// 6. Deal

3.2K 26 5
                                    

Naalala kong malapit na ang birthday ko. Lagi akong dinedate ni Richard kapag birthday ko kaya medyo excited ako. Tatapusin ko muna ang okasyon bago ako makipag-usap kay Vernon para makabwelo ako. Baka aksidente kasing malagay kami sa sitwasyon ng tukso mahirap na. Pero ngayong pitong araw na lang ay birthday ko na, hindi ko kaya ipa-alala kay Richard para masurprise ako if ever may surprise siya.

Tinawagan ako ni Vernon.

"Kamusta na? Kailan ka ba magpapasa ng picture sa'kin?" Tanong niya. Napag usapan kasi namin ang plano. Picture na lang ang ipapadala ko at siya na ang bahala. Pinaliwanag niya sa'kin ang gusto niya gaya ng mga picture ko sa Facebook. Kunwari'y pumayag na ako para sa konting kita at makatulong sa kaniya na gustong makatulong sa kaibigan.

"Huwag muna ngayon. Saka na. Marami pa namang oras."

"Bakit? Para picture lang. Atleast isa lang para makita ang rections ng mga tao o netizens. Tandaan mo, bihira ang katulad mo."

"Hindi naman yata sila nagmamadali. Huwag kang mag-alala, one of these days, tatawagan kita."

"Ang tagal ah. Oo nga pala, advance happy birthday."

Napangiti ako. "Thanks. Natatandaan mo pa."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Madali lang naman tandaan. May pinagsamahan tayo alam mo 'yan. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na ang birthday ko?"

"Next month." Nakangiti ako habang nagsasalita. "Osya, pauwi na ako. Ayokong may kausap ako ngayong lalabas ako ng office."

Gusto ko pa sana siyang kausap pero kailangan ko nang umuwi. Ayoko naman na kausap ko siya habang nag-aabang ako ng taxi.

"Oo na."

Umuwi ako at nagpunta ako sa shop ni Richard. "Hon, nakauwi ka na pala." Napansin ko na wala siyang kasama. Nagsisi pa tuloy ako. Ayoko lang naman kasing malaman niyang late ako uuwi.

Tumingin ako sa paligid. Pwede kaya 'tong venue kung kukuha ako ng photo sa sarili ko. Sikat naman ang vape dito sa Pinas. Ang kaso hindi naman vape ang imomodel ko kundi damit. Maybe, advantage din sa negosyo ng asawa ko.

"Bakit?" Napansin pala ng asawa ko ang ginagawa ko.

"Ah wala naman." Umupo ako sa tabi niya hanggang magsara na siya. Hindi niya pinapaalala sa'kin ang birthday ko.

Baka nga may surprise ako. Dumating ang araw ng birthday ko. Binati agad ako ni Richard nang magising kami.

"Birthday mo nga pala. Happy birthday, honey." Hinalikan niya ako sa lips habang nakahiga pa kami.

"Birthday ko nga pala? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Naalala ko kasi andito sa notification ko." Nakita kong hawak niya ang phone niya.

"So, kung walang magpapaalala, hindi mo maaalala?" Sumama bigla ang loob ko. Akala ko may plano siya sa'kin. Ngayon ko lang talaga hindi pinaalala na birthday ko.

"Hindi sa ganon, bakit ba?"

Napansin niya na nakasimangot ako. "Kasi hindi mo inaabangan ang birthday ko, 'yun ang sabihin mo."

"Hon, ano ba? Syempre inaabangan ko. Tara sa baba, ipagluluto kita."

Sweet sana pero biglang nasira ang araw ko. Bumaba kami at habang nagluluto siya ay napansin niya akong nakasimangot.

"Hon, ano ba? Bakit ba galit ka?"

"Hindi ako galit. Hayaan mo na. Lilipas din 'to." Naghikab pa ako pero nakatingin lang siya.

"Bakit ba kasi hindi ko lang naalala nagagalit ka na. Hon, hindi na tayo mga bata. Mas may kailangan lang tayong unahin na bagay. Huwag mo nang isipin 'yun."

"Ang akala ko naman kasi, alam mo kahapon pa o noong isang araw pa. So, paano nga kung walang nagpaalala sa'yo?"

Masama talaga ang loob ko. Madalas ko kasing pinapaalala sa kaniya kaya nakaready siya sa akin pero ngayon, wala siyang plano. Isang beses isang taon lang 'to. Maghihintay na naman ako next year. Samantalang ako laging may plano kapag birthday niya o ng mga anak namin. Gasino lang 'yun.

"Hindi na tayo teenager na nagcecelebrate ng ganiyan. Para 'yun lang nagalit ka na."

Inirapan ko siya at nagpunta ng banyo para maligo. Buti pa si Vernon hindi nalilimutan. Halata na hindi pinaghandaan ng asawa ko. Idededate niya ako nang biglaan. Walang place o gift na pinaghandaan kundi kung ano lang ang maisip ng araw na 'yun.

Isang seven at isang five years old ang mga anak namin. Mas nauuna silang pumasok dahil 8AM ang time nila. Susunduin sila ng school service at maya maya lang ay ako naman ang aalis. Mas nauuna ako kay Richard pero ngayon, sinabayan niya ako.

"Ihahatid na kita. Umuwi ka ng maaga mamaya." Inirapan ko siya pero masaya naman ako. Okay na nga 'yun kesa magkaaway kami. Nag-inarte lang ako. Kaso, para akong bata na natupad ang wish.

Gabi na ng makauwi kami ni Richard. Nag-enjoy naman ako sa hindi planadong date. Maigi na 'to kesa wala. Pero nakakainis parin. Parang ako lang ang may gusto.

__

Nakausap ko uli si Vernon habang breaktime sa office.

"May favor naman ako." Sabi ko.

"Ano naman 'yun?"

"Para hindi ko na eemail sa'yo 'yung pictures, ikaw na lang ang photographer ko."

"What? Paano ko gagawin 'yun?"

"Magkita tayo. Magprovide ka ng camera at place."

"Hindi pwede. Wala akong alam na place. Hindi naman pwedeng sa studio. O papayag ka bang maghahanap ako ng magandang lugar?"

"Take your time. Marami naman."

"Mas okay sana kung sexy. Sexy talaga ang hanap namin. Pumayag ka kaya dapat makisama ka."

Hay naku. Hindi parin siya nagbabago. "I know. Kaso hindi ako marunong. Wala pa akong HD cam. Kailangan ko ng photographer."

"Private ito, Val. Saka na kapag medyo nagustuhan ka ng mga tao. Wholesome na at kahit saan na."

"Bakit ba pinoproblema mo pa. Pwede naman tayong maghotel."

"Magbabayad pa. Lugi tayo doon."

"Makatulong sa'yo ang hanap ko at makatulong sa kaibigan mo ang hanap mo. Hindi ko hanap ang kikitain. Hati tayo sa gastos."

Huminga siya ng malalim. Napakahina niya kapag hindi siya pumayag. I need you Vernon. Kahit isang oras lang. Namimiss ko na ang araw na tayo pa.

"Okay, deal."

Ngumiti ako.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon