// 2. My Ex

6.9K 47 5
                                    

"Mmmmm." Pabulong ko kay Richard dahil nasa ibabaw ko siya. Nagsesex kami at the moment. Madalas kong gawin na idikit ang bibig ko sa tainga niya para lalo niyang marinig. Masaya kasi akong nasisiyahan siya sa akin.

After namin ay humiga muna ako habang siya naman ay nagsuot ng shorts at dumiretso sa banyo. Madalas na magmuni-muni muna ako bago magsuot ng panty. I don't know pero masyado akong passionate sa sex. Kaya maybe totoo ang mga napapansin ng asawa ko sa'kin na mabait ako sa mga gwapo. Hindi naman 'yun kusang lalabas lang sa bibig niya at nailabas niya dahil nakainom siya hanggang maging open na siya sa usapin na 'yun na kinaiinis ko. Dipensa ko lang siguro na sa lahat ako mabait kaya need ko talagang panindigan.

__

Dumaan ako sa shop ni Richard pagkagaling ko sa office. Napansin ko na may mga tambay sa labas na nakavape. Mga tropa na niya't regular costumer na din. Nginitian nila ako. Nginitian ko sila pabalik at pumasok sa loob. Medyo proud ako kasi tropa niya ang mga mayayaman na de-motor na 'yun at mga gwapo pa. Minsan may kasama pa silang mga babae.

"Hon, akala ko hindi ka dadaan?" Tanong agad ni Richard. Lagi niya kasi akong gustong dumaan doon at lagi akong tumatanggi mula nang ma-open up niya na mababait ako sa mga gwapo. But now dumaan ako. Nagdala ako ng pagkain at plano na doon magmeryenda.

Kausap niya ang isang costumer na bumibili. Hindi ko ito tinapunan ng tingin na madalas kong ginagawa before. Mahirap na mapansin pa niya. I know pogi 'yung costumer niya dahil sa pananalita pa lang at tindig. But I don't mind it now.

"Nagdala ako ng pagkain. Sabay na tayong umuwi." Madalas namin itong gawin before 'yung bago pa ang shop niya. 7PM siya nagsasara kahit hindi naman kailangan dahil marami pang bumibili sa oras ng gabi. Pero katwiran niya, pamilya na ang aasikasuhin niya sa gabi. Okay naman ang shop niya at kumikita. Kesa kumuha siya ng tagabantay, maaga na lang siya nagsasara.

May ibang business pa ang pamilya niya pero ito ang gusto niya. Na may sariling business.

Umupo ako sa sa upuan tapat nila. Sinadya kong tignan ang kausap niya nang daanan ko siya ng tingin habang nakatalikod si Richard sa'kin. Gwapo nga at may naalala ako sa kaniya. Ang ex boyfriend ko. May similarity sila. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko nang maalala ko si Vernon. Kamusta na kaya siya? Friend ko siya sa Facebook pero bukod sa hindi ako active, hindi ko siya nakikita doon o hindi din siya active. Naalala ko pa na noong nagkaroon ako ng Facebook ay inadd ko agad siya. Mga lumang post ang naaalala ko sa kaniya.

Kinuha ko agad ang phone ko at nagbukas ng Facebook pero umalis na ang lalake at tumabi na sa akin si Richard kaya hindi ko tinuloy na iistalk si Vernon. Kunwari'y may gusto akong tignan. Naglike na lang ako ng iilang post ng mga friend ko.

"Picture nga tayo, Hon." Request niya. "Ipost mo. Sabihin mo ATM."

Napatingin ako sa taas. "Hay naku." Pinagbigyan ko na. Medyo bagets din siya minsan mag-isip. Kausap niya kasi lagi sa Facebook ang mga teenager at costumer niyang tropa lagi. Kaya siguro nahahawa siya o hindi magmature. Kakaiba siya sa mga kilala kong dating classmate o kamag-anak. Ang maganda lang sa kaniya ay hindi siya suplado basta walang malisya ang usapan. Wala akong maibatong pagseselos sa kaniya kahit kausap niya ang mga babae dahil pormal na pormal ang usapan lalo kapag biruan. Hindi na niya kailangang ilihim o sabihin sa akin at dumipensa.

Naipost ko agad ang picture namin at surely usap usapan na naman sila sa comment. Madalas din naman siyang magcomment sa iba.

Umuwi kami na magkasabay. Pagpasok niya sa banyo ay agad kong hinanap si Vernon.

Oh my.. picture nila ng anak niyang lalake ang nakita ko. Latest post niya kahapon lang. Bakit hindi nag-aappear sa home ko? Kahit medyo tumaba siya ay gwapo parin. Siguro nasa eight years old na ang panganay niya. Nilike ko agad. Hindi naman siguro ako mapagkakamalan na nag-stalk lang dahil bago naman 'yun. Pero hayop siya, binuntis niya agad 'yung ex niya matapos namin maghiwalay. Hindi naman siya babaero pero bakit ex niya ang pinatulan niya? Kung tutuusin, ex na 'yun. Bakit ba kami naghiwalay? Dahil na din sa akin. Pinalaki ko ang away namin na pwede naman isolve. I know mahal pa siya ng ex niya kaya nung nalaman siguro na hiwalay na kami ay nagpabuntis na.

Naaalala ko noon na gusto niyang sa loob na iputok pag nagsesex kami 9 years ago pero gusto ko pa din na magcondom siya o tumingin sa kalendaryo para hindi ako mabuntis. Bata pa ako noon. Nineteen kaya ayaw ko pa. Gusto kong makagraduate muna. Isa pa, kaya kami naghiwalay ay ready na ako sa next relationship ko na pumalpak. Kaya nung may asawa na si Vernon ay hindi ako nakipagbalikan.

Akala ko parepareho ang mga lalake pagdating sa kama. Nagsisi tuloy ako. Mabuti na lang kahit papaano ay okay itong si Richard. Passionate din pero hindi katulad ni Vernon na mas madalas magyaya. Isa din 'yun sa inayawan ko sa kaniya at gusto ko naman kay Richard. Maybe pareho kami ng kapalaran ng ex niya kaya agad siyang binalikan nito.

Ano nga ba ang kahulugan ng ex? Ngayon ko naisip na hindi porke ex ay hindi mo na babalikan.

__

Tinanong ko ang isa sa ka-officemate ko habang kumakain kami.

"Ex para sa'kin?" Balik niya.

"Oo, ano ang ex sa'yo?" Ulit ko at sumubo ng kanin.

"Ex? Kaya ex kasi hindi kayo meant to be or may ayaw kayo sa isa't isa."

"Gaya ng ano?"

"Ugali."

Napangiti ako. Medyo conservative 'tong kausap ko. Kakainis kausap.

"So, paano kung makipagbalikan sa'yo ex mo at wala ka naman asawa, babalikan mo ba kung mangangako na magbabago?"

"Ewan, bata pa ako noong nagkaro'n ako ng ex. Iba na ang taste ko kapag nawalan ako ng asawa." Pero napansin ko napaisip siya. "Siguro ganun din siya. Ewan. Hindi naman mangyayari kaya huwag na natin pag-usapan." Ngumiti uli ako.

"Ako kasi, para sa akin ang ex ay dipende kung babalikan mo. May ex kasi na na-fall-out ka pero may ex na mas higit pa sa iba na bagong kakilala mo."

Napatingin siya sa akin. "Bakit mo ba tinatanong?"

Tumawa ako. Ayoko sabihin ang totoo.

Unfaithful Wife: My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon