// 9. Hesitation

3.2K 30 1
                                    

Sumilip ako sa bintana para tignan kung dumating na si Richard. Pero wala pa. Hawak ko ang phone ko habang nakatingin kay Vernon. Ganito talaga siya kapag nasa kwarto, laging nakahubad ng t-shirt unlike Richard na hindi mahilig pero may katawan din naman. Hindi lang ako matatanggalan ng pagkabored, maaaliw pa ako sa ganda ng katawan niya.

"Saan ba pumunta ang asawa mo?" Interesado pa siyang malaman ah.

Bumalik ako sa kama at humiga. Naghikab bago sumagot. "Birthday ng kaibigan niya."

"Mag-iinom?"

"Maybe."

Kahit wala akong bra, nakabotones ang pangtulog ko at makapal naman. Hindi naman siguro ako aatakihin ng consciousness at isa pa, si Vernon ang kausap ko kaya halos wala na akong itatago pa dahil nakita na niya ang lahat sa akin noon.

"Mapapalaban ka no kaya ayaw mo pang matulog?"

"Sira."

"Hinihintay mo no?"

"Maaga pa kaya. At sa amin na lang 'yun. Asawa ko naman siya. Kung gusto mo, abangan mo ang asawa mo at maglaban kayo para mapalaban siya."

Nanlaki ang mata niya na tila na-amaze. Pamilyar na sa'kin ang reaksyon niya. Sabay umupo ng maayos. Nakalaptop kasi siya. "Sa totoo lang kikita ka ng malaki sa pagmomodel." Sabi ko na nga ignore lang sa kaniya 'yun. Binalik na naman niya ang topic.

"Pag-iisipan ko." Nginitian ko siya.

"Pag-isipan mong maigi. Ganda ng katawan at mukha ang babayaran sa'yo. Sayang 'yan kung ididisplay mo lang nang libre sa swimming."

"Bakit ba kasi ako?" Gusto kong lumabas mismo sa bibig niya kung bakit ako. Obvious na maganda at sexy ako sa edad ko.

"Wala akong kilala na kasing ganda at sexy mo." Ngumiti ako at tumingin sa labas. Baka nandiyan na si Richard.

"Imposible. Vernon Chavez, hindi ka parin nagbabago. Ang bolero mo parin."

"How nice buong pangalan talaga. Nalimutan mo yung Junior. Meron ako nun."

"Pakita mo nga."

"Baka pag pinakita ko magalit ka."

Napahalakhak ako. Nakatakip pa ako ng bibig. Naku kung nakikita ko lang ang sarili ko malamang sinabihan ko nang malandi. Ang greenminded ko.

"Ako ba talaga ang galit o siya?" Tawa lang ako ng tawa. Napakagreenminded niya din kasi. Sumakay agad sa biro.

"Malamang galit siya."

"Umayos ka Vernon ah."

"Hindi ka nagsasawa sa pangalan ko ah."

"Basta umayos ka. May asawa kang tao, ganiyan ka sa iba."

"Wala naman 'to. Kwentuhan lang. Saan ba 'yang lugar niyo?"

"Aalamin mo?"

"Oo bakit hindi? Alam kong may vape shop ang asawa mo. Pwede akong bumili kahit hindi ako nagvevape o nagyoyosi."

"Naku 'wag na."

Madali lang alamin ang vape shop ng asawa ko. Bahala siya kung gusto niyang bumili.

"Anong time ka nagpupunta doon?"

"Araw araw, pag uwi galing trabaho."

"Okay."

"Huwag mong sabihin na pupunta ka?"

Nasa itaas ako ngayon. Nakikita ko kung may sasakyan na dadaan. Maaga pa kaya alam kong hindi pa uuwi si Richard. Malamang late na naman siya magbubukas bukas. Hindi naman ako nainip ngayon kaya okay lang. Pag-uwi niya matulog na siya.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon