// 1. Tipsy Husband

10.7K 69 1
                                    

Started: January 5, 2019

Val's POV

Nag aayos ako ngayon ng bahay kasi bagong lipat kami. Nasaan na ba ang asawa ko? Ako na lang ng ako ang umaasikaso ng lahat. Sarado ang shop niya ngayon.

Naisipan ko siyang tawagan.

"Hello, Hon?" Lumakad ako habang hinihintay ang sagot niya. May mga gamit kasi na dapat pang ayusin. Kaya mag-uusap kami habang nag-aayos ako ng gamit.

"Hello, I'm sorry, Hon.. napadaan ako kay kuya Rick. Napatagal ako." Sagot niya. He's guilty.

"Bakit hindi mo agad tinext o chinat mo sa akin. Para alam ko. Sa totoo lang marami pa tayong aayusin."

"Sige uuwi na ako maya maya. Nasaan ang dalawang bata? Nandiyan ba?"

"Wala syempre. Pinaalaga ko kay Ate. Ang lilokot nila. Hindi ko sila maasikaso dito."

"Si-sige, uuwi na ako."

Pero lumipas ang isang oras, wala pa. Hindi ko na pinansin ang ginawa niya dahil na rin mas marami naman siyang ginagawang mabubuting bagay kesa sa kapalpakan.

Naamoy ko ang alak sa katawan niya matapos niyang umuwi kasama ang dalawang anak namin. "Nag-inom ba kayo ng kuya mo?" Tanong ko. Pinilit ko na lang maging mahinahon kesa uminit ang ulo. Wala din kasing mangyayari kung aawayin ko siya.

"Oo, pasensya na. I know naman wala ang mga bata kaya ako na ang sumundo. Pinagdrive naman kami."

Halata na marami siyang nainom kumpara sa natural na pag-iinom niya. Hindi siya adik sa inom. Siguro kung ikukumpara sa mga manginginom ay kulang pa ang ininom niya. Kasabay nang sandaling ito na may pumasok na lalake sa bahay.

Napatingin kami. "Hi Ate Valentin."

Nginitian ko siya. Malapit siyang kaibigan ng pamilya ng asawa ko. Kapit bahay nila at medyo bata kumpara sa'min.

"Kumain ka muna." Pag-aalok ko.

"Hindi na ate, uuwi na ako. Hinatid ko lang sila."

"May pamasahe ka?"

Dinukot ko ang pitaka ko at akmang kukuha ng pera.

"No need!" Sinamaan ako ng tingin ng asawa ko.

"Oo nga ate. Binigyan na ako." Sagot naman niya.

"Sige, ihahatid na kita sa sakayan." Alok ko.

"Ano ba, Val? Kaya na niya 'yan." Saway na naman ni Richard. Ang asawa ko. Alam kong galit siya dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Nakakahiya e." Mahinahon kong sagot.

"Okay lang, ate. Sige lakad na ako."

I know okay lang dahil mabait siya sa pagkakaalam ko. Pero ayokong wala man lang akong alok o whatever na effort dahil effort ang ginawa niya. We end up ni Richard na hindi okay ang sitwasyon. Nasa kama na kami at magpapahinga. Magulo pa ang bahay dahil hindi ko pa inaayos. Sinubukan kong ayusin ang ilan sa damit na nakalagay pa sa kahon.

"Bukas na 'yan." Hiling niya.

"Ilalagay ko lang sa aparador."

"Bukas na."

Lumakad ako papalapit sa kama. "Sige." Nakatingin lang siya sa'kin.

"Ikaw ah. Napapansin kita na masyado kang mabait kay Reagan. May gusto ka ba sa kaniya?"

"Oh my god, Richard inalok ko lang kumain at ihatid, may gusto na? Ang dumi naman ng utak mo?" Nabigla kong sagot.

"Hindi normal 'yan. Alam ko ang nahihiya lang. Bakit gusto mo siya bigyan pa ng pera? Commonsense, makakalimutan ba namin ni mama 'yun?"

"Richard! I know. Hindi ako tanga. Kunwari lang 'yun. Ayokong ipagwalang bahala ang lahat matapos ka niyang ihatid. Alam mo na ang ibig kong sabihin. At alam na alam kong hindi niya tatanggapin. Mag-isip ka nga. Lasing ka lang, mag-usap tayo bukas." Lumamang parin ang pasensya ko kahit papaano. Ayoko siyang pagtaasan ng boses even medyo madiin ang pagkakasabi ko.

"Palusot ka pa. Nahahalata ko sa'yo basta gwapo mabait ka."

Napanga-nga ako sa huling sinabi niya. "Hon, mali ka ng iniisip. Sana tignan mo ako sa lahat. Huwag mong dudumihan ang isip mo. Hindi ako ang klase ng babae na mangangaliwa."

"Wala akong iniisip na ganun!"

"Pero ganun na din 'yun. Mag-usap tayo bukas."

Ewan ko ba kung bakit ko nasabi ang bagay na 'yun. Katumbas na kasi ng pangangaliwa ang sinasabi niya.

"Guilty ka!"

Dumapa siya at hindi ako agad nakasagot. Nag-iisip ako ng tamang sasabihin. Siguro lasing lang siya.

"Hon, hindi ako ganung klase. Matulog ka na."

"Alangan naman na aminin mo 'yun."

Hindi na ako sumagot dahil away lang.

"Sumagot ka! Guilty ka. Tama ako 'di ba?"

Tumalikod ako sa kaniya. "Kaya ayaw ko na nag-iinom ka e."

"Hindi pa ako lasing."

"Pero nakainom ka parin."

"Alam kong hindi ka mangangaliwa dahil kasal tayo. Ang ayoko lang, huwag mo nang ipahalata na attract ka sa iba. Kung ako nga wala na akong pinapansin na iba."

"Richard naman. Mali ka nang iniisip. Ang kulit mo naman. Lasing ka lang. Bukas na natin 'yan pag-usapan."

"Nakakahiya ka. Baka ichismis ka ni Reagan. Sabihin halatang may gusto ka sa kaniya."

"Sa lahat ako mabait hindi lang sa kaniya. Makahalata ka naman."

Hindi na siya kumibo. Salamat naman. Hanggang nakatulog na siya.

Kinabukasan, papasok ako sa office nang magising ang asawa ko.

"Nakahanda na lahat. Mamaya na ako mag-aayos pag-uwi." Sabi ko. "Sinundo na ang dalawang bata. Doon na sila didiretso kila mama."

"Umuwi ka ng maaga ah. Puntahan mo ako sa shop."

"Huwag na. Para maayos ko na ang lahat."

"Dumaan ka dun. Kunwari ka pa. Maraming nakatambay na gwapo doon."

Napaharap ako sa kaniya. Napansin ko na nakangiti siya kaya nawala ang galit ko pero nagsalita ako. "Ewan ko sa'yo."

"Joke lang. Apektado ka masyado."

"Mula ngayon, wala na akong papansin ni isa sa suki mo doon."

Lumabas ako. "Hahatid kita."

"Huwag na late na ako."

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon