// 18. Nonsense Syndrome

2.1K 24 1
                                    

At dahil nawala ang atensyon ko kay Vernon ay natiis kong hindi na lang siya pansinin. Napag-isip isip ko kasi na mahalaga ang pagsasama namin ni Richard. Hindi ko dapat ginawa sa kaniya ang lokohin siya. Sikreto na lang siguro ang lahat. Wala na akong paki sa sinabi ni Jang. Gagawa na lang ako ng paraan para maging maayos kami dahil nakakahiya sa byenan ko pag nagkataon.

"Punta tayo sa mall." Yaya ko sa kanila. Syempre kasama si Jang. Gusto kong makita niya na masaya naman kami.

At lalong ayokong mapabalita sa kanila ang nangyayari sa'min ni Richard. Wala naman talagang mali sa amin. Tama siguro si Richard na hindi na kami mga bata.

Hindi kumibo si Richard nung yayain ko sila pero alam kong gustong gusto ng mga bata. "Daddy, sama ka kay Mommy." Yaya ng panganay na anak kong si Raven.

"Pwede ba naman maiwan ako?" Sagot lang ni Richard. Ngumiti ako. "Kahit naman yata umayaw ako mukhang disidido na kayo."

Nagbihis sila at lahat kami ay umalis. Kasama namin si Richard kaya nang papasok kami sa mall ay humawak ako sa braso niya para naman magmukha kaming sweet. Tinignan ko ang phone ko. Wala naman paramdam si Vernon. Mabuti naman dahil oras na magparamdam siya ay tatapusin ko na ang namagitan sa'min. Chineck ng guard 'yung mga gamit namin. Nagkataon naman na nagkakatawanan ang mga guard nang magpacheck ako. Napangiti na din ako sa kanila dahil nadala ako sa kwentuhan nila.

Ako pa naman ang huli na nagpacheck sa'min ng bag kaya pagtapos ko sinimangutan agad ako ni Richard. Nagtaka ako. Hahawak ako sa braso niya nang biglang bumitaw siya. "Hawakan mo mga bata. Para kang dalaga ah."

"Bakit?" Bulong ko lang kasi baka marinig ni Jang. Tinopak na naman siya.

"Nakakita ka na naman ng gwapo kaya nginitian mo na naman sila." Nahiya ako sa sinabi niya. Narinig kasi ni Jang.

"Para kang ewan. Malay ko na sa mga 'yun!" Alam kong nagseselos na naman siya. Minsan lang naman mangyari kaya magdadahilan na lang ako kay Jang. Baka malaman pa ng byenan ko kausapin pa kami. Wala naman talagang problema tapos syempre anak niya kakampian niya. Ako na naman ang talo.

"Huwag ka na nga magpalusot. Nakikita ka pa naman ni Jang. Kung makangiti ka sa mga gwardya akala mong dalaga ka. Hawakan mo mga bata!"

Hindi na ako sumagot. Sumimangot na lang ako. "Hayaan mo nga 'yan." Bulong ko lang kay Jang nang tumalikod siya. "Nagseselos na naman."

Ngumiti lang si Jang. Hanggang sa kumakain na kami. Ako ang nag-aasikaso sa mga bata para wala nang masabi si Richard. Napatingin ako kay Jang na tila nakatingin sa tito niya. Alam kong may napapansin na naman siya. Naiinis na ako. Hindi ko tuloy alam kung chismosa 'tong si Jang. Hay naku. Bahala na nga sila.

Sa totoo lang wala talaga kaming pansinan ni Richard. Minsan lang naman mangyari ito pero sa araw araw naman na magkasama kami ay okay naman. Bukod sa gusto ko din naman na bumalik kami sa umpisa, ganun lang siguro talaga kapag tumagal na.

Nakakita ako ng pamilya na sweet sila lahat. At may nakita naman ako na mas may edad sa'min pero nakaholding hands pa. 'Yung pamilya baka ganiyan lang sila pag may kaharap na tao at ang magkaholding hands naman na ito ay baka bago lang silang magjowa. Pwede naman kasi na ngayon lang sila nagkatuluyan. Parang kakaiba naman sila kung mas matagal pa sila sa'min pero still sweet parin sila.

Hanggang sa nakauwi na kami. Medyo gabi na kaya pumasok agad kami sa kwarto kasama ang mga bata. Gusto kong makausap si Richard kaya pinatulog ko na ang mga bata kahit maaga pa.

"Matulog na kayo. Pumasok na kayo sa kwarto niyo. Magtoothbrush muna ah." Utos ko pero naglalaro pa silang mag-aama. Tawanan ng tawanan.

"Mamaya na. Maaga pa naman." Tutol ni Richard.

Hay bahala kayo diyan. Nainis ako bumaba ako at nanood ng TV kasama si Jang. Bawal siyang tutulan. Ano kaya ang sasabihin ni Jang?

"Magsasaing pa ba?" Tanong niya.

"Busog ako e. Ikaw baka gusto mo para isangag na lang bukas."

"Busog din ako. Huwag na."

"Oo huwag na. Matutulog na din ako maya-maya."

"Maaga pa naman. Mamaya pa ako aantukin. May pagkain pa naman diyan."

Buti naman hindi na niya sinabi kung ano man ang napansin niya kanina. Alam ko na. "Jang." Tumingin siya.

"Huwag mo nang iparating kay mama ang nakita mo ah. Natural lang ang ganun sa'min. Bihira naman mangyari."

"Kainis si tito." Sagot lang niya.

"Mabait naman ang tito mo sa'yo kaya okay na 'yun."

"Seloso!" Ang weird ng reaksyon niya.

Ngumiti na lang ako. "Hayaan mo na. Siguro dapat na matuwa ako."

"Nakakasakal naman 'yun."

"Hayaan mo na. Huwag mo na ipaalam ah. Baka mamaya ako pa ang mapagsabihan. Alam mo naman 'yang tito mo, si sagot din. Magaling pa magpaliwanag."

Maya maya lumabas na ang mga bata. Tinawag na nila ako para asikasuhin sila.

"Magtootbbrush ka ah." Utos ko kay Raven bago ako pumasok sa kwarto kasi nasa baba pa sila.

Pumasok ako sa kwarto. Busy na naman si Richard sa phone niya. "Hoy ikaw, huwag mo na ipakita kay Jang 'yung pagseselos mo. Sobra ka naman kasi. Para napangiti lang."

"Ayaw mong ipakita sa kaniya na nagseselos ako dahil sa mga kangitian mo. Hindi ako nagseselos. Mahalay lang kasi na makita niyang nakikipaglandian ka."

"Landi?! Hindi ako lumalandi!"

"Gwapo kasi 'yung gwardya kaya huwag ka na magkaila."

Nakakainis talaga siya. Humiga na ako. "Baka malaman pa ng mama mo 'yan magalit na naman. Lagot na naman tayo."

"Ayaw mo lang na malaman nila na nagselos ako dahil sa ginagawa mo."

"Wala akong ginagawa. Ano bang mali sa ginawa ko?"

"Sasabihin lang sa'yo ni mama na huwag ka nang ngumiti sa iba kung kaharap ako dahil nakakabastos."

"Wala akong ginagawang masama." Nagtalukbong ako ng kumot.

Nagchat si Vernon. Dala ko 'tong phone ko habang nakatalakbong. Binlock ko siya. Wala akong time kausapin siya. Bukas ko na siya kakausapin para sabihin na layuan na niya ako. Pero nagring ang phone ko. Buti nakasilent ito bago ako matulog. Kainis naman. Sasagutin ko ba o hindi? Pinatay ko ang phone ko. Bahala siya. Bukas ko na siya kakausapin.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon