// 21. Starting The Game

2.2K 24 3
                                    

Ilang buwan ang lumipas. Unti unti naman na nakamove on na si Susi. Pero minsan kinukulit parin daw siya ng lalaki. Hindi naman pwedeng maging sila. Parang naglalaro lang sila, kawawa naman siya dahil baka mabuntis siya. Mabuti at naisip ni Susi na tigilan na ang lalaking 'yun. Ngayon ko naisip na gagawa at gagawa talaga ng paraan ang ibang lalaki para mambabae. Kung merong katulad ni Susi ang pumapayag maging kabit lang ay wala na akong magagawa. Nakatapos naman ng pag-aaral si Susi kaya alam niya ang tama at mali.

Eto kami ngayon, magkakasama na naman na kumakain.

"Ilang araw na naman na hindi natin siya napapag-usapan." Sabi ni Susi na ang tinutukoy ang ex niya. "Buti hindi na nagpaparamdam. Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ako pumatol sa may asawa. Baka isipin niyo, simula't sapul, alam kong may asawa siya. Sa totoo lang wala." Nagkukwento siya habang sumusubo ng kanin.

"Alam ko naman." Sagot ko. Naalala ko na naman si Vernon. Ito ang pagkakataon na nakikita ko ang pagkakamali ng iba pero hindi ko makita ang akin. Hanggang ngayon hindi ko parin kilala miski ang sarili ko. Bakit naaalala ko pa siya? Hindi na nga ako active sa FB para malimutan ko siya pero hindi ko magawa.

"Kung ako sa'yo, Susi.." ganun din si Curly, nagsasalita nang may kinakain. "Sagutin mo na 'yung isang manliligaw mo para malimutan mo na siya."

Buti pa sila. Sagutin lang ang manliligaw, okay na. Samantalang ako, andiyan naman si Richard pero si Vernon parin ang laman ng isip ko.

"Ayoko nga." Sagot ni Susi. "Malaya na ako at nakalimutan ko na siya. Saka na 'yang boyfriend." Tumingin siya sa'kin. "Sakit ng ulo." At umiling pa. "Need mong mag 'good night' need mong mag 'good morning' at higit sa lahat, need mo siyang intindihin na nakakapressure din minsan. Saka na ang lalaki."

Ngumiti lang si Curly. "Masaya naman kapag may boyfriend." Sagot lang niya. May boyfriend din kasi siya.

"Ako?" Nag isip ako. "Wala na akong iniisip dahil may asawa na ako. Tapos na ako diyan."

"Buti ka pa nga." Sabi ni Curly. "Gusto ko na nga din mag-asawa para parati ko siyang kasama."

"Naku nasasabi mo lang 'yan kasi limitado ang oras niyo." Sagot ko. "Oras na magkaroon ka ng asawa, magsasawa ka din. Baka gusto mong bumalik kayo sa dati."

'Yun kasi ang naramdaman ko. Hanggang sa umuwi na uli ako. Binagsak ko ang katawan ko sa sofa. Wala pa si Jang kaya ako lang ang tao sa bahay. Hinihila ang daliri ko ng phone ko na pindutin ko ito at tawagan si Vernon. Wala naman akong sasabihin. Huminga ako ng malalim. Hindi ko matanggap na bumalik lang sa dati ang buhay ko. Ganito na lang lagi. Hindi ko naman alam ang isasagot ni Vernon kapag nagparamdam ako. At lalong baka mahuli uli kami ni Richard. Kung sakaling matuwa siya na nagparamdam ako, kailangan naming planuhin ang lahat para hindi kami mahalata.

Sumilip ako sa phone ko at naglike ng isang post niya about sa video. Malamang manonotice niya ito. Sana lang hindi na magchat dahil naka-on pa ang notification sa email ko kung magchachat siya.

Wala akong chat na nareceive. Alam ko naman na pwedeng malabo na magchat siya at malimit din naman siyang maglike ng post ko kahit bihira akong magpost.

Kinabukasan habang pauwi ako ay nakita ko siya. Nagulat ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at bigla na naman akong nagulat kasi dumating si Curly at Susi. Nagkataon na hindi pa sila umuuwi. Alam na naman yata ni Vernon ang gagawin o sasabihin. Hindi tuloy niya nasabi ang gusto niyang sabihin sa'kin.

"Sino siya?" Tanong ni Susi.

"Classmate ko dati. Si Vernon." Pinakilala ko sa kanila.

"Hi!" Bati lang ni Vernon habang nakasakay pa sa motor. Natuwa din naman ako na nagpakita siya pero bakit ngayon? Wala siyang pasabi.

Tumingin ng makahulugan si Susi sa'kin. Sira talaga siya. Bakit siya mag-iisip ng kung ano ano. Alam niyang may asawa ako.

"Ako nga pala si Susi." Nakipag kamay pa siya kay Vernon. "May lakad kayo?" Dugtong niya. Gusto talaga niyang kausapin si Vernon. Kapag nalaman niyang may asawa 'to ewan lang.

"Wala naman. Kinamusta ko lang si Val. Aksidente lang na napadaan ako at nakita ko siya." Totoo?

"Tara, kain muna tayo o tambay." Shock. Nagyaya si Susi. "May pupuntahan ka ba?"

"Wala naman. Bahala kayo. Saan naman tayo pupunta?"

___

Tambay ang bagsak namin. Hindi ko masabi na may asawa na si Vernon pero sure si Susi na wala kaming relasyon kaya panay lang ang kausap ni Susi sa kaniya. Kaya pala siya naloloko kasi hindi niya muna kinukuha ang impormasyon sa lalaki. Basta nagustuhan niya, sige bahala na. Kanina pa siya sumesensyas na gwapo nga daw si Vernon. Pagtapos nito ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya.

Pero unang nagpaalam si Vernon. "Uuwi na ako. May lakad pa ako."

"Ang aga naman." Reklamo ni Susi. Isang oras pa lang ang nakakalipas.

Malamang kailangan nang umuwi ni Vernon dahil sa asawa niya. Bahala siya, hindi ko sasabihin sa kaniya na may asawa na si Vernon. Bahala na siyang tumuklas nito.

Kinabukasan, sa opisina.

"Ang gwapo niya no?" Sabi ni Susi. Sabihin ko na ba na may asawa na si Vernon? Nakakapagtaka lang na hindi niya alam. Huwag na lang, ang kaso baka sinabi ni Vernon sa text na binata siya. Hindi malayong mangyari na biktimahin niya si Susi.

"I-add mo siya. Nasa friendlist ko siya." Sabi ko.

"Huwag na. Baka malaman ko pang may girlfriend na." Sira talaga siya.

"Para alam mo. Mamaya ligawan ka niya."

Ayaw niya talagang magtanong sa'kin kung may asawa ba o wala si Vernon? Malamang sa ex niya hindi niya inalaman dahil natatakot siya. Basta gusto niya ang lalaki ay sisige lang siya. Syempre kailangan ko siyang pigilan. Pinakita ko sa kaniya ang picture ni Vernon kasama ang anak at asawa.

Nalungkot siya. "Sana hindi mo na pinakita. Kainis ka." Ako pa talaga ang may kasalanan?

"Kaya ka naloloko e. Dapat iniiwasan mo ang mga lalaki na may asawa."

"Nakakainis kasi. Puro may asawa na ang mga gwapo. Napagpilian na ang mga lalaki dito sa bansa natin. Ayoko kasing makatuluyan 'yung matataba na walang kamaselmasel. Basta may gwapo, pinag aagawan agad." Umiling pa siya.

Natawa ako sa kaniya. Hindi naman gaanong gwapo ang ex niya. Kaya siguro nagtatampo siya sa kapalaran.

"Tigilan mo na siya." Sabi ko lang.

"Bakit nagpakita pa siya sa'yo. Ano meaning? Baka babae ang hanap niya. Kunwari pa siya napadaan. Laro ba gusto niya. Lalaban ako." Naghamon pa siya.

Hindi ako makapaniwala kay Susi. Hindi pwedeng mangyari ito. Kailangan ko siyang sagipin. Pero sana wala ngang plano si Vernon na mangbabae.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon