// 30. Ego

2.3K 34 8
                                    

Gusto kong ayusin ang problema namin pero hindi ganun kadali. Kaya napagpasyahan kong ayusin ang ilang damit ko dahil kailangan kong umalis. Napakalaki ng kasalanan kong nagawa. Maging sa mga kapatid niya sobrang nakakahiya na magpakita pa ako. Naisip kong pwede nga akong mapatawad ni Richard pero magkakaproblema sa pamilya niya dahil lalaki siya. 

Habang inaayos ko ang gamit ko ay sumara ang pinto. It means may nagbukas. Nawalang bigla si Richard kaya sumilip ako para tignan kung saan siya nagpunta. Nag-alala akong bigla. Lalo na nung maisip ko ang mga nababalitaan ko tungkol sa depression kaya tinawag ko siya. "Richard!" Walang sumagot pero nagpakita ang dalawang anak ko.

"Mama bakit kayo nag-away ni Papa?" Nag-aalala ang itsura nila.

Agad ko silang niyakap. "Wala 'to. Simpleng problema lang. Gusto ko lang sabihin na aalis muna ako ah. Magpakabait kayo."

Lalo silang nagtaka. "Saan ka pupunta?"

"Doon lang sa Lola niyo. Sa nanay ko. Sandali lang ako." Hindi ko pwedeng ilihim na aalis ako kaya tinapat ko na sila.

May boses kaming narinig mula sa ibaba. "Raven, Vanessa!" Boses ni Richard.

Bumaba ang dalawa kaya wala na akong nagawa. Tumingin lang ako saglit at ibinalik ko ang pag-aayos sa mga gamit ko. Konti lang ang dasalhin ko para hindi gaanong obvious. Bukas pa naman ako aalis.

Ako lang mag-isa natulog sa kwarto dahil sa kabilang kwarto natulog si Richard. Iyak ako ng iyak. Kahit hindi lasunin ang utak ng dalawang anak ko, hindi ako makakaligtas kapag nagkaisip na sila. Malalaman at malalaman nila ang kalokohan na ginawa ko. Gagawa ako ng paraan para ibalik ang lahat. Hihingi ako ng tawad sa lahat para maging maayos lang ito at magiging mabuting ina at asawa na ako mula ngayon. Ang mga nakapaligid lang ang napapansin ko dahil makasarili ako. Masyado akong nadadala sa mga sinasabi sa'kin kahit hindi ko naman sila pinapakinggan. Kay Richard nagagalit ang byenan ko dahil nakikitaan nila ako ng sipag tapos ganito pa ang gagawin ko? Masyadong malaki ang kasalanan ko.

Napilitan akong lumabas ng kwarto kinabukasan para tignan ang mga bata. Pero wala akong nakita ni isang tao. Umalis na sila. Hindi ko alam kung nasa shop si Richard. Sana andoon siya at pinag-isipan na maigi ang nangyari. Sana magbago ang isip niyang paalisin ako.

Nagtry akong magpunta doon. Salamat naman at nakita ko siyang inaasikaso ang mga kliyente. Hanggang sa mawala na ang mga tao. Saka ako lumapit sa kaniya. "Richard." Banggit ko pero parang wala siyang narinig. Inaayos lang niya ang ilang paninda niya. "Mag-usap tayo."

"Wala na tayong pag-uusapan." Tumingin siya sa'kin. Napansin ko na namamaga ang dalawang kamay niya. "Di ba sabi ko ayoko nang makita ang pagmumukha mo?" Mahina pero galit ang boses niya.

Hinawakan ko siya. "Richard, pag-usapan natin 'to."

"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Kung ayaw mong magwala ako dito umalis ka na."

"Please, bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Mahal na mahal kita."

"Mahal mo ako? Bakit pumatol ka sa iba?" May dumating. Bumili siya kaya inasikaso muna siya. Nang mawala ay saka namin tinuloy ang pag-uusap. "May plano ako para sa pamilya natin. Kaya medyo nagsisipag akong magbenta. Mula umaga hanggang gabi halos wala akong pahinga. Sa gabi na ako nagsasara para may oras ako sa inyo. Nag-iipon din ako. Pero hindi ako titigil sa pag-iipon para sa mga anak natin. Sinasamantala ko hangga't malakas ang bentahan ngayon. Alam kong hindi panghabang buhay ito kaya hangga't maaga, pinaghahandaan ko na ang lahat. Para kung sakaling mawala ito ay may papalit na pagkakakitaan. Para sa'yo at sa mga anak natin. Pero ngayon para saan pa? Para sa mga bata na lang."

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Tama siya. "Mag-umpisa uli tayo."

"Paano?"

"Patawarin mo na ako, please."

"Ganun lang ba kadali 'yun? Umalis ka na hangga't hindi pa umiinit ang ulo ko. Sinasabi ko sa'yo a. Kapag nainis ako, babasagin ko lahat ng nandito. Hindi ako nagbibiro, Val. Ngayon pang sobrang sakit ng ginawa mo."

"Huwag mong gagawin 'yan."

"Umalis ka na at pag-uwi ko, ayaw na kitang makita pa. Tatawagan na lang kita para pag-usapan natin kung ano ang sitwasyon sa mga bata."

"Wala na ba talagang pag-asa?" Tumulo na ang luha ko.

Umiling siya. "Hindi ko kayang makisama sa babaing hindi naging tapat sa'kin sa kabila na siya lang ang minahal ko." Hindi ako makapag salita. "Umalis ka na!"

-

Umuwi ako pero hindi ako umalis. Hangga't kaya ko pa hindi ako susuko. Lumipas ang ilang oras hanggang dumating ang oras na hinihintay ko. Pero walang tao na dumating. Hintay pa naman ako nang hintay. Gabi na nang dumating sila.

"Mama!" Bati sa'kin ng mga anak ko.

"Pumasok na kayo sa loob ng kwarto." Utos ni Richard sa mga bata at umiling nang makita ako. "Akala ko ba nakaalis ka na?!"

"Please, kung gusto mo doon ka muna sa kwarto ng mga bata. Bigyan mo--"

"HINDI!!" Napayuko ako. "Lagi niyong tatandaan mga babae na kapag kami ang nagloko, kaya naming ayusin ang problema. Pero kapag kayo na ang nangaliwa, huwag niyo nang asahan na babalikan pa kayo ng mga asawa niyo. Isa lang ang ibig sabihin kapag lalaki ang nagloko. Gusto lang namin na tumikim sa iba. Pero malalim kayong mga babae. Nagmamahal kayo ng iba kaya niyo nagagawang magloko. Paano mo masasabi na magkakaayos pa tayo? Kahit gaano ko kagusto na pumatol sa mas bata sa'kin hindi ko ginawa dahil mahal ko ang pamilya ko at ayaw kitang masaktan. Ngayon hinamon mo ako, baka iniisip mong walang papatol sa'kin na kagaya mo? Maraming babae diyan hindi lang ikaw. Kaya umalis ka na!"

"Richard." Niyakap ko siya. "Please, tanggapin mo ako." Hindi siya lumalayo o tinatanggal ang kamay ko na nakayakap. Hinigpitan ko ang yakap.

"Gustuhin ko man pero hindi na pwede. Ayokong pinagtatawanan ako ng lalaki na sinamahan mo sa kwarto habang magkarelasyon tayo."

"Richard, hindi mangyayari 'yun."

"Kilala ko ang kapwa ko lalaki. Hindi kami nagsisisi sa kasalanan namin kung nambabae kami. Maniwala ka, nakaraan ka niya na maikukwento niya sa barkada niya. Hindi ko matanggap kaya pasensya na. Oo mahal kita pero maraming pumapasok sa isip ko kung papatawarin kita na hindi matatanggap ng pagkatao ko. Umalis ka na at ayaw na kitang makita pa. Maraming wasak na pamilya sa mundo, hindi lang tayo."

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon