// 17. Upset Observant

2.4K 27 2
                                    

Umagang umaga nagtatawanan kami ni Jang kaya nagtaka si Richard. "Bakit ba kayo tawa ng tawang dalawa."

"Eh kasi si tita," sagot ni Jang pero tawa pa rin ng tawa.

"Anong ako?" Tanggi ko. Nakatawa din ako at hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung saan ba ako natatawa. Kung dun ba sa nagmamadali kami o narinig niya kagabi.

"May aswang kasi kagabi. Takbo kami paakyat." Lalo kaming tumawa sa dahilan ni Jang.

"Guni guni niyo lang 'yun. Naniniwala kayo sa aswang, katatanda niyo na."

"Pero totoo talaga, may narinig ako."

Sinenyasan ko si Jang na huwag maingay. "Naku, Jang.. hindi maniniwala 'yang tito mo." Dahilan ko na lang para hindi na pagtalunan dahil natatakot ako sa reaksyon ni Richard. Kinakabahan nga ako kasi baka may nakakita kay Vernon. Tago naman 'yung likod namin kaya malakas ang loob kong papuntahin siya.

Pumasok ako sa opisina, hindi mawala sa isip ko 'yung nangyari. Ayoko nang maulit pa. Hindi ko lang talaga matiis na hindi makita si Vernon dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita.

"Tambay tayo mamaya?" Yaya ni Curly. Parang gusto kong tanggihan na lang para kung sakaling malate ako ng uwi sa susunod ay kasama ko si Vernon. Gusto ko sanang umuwi nang maaga ngayon para may dahilan ako sa susunod.

"Pass muna ako." Sagot ko.

"Ilang araw na tayong hindi tumatambay ah."

"Basta, ayoko muna. Dadaan ako sa shop." Pagdadahilan ko.

Kaya maaga akong nakauwi. Hindi naman ako dumaan sa shop kaya pagkauwi ko nagchat agad ako kay Vernon dahil hindi siya nagchachat man lang. Nagtry akong tawagan siya dahil hindi siya naka-online.

Mabuti't sinagot niya. "Hello, huwag ka muna tumawag." Sabi niya.

"Magpaparing lang sana ako. Bakit mo sinagot?"

"Kakauwi lang ni misis. Nasa banyo pa siya kaya sinagot ko."

"Bakit hindi ka naka-online?"

"Ayaw ipa-open ng asawa ko ang FB ko. Kung may kailangan daw akong ichat, 'yung FB na lang niya ang gagamitin ko. Pasensya na. Kapag panggabi uli siya, makakaalis ako sa ganitong oras at magagamit ko FB ko dahil ginagamit niya ito sa umaga kahit tulog siya."

"Ganun?"

"Oo. Mamaya ka na tumawag."

"Bukas na, mamaya andiyan na ang asawa ko."

"Nauuna naman siyang matulog sa'yo 'di ba?"

"Ayoko naman na mahuli niya ako. At isa pa, dito umuuwi 'yung pamangkin ko. Hindi natutulog ng maaga 'yun."

"Sige. Basta ibaba ko muna 'to. Nandiyan na siya."

Binaba niya. Medyo mahihirapan kaming magkita nito. Umuwi na si Jang galing school. "Hi, tita!" Bati niya.

"Kumain ka na diyan." Sabi ko lang sa kaniya.

Maya maya ay nanood kami ng TV. Wala pa naman si Richard. "Alam mo, tita, may napapansin kami ni ate Hillary sa inyong mag-asawa."

"Ano naman?" Natatakot naman ako sa napapansin nila. Ano kaya 'yun?

"Kasi sabi niya, hindi ka daw gaanong pinapansin ni tito. Wala lang, sabi ko naman, hindi naman sa lahat ng oras magpapansinan kayo. Pero ngayon, naintindihan ko na. Ayokong makialam ah, pero hindi kayo sweet. Ganun ba talaga kayo o pagdating sa kwarto sweet naman kayo?"

Nakahinga ako ng maluwag. "Alam mo kasi Jang, sa una lang naman 'yung sweet. Actually nagdate kami nung birthday ko." Gusto kong idipensa si Richard pero gusto ko din naman na makakuha ng simpatya sa iba.

"Kasi sabi sa'kin ni Lola, medyo tamad daw si tito Richard kaya niya ako pinadala dito. Kaya nga mas pinili niyang magnegosyo nang napakasimple para hindi na magtrabaho. Tapos itong bahay daw, regalo lang ni tita Rowena na nasa Canada. Kasi nga walang planong bumili ng bahay si tito Richard. Naaawa nga sa'yo si Lola kasi pagkauwi mo, ikaw pa daw ang mag-aasikaso sa mga bata hanggang umaga."

Napaisip ako. Ngayon lang nagsink in ang lahat. Hindi naman mayaman ang mga kamag-anak ni Richard pero kahit papaano ay angat naman sila. Kaya hindi ko na inisip ang mga bagay na naisip ni Jang. Tuwang tuwa nga ako dahil binigyan kami ng bahay. Kaya bumabawi na lang ako sa mga bata at nagsisipag magtrabaho. Ngayon ko lang naisip lahat.

"Hindi naman ako mareklamo. Pero nagpapasalamat ako sa'yo dahil sinamahan mo kami."

"Kasi nga, pakiusap lang ni Lola. Alam mo naman 'yun. Ayaw niya na magmakaproblema lahat sa pamilya. Si Papa nga nung nambabae, talagang inaway niya. Pinilit niyang ayusin kami. Ewan, may lahi yata kaming tamad. Si Mama naman kasi pinaghuhugas pa si papa ng plato. Kaya nga natuto ako sa gawaing bahay dahil kay mama."

"Wala sa lahi 'yan." Tumawa ako. "Edi sana hindi ka masipag ngayon?"

"Masipag si Papa. Sa kaniya ako nagmana."

"Masipag din naman si ate Rina at ate Rowena."

"Sabagay."

"Kamusta na nga pala si Hillary?"

"Ewan ko dun. Naiinis nga si tita Rina sa kaniya kasi masyadong seryoso. Nagpakamatay na nga 'yung isa sa kabatchmate niya nung highschool dahil sa depression."

"Ows talaga?"

"Natatakot si tita Rina na baka maging ganun din si ate Hillary. Masyadong pressure daw kasi sa college. Bumagsak lang ng isang subject, talagang nalulugmok na dahil sa laki ng tuition fee, wala nang mukhang ihaharap sa tao at sa magulang kaya nagpapakamatay ang ilan."

"Hindi ko naman naranasan 'yan pero parang danas ko na din dahil natatakot akong bumagsak. Kaya nagpurisige ako."

"Ganun din naman si ate Hillary kaya nag apply siyang model. Pero tinigil niya. Isang beses na umuwi siya na nangingitim ang mata kaya takot na takot si tita Rina. Kulang lang pala sa tulog."

"Baka kailangan ng Psychiatrist ni Hillary? Baka mahuli na ang lahat." Natakot ako.

"Pero nakausap ko naman si ate Hillary, okay lang naman daw siya." Kwentuhan lang naman kami madalas sa araw araw.

Hanggang sa gabi na. Tapos na kami kumain. Dumiretso agad si Richard sa kwarto at alam kong napansin ni Jang.

"Tita, hindi ka pinansin ni tito. Araw araw ganito kayo."

Napaisip ako. Baka nga dahil kay Vernon kaya hindi ko ramdam pero alam kong malaki ang binago niya. Hindi lang ako sigurado kung ako ba o siya ang may mali dito. Ayoko naman isisi sa kaniya dahil sa pinagdaanan ni Jang ay kami na ni Vernon. Tumango na lang ako kay Jang.

"Nag-uusap naman kami. Hayaan mo na. Wala lang 'yan. Busy lang sa business niya kasi nakakachat niya ang ilang kliyente niya."

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon