman. Akala ko busy siya sa pagbabasa ng mga chat. Kinakabahan parin ako baka magchat si Vernon.

Humiga na ako at maya maya lang ay ibinalik na niya ang phone ko.

"Akin na cellphone ko." Binigay ko naman agad.

Kinuha ko agad ang phone ko. Buti naman walang naging problema. Kabado talaga ako. Bigla niya akong niyakap. Ano ba ang gagawin ko? Magiging mabait ba ako sa kabila nang wala siyang tiwala sa'kin? O maiinis ako kasi wala siyang tiwala sa'kin? Hindi ko alam ang gagawin ko baka maghinala siya sa isang kilos ko lang. Hindi ako gumaganti ng yakap kahit gustong gusto ko naman yakapin siya, masahihin at paligayahin. Asawa ko parin siya kahit nakagawa ako ng kasalanan. Pero nanatili akong nakahiga na hindi sinisilip ang phone ko.

Tinapat niya ang mukha ko sa kaniya. "Bakit?" Tanong niya. Mukhang nahalata niya ako na may iniisip.

"Wala." Tumalikod ako sa kaniya para sabihin na naiinis ako sa nangyari. Malamang hindi nagchat si Vernon kaya wala siyang nabasa. Pero buti ibinalik niya agad. Hindi na pinagpabukas pa.

"Nakachat ko ang asawa ni Vernon." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Anong sabi sa'yo?"

Kinabahan ako at the same time nawala din agad kasi hindi naman siya galit.

"Nambababae daw ang asawa niya kaya daw hindi na siya magtataka kung binobola ka ng asawa niya."

Napatingin ako sa kaniya. "Bakit niya sinabi 'yun?"

"Gamit niya ang account ni Vernon. Nagchat kasi ako at hinuli ko kayo pero asawa niya pala ang nakabasa at umamin naman agad ako na asawa mo ako kaya hindi naman siya agad nagalit."

"Ano ba kasing sabi mo?"

"Nag 'hi' lang ako at sabi ko namimiss ko na siya," grabe naman. Naghintay pa ako ng sasabihin niya. "Nainis agad siya dahil asawa daw siya ni Vernon kaya umamin ako't sinabi ko na hinuhuli ko lang sila. Inamin ko na nababasa ko sa email na nagchachat si Vernon kaya kinuha ko ang phone mo. Sabi naman niya baka maganda ka lang talaga kaya ka kinukulit ng asawa niya. Umamin ka na kasi na araw araw kayo nagchachat."

Ganon pala. Saglit akong nag-isip ng sasabihin. "Oo nagchachat nga siya. Gusto niya akong kunin na model." Agad kong naisip ang mga dahilan na 'yun. "Pero hindi naman ako pumayag."

"Magkakilala ba kayo?"

"Dati ko siyang classmate."

"Sure ka ah."

"Oo nga. Nakakainis ka nga e. Baka kasi akala mo kung ano na ang ginagawa ko."

"Sorry, pero natakot lang ako. At sabi naman ng asawa niya na imposible daw na patulan mo siya dahil nakita daw niya ang picture ng asawa mo. Gwapo daw. Mas gwapo pa sa asawa niya." Sabay ngumiti siya.

"Pa'no niya nalaman?"

"Nakita niya. Siguro nagstalk sa'yo dahil nahuli niyang nagchachat si Vernon sa'yo. Pero hindi naman daw niya nababasa pero sure siya na nanliligaw si Vernon. At inililihim mo naman. Baka may balak kang sagutin siya."

"Wala!" Bumalik ako sa pagkakatalikod. Alam kong pagtapos nito ay tapos na ang problema ko pero nag-aalala ako kung paano ko sasabihin kay Vernon na tigilan na niya ako.

Bahala na.

Lumipas ang ilang araw. Hindi na nagchat o nagtext man lang si Vernon. Wala na akong problema. Tapos na at nagpalasalamat ako dahil nalusutan ko ang muntik nang pagkakahuli ng asawa ko sa'kin. Pero nakakapagtaka lang na naging sweet siya. Siguro dahil natakot siyang baka gumawa nga ako ng kasalanan. Pero kahit papa'no, namiss ko si Vernon.

Bumalik kami sa dati o ganito naman talaga kami dati pa. Medyo nanibago lang ako dahil wala nang Vernon na kumukulit sa'kin.  Kahit isang buwan mahigit lang kaming nagkaroon ng relasyon uli ay nasanay na agad ako. Kaya parang naboring ako sa araw na araw na ginagawa ko.

Sa opisina. "Tara inom tayo." Yaya ni Curly. Parang gusto kong sumama pero napansin ko na malungkot si Susi.

"Yayain mo siya." Sagot ko.

"Kaya nga nagyayaya ako e. Broken heart si Susi." Bulong sa'kin ni Curly.

"Talaga?"

"Oo. Hindi ka kasi sumasama sa'min kaya wala kang alam. 'Yung boyfriend niya pala may asawa't anak na."

"Hindi nga?" Nagulat ako sa binalita sa'kin ni Curly. "Kaya need niya mag-inom. Sama ka sa'min."

Napatingin ako kay Susi. Kaya nung umuwi na kami ay talaga hindi na niya naitago ang pag-iyak niya. Niyakap ko siya. "Hayaan mo. Hindi pa naman diyan nagtatapos ang lahat." Advice ko kasi naaawa ako.

"Mahal ko siya. Siya ang unang minahal ko at ibinagay ko sa kaniya ang lahat. Tapos malalaman ko na may anak na pala siya sa probinsya. Tinanggap ko 'yun dahil sabi niya hiwalay na sila ng asawa niya. Tapos lumuwas ang asawa niya at sinabi sa'kin na ipapakulong daw ako kapag hindi ko tinigilan ang asawa niya. Kasal sila kaya kahit hiwalay na sila, wala akong magawa."

"Hiwalay na talaga?"

"Hiwalay na daw pero sinasabi ng asawa niya na hindi daw nagpaladala ang asawa niya at ako ang sinisisi. Kaya ano ang magagawa ko?"

Nalungkot ako para kay Susi. "Hayaan mo na. Lalaki lang 'yan." Hinaplos ko ang likod niya para matanggal lang ang sakit na raramdaman niya.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon