// 10. Tryingness

3.2K 27 3
                                    

Saturday na naman. Habang naglalakad ako ngayon hapon sa loob ng building ay hindi ko maiwasan na sumilip sa bintana. Nakakita ako ng mga pamilya na magkakasama. Nagka-idea ako. Saturday kasi kami nag-gagala noon kasi kinabukasan ay sa bahay lang kami or sunday din kami gumagala. Gaya ng mga pamilya na nakita ko, mas pinipili nilang sabado ng hapon mag-gala dahil walang trabaho kinabukasan. Matagal na din naman kaming hindi gumagala ng sabado kaya excited na akong umuwi, yayayain ko silang kumain sa labas o maglibot sa mall. Konting gastos lang naman dahil malapit na ang sahod ko.

Kinuha ko ang bag ko sa locker at plano ko na agad umuwi. Hindi na ako sumabay palabas sa dalawang kasama ko dahil hanggang ngayon nakaupo pa sila sa tapat ng computer. Bahala sila.

Sakto tumawag si Vernon. Sinagot ko naman agad. "Pupuntahan kita." Nashock ako.

"No, hindi pwede. Alam mo ba kung saan 'to?"

"Oo alam ko ang agency na pinagtatrabahuhan mo."

"Sira ulo ka. Bakit pupunta ka pa?"

"Wala lang. Pwede naman sigurong bago ka umuwi kwentuhan muna tayo. Tambay."

"Ayoko. Hindi pwede. May lakad kami."

"Nagpapalusot ka pa. Umiiwas ka lang."

"Nagpapalusot man o whatsoever na dahilan, isa lang ang gusto ko. Ayokong puntahan mo ako. Sige bye na. Nagmamadali ako."

Nabigla ako kahit papaano. "Well, nagbakasakali lang ako. Galit ka?"

"Nope, basta next time, okay?"

Binaba ko ang phone. Napahinga ng malalim. Nag-alala ako na baka hindi na niya ako pansinin. Ewan ko ba.

Umuwi na naman kami ng sabay ni Richard. Sinabi ko na ang tungkol sa pag-gala namin pero tumanggi siya. Nadismaya man ako hindi na ako nainis. May gagawin daw siya.

Nakita kong lumabas siya sa kusina pagpasok niya ng bahay at umakyat sa bakod na bato. Sumilip ako sa pinto. Mababa lang kasi ang bakod na kayang umover sa labas. Tumingin siya sa'kin. "Hon, paki labas mo nga 'yung ladder."

Nilabas ko naman. Magaang lang naman ito. Umakyat siya sa bakod at nilagay sa kabila ang ladder para makababa siya.

"Ano ba ang gagawin mo?" tanong ko.

"Basta."

"Anong basta." Sumangot ako. Manipis lang ang daanan sa labas ng kusina. Kasya lang ang dalawang tao.

Maya maya nakita kong dala na niya ang ladder papasok nung pumasok ako.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong ko uli.

"Wala may tinamtaks lang ako. Nakita kong naka-usli 'yung wire." Naglakad siya.

"Tara, kain tayo sa mall." Sinubukan ko uli mag-yaya. Namimiss ko na 'yung mga naunang taon namin bilang mag-asawa. Holding hands while walking. Hindi naman siguro masama.

"Saka na pag sahod mo. Gastos na naman."

"Malapit na naman. May pera naman ako."

"Saka na. Malaki pa ang bayarin natin."

Iniwan niya ako at pumasok sa kwarto. Dismayang dismaya ako. Ibang iba na talaga kami mula nang lumipat kami dito. Mas maigi pa 'yung umuupa kami. Regalo lang ito ng kapatid niya pero plano naman namin na kumuha ng bahay.

Dahil doon ay naboring ako. Ngayong gabi ay matutulog na kami. Niyakap ko siya dahil kadalasan ay natutulog na lang kami. Nawala na din ang goodnight kiss at kadalasan ay kailangan ko pang akitin siya para sa sex.

Nakatalikod lang siya. "May babae ka ba?"

Napalingon siya. "Bakit mo tinatanong? Tignan mo Facebook ko." Napansin ko na nagchachat lang siya.

"Wala lang, hindi mo na ako pinapansin."

"Ano ka ba, hon. Maghapon ako sa shop. Tignan mo ang cctv doon. Imposibleng hindi mo malaman kung saan ako napunta."

Binatukan ko siya. "Oo na. Defensive ka masyado."

"Ayoko lang na pinag-iisipan ako ng masama. Matulog ka na. Malalaman mo kapag may babae ako."

"What? Hihintayin ko pa?"

"Ibig kong sabihin, hindi ko gagawin kasi nakakulong lang ako."

"Nakakulong? Kaya nga niyayaya kitang lumabas."

"Basta, hindi na tayo mga bata o wala na tayo sa honeymoon stage. Bumabalik ka kasi sa pagkabata e."

Hinalikan ko ang balikat niya. Hanggang sa pati ang tainga niya. Wala siyang reaksyon kaya kinuha ko ang phone niya.

"Balik mo 'yan!" Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at tumawa.

"Ayoko nga."

"Please may kachat akong nagtatanong kung paano magtimpla ng juice."

"Kung ayoko!"

Pwersahan niyang inagaw sa'kin kaya naglapit ang bibig namin. Binigay ko ang phone at hinakikan ko siya sa labi. Hinalikan din niya ako at kumalas. Tumalikod uli sa'kin. Pwersahan ko siyang hiniga at pumatong ako. Patuloy parin siya sa pagkalikot ng phone niya.

"Ano ba, hindi pa ba tapos 'yan?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

"Wait, maglalaro lang ako ng COC."

"COC na naman."

"Wait lang. Mga kalahating oras."

"Pwede bang mamaya na 'yan!"

"Wala namang pasok bukas ah. Mamaya ka na matulog."

"Uunahin mo pa 'yan. Hindi naman mahalaga 'yan."

"Meron kang hindi alam sa larong ito. Mauubos na ang active guard ko, baka manakaw na mga inipon ko. Saglit lang."

Gusto ko na talagang magtampo. Pero pinipilit kong maging kalmado. Nag-open na lang ako ng Facebook. Humarap ako sa kaniya kasi nagchat si Vernon. Baliw talaga. Ayaw akong tigilan. Pinaalala pa sa'kin 'yung 'next time' na sinabi ko. Umasa pa talaga siya.

Namiss ko 'yung video call namin. Hindi pwede ngayon, andito si Richard. And then natapos din siya sa wakas. Pinagbigyan niya din ako sa gusto ko. Nakatulog din naman ako ng maayos.

Pero nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nawala ang antok ko. Pumunta ako ng banyo at umihi. Nakakainis, nasa ibaba pa kaya kailangan ko pang bumaba. Habang nakaupo ako at umiihi ay naalala ko si Vernon. Nalaman pa niyang naka-online ako kaya nangamusta na naman. Sanay talaga siyang late matulog. Nagreply na lang ako at tumayo. Napansin ko na pwede nga pala siyang tumawag. Ako na mismo ang tumawag. Agad niyang sinagot at nagvideo call uli kami.

"Hello, nasaan ka? Nasa cr?"

"Oo huwag kang maingay. Nasa taas ang asawa ko."

"Wow ah." Inayos ko ang magulong buhok ko. "Bakit gising ka pa?"

"Napaihi ako. Nawala antok ako. Magpapa-antok lang ako." Halos bumulong lang ako. Hindi naman rinig sa taas pero hinihinaan ko na lang boses ko. Napansin ko na hindi ko pa pala naisusuot ang panty ko.

"Wait lang ah. Umiihi nga pala ako. Magsusuot lang ako ng panty."

"Oh my god. Wait lang."

"Bakit?"

"Magsuot ka na. Okay lang naman kahit makita ko."

Tumawa ako. "Baliw."

"Okay nga lang."

"Shut-up."

Nilapag ko ang phone at nagsuot ng panty. "Ano na?" Humarap uli ako.

"Aakyat na ako."

"Naisuot mo na."

"Oo."

"Patingin."

Hinarap ko sa ang camera sa ibaba. "Sayang hindi ko nakita."

"Sige goodnight. Aakyat na ako."

"Mamaya na."

"Paakyat na ako."

Biglang dumilim kasi pinatay ko na ang ilaw. Wala na siyang nagawa.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon