// 14. Magnetic

3.3K 30 1
                                    

Pumasok ako sa bahay. Umupo agad sa sofa at nagmuni-muni. Pakiramdam ko'y nakadikit parin ang katawan ni Vernon sa katawan ko. Pakiramdam ko'y nakabaon pa ang ari niya sa ari ko. Matapos ang ilang minuto ay tumayo ako para dumiretso sa banyo. Hindi kaya ako mapasma nito? Kailangang tuyo na ang buhok ko pagdating ni Richard para wala siyang isipin na iba. Hindi naman niya ako madatnan na basa ang buhok tuwing hapon. Sobrang paranoid ako. Guilty dahil feeling ko mahahalata niya.

Ilang oras na naman ang lumipas. Nasa harap kami ng lamesa at kumakain kasama ang dalawang bata.

"Bakit hindi ka dumadaan sa shop?" Kanina ko pa inaabangan na itanong 'yan ni Richard.

"Medyo stress ako. Gusto kong mahiga pagkauwi." Umikot ang mata ko matapos ko magsalita. Alalang-alala ako sa nagawa ko.

"Ganun ba?" Feeling ko annoying at nakaka-insulto ang tanong niya. Feeling ko, alam na niya.

"Oo." Mahinahon kong sagot.

"Maigi nga hindi ka na dumaan para makapagpahinga ka agad." Para saan ang sinabi niya na 'yun? Natatakot ako na baka yayain niya akong makipagsex mamaya. Maybe 2 weeks na kaming wala kaya posible na magyaya siya. Huwag naman sana. Bukas na lang ng umaga.

Sumapit na naman ang gabi. Panay ang iwas ko kay Richard dahil minsan kapag nagbabangga ang katawan namin nang hindi sadya ay niyayakap niya ako at nauuwi sa kung saan. Dumidistansya ako sa kaniya. Nakita ko na nakahiga siya panay ang laro sa phone niya. Nasa salamin lang ako at nakaupo. Hinihintay kong pumikit siya bago ako humiga.

"Hon, ano ba ang ginagawa mo?" Tanong niya na kinagulat ko.

Lumingon ako. "Wala lang, nagtetext lang."

"Humiga ka na nga dito." Napahinga ako ng malalim. Pilitin ko na lang kaya kasi hindi ako pwedeng tumanggi sa kaniya dahil matagal na kaming hindi nagsesex.

"Wait lang." Pinatagal ko muna pero wala akong ginagawa. Nakablock sa'kin si Vernon ng 12 hours sa chat.

"Humiga ka na dito." Napapikit ako.

Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kaniya. Ang intense kasi para akong sunod sunuran sa amo na masama ang ugali. Pero asawa ko siya at mabait. Hindi siya nakatingin sa'kin hanggang maramdaman niyang humiga na ako. Tumingin na siya sa'kin.

"Dito ka." Utos niya para lumapit ako. Lumapit naman agad ako pero hindi naman siya kumikibo. Kinuha niya ang kamay ko at iniyakap sa kaniya.

Nakayakap lang ako at napansin kong busy pa siya. Ano kaya ang idadahilan ko sa kaniya? Alam kong ang susunod na mangyayari ay sex. Pumikit ako't nagtulog tulugan para kung sakaling matapos siya ay tulog ako.

Naramdaman kong tumayo siya at pinatay ang ilaw. Naaninag ko na pinatay na din niya ang phone niya at humiga sa tabi ko. Salamat naman at pinalampas niya ang gabi na ito. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang nakatulog na siya. Nakahinga ako ngaluwag. Unti unti akong dumistansya at tumalikod para maghanap ng antok.

Umaga na naman, natatamad akong bumangon pero kailangan. Maghahanda ako ng almusal nila. Bumalik ang lakas ko pero ramdam ko parin sa sarili ko ang nangyari. Nagkape ako habang si Richard naman ay lumapit para magtimpla. Nasa lamesa lang kasi ako. Wala namang pinag iba ang tagpong ito sa araw araw naming ruta pero masyado kong napapansin ang ginagawa niya. Ngayon kung gusto niya ay pwede kahit ayoko. Dahil ewan ko ba kung bakit gusto kong may lakas ako lagi. Baka bigla akong kulitin ni Vernon, mawalan ako ng gana.

__

Gusto kong makausap si Vernon kaya ngayong pauwi ako ay tinawagan ko siya. Pwede kaming mag video call mamaya pero mas gusto kong dumaan muna sa shop para walang isipin si Richard.

"Hello, Vernon." Tumigil muna ako sa tahimik na paligid.

"Namiss mo agad ako?"

"Nope may gusto lang akong sabihin."

"Ano na naman?"

Napabuntong hininga ako bago sumagot dahil hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. "Wala kasi akong tiwala sa'yo na last na ang ginawa natin."

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" Hindi ako sigurado kung sinabi ko ba ito para mag-ingat o sinabi ko ito para humiling na gusto ko pa siyang makasama sa maraming pagkakataon.

"Kung sakali na dalawin ka na naman ng libog mo, tanungin mo muna ako kung pwede ako. Alam mong may asawa ako. Baka mahalata ako. Kagabi niyaya niya ako, tumanggi ako." Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling.

"Ganun ba? Paano kung magalit siya sa'yo?"

"Kaya nga ayokong dumating ang punto na iyon. Kaya sana kapag pwede ako saka ka magyaya."

"Natatakot ka ba sa kamandag ko? Hayaan mo, matagal tayong hindi gagawa ng himala dahil pang-umaga ang asawa ko." Tumawa pa siya. Halatang hindi seryoso.

Imbes na sumaya ako ay nadismaya ako. Ang totoo, gusto kong sumama sa kaniya ngayon dahil gusto ko uling maramdaman ang naramdaman ko kahapon lang. Pero ito na ang pagkakataon para makabawi kay Richard.

__

Sumapit uli ang gabi at halos nakahubad ako ngayon dahil nagkunwari akong magbibihis pa lang. Nakaupo ako sa kama at nakapanty lang. Wala akong bra nang pumasok si Richard. Hawak ko ang suot kong pantulog. Gusto kong may mangyari sa amin ngayon para bumilang uli ako ng dalawang linggong walang nagyayari sa amin.

Napansin ko na ngumiti siya at lumapit. Umupo siya sa likuran ko at nilamas ang boobs ko. Napapikit ako at inisip si Vernon habang ginagawa niya ito. Sa totoo lang, wala akong gana ngayon pero kung kay Vernon ay magkakaroon ako ng kasabikan. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa kaniya?

Halos walang lumabas sa mga bibig ko habang nagsesex kami. Gusto ko na agad matapos ito para makapagpahinga na. Hanggang matapos na nga siya. Nagbihis ako. Tapos na ang sandali na ito. Pero nang humiga ako ay nasa imahinasyon ko parin si Vernon. Pakiramdam ko'y may lakas pa ako para makipagsex sa kaniya pero hindi pwede dahil andito ako.

Ilang araw na naman ang lumipas. Pauwi ako. Hindi ko nakakausap man lang si Vernon. Miss na miss ko na siya. Kaya bahala na, tatawagan ko na lang siya.

"Hello, bakit tumawag ka?" Dismayado pa siya. Parang magka-iba kami. Kung siya'y ako ang iniiwasan para may lakas sa asawa, ako naman ay asawa ko ang iniiwasan ko para may lakas sa kaniya kaya nadismaya ako.

"Busy ka ba?"

"Hindi naman. Kakadating lang ni misis."

"Ganun ba?"

"Oo sabay kayo nun umuwi."

"Ano kasi e."

"Ano, bilis sabihin mo na."

"Pwede bang magkita tayo?"

"Hindi pwede ngayon."

"Kailangan ba kasama mo ang misis mo o pagod ka dahil katatapos niyo lang?"

"Bakit ba nagtatanong ka? Ano muna ang kailangan mo?"

"Makakatakas ka ba ngayon diyan? Ako naman ang magyayaya sa'yo pero, ngayon lang ah."

Matagal siya bago sumagot. "Si-sige. Wait mo ako. Tawagan uli kita."

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon