--alyana's poV--
kung iniisip nyo na hindi ko alam ang mga nangyayari, nagkakamali kayo.. alam na alam ko' walang nawala sa lahat ng memorya ko.. ang tanging totoo lang ay ang hindi ko maigalaw ang buong katawan ko..
kahit pilitin kong ibuka ang bibig ko hindi ko magawa dahil kahit dulo ng daliri ko hindi ko maramdaman.. pakiramdam ko dinaig ko pa ang nastroke.. sa mga araw na nakikita ko si enrico na nahihirapan, nahihirapan din ako.. hindi dahil napatawad ko na sya.. kundi dahil naaawa na ako sa sarili ko.. walang wala na akong magagawa ung habang buhay na akong ganito..
pero hindi parin dahilan ang mga ito sa kagustuhan kong gumaling.. nagtitira pa din ako ng pag asa.. galit ako.. galit na galit ako sa sarili ko dahil pinabayaan kong mamatay ang anak ko.. hindi ko manlang inalala na makakasama sakin ang mag alala at malungkot ng ganun.. sana pinairal ko muna ang utak ko hindi ang puso ko.. maliban don, galit din ako sa mga taong gumawa sakin nito. dahil kung hindi dahil sa nakita ko hindi sana ako magkakaganito..
-- third person's poV--
kasalukuyang nagtutulong ang nurse at si bea sa pagpapalit ng pantulog ni aly..
hmm.. besty' matulog kana ng mahimbing ahh.. para gumaling ka agad..
lumipas ang araw , linggo at bwan.. pero ganun parin si aly.. hindi gumagalaw at tanging emosyon lang na minsan lang lumabas sa mata nya ang naipapakita nya..
-- isang bwan na rin ang nakalipas' pinipilit pa din ni aly na maigalaw ang kahit isang daliri nya... araw araw sa bwan na yun sinisikap nyang gumaling..
isang umaga' makalipas ng isang bwan at isang linggo'
-- alyana's poV--
may iba akong pakiramdam' kinakabahan ako na di ko mawari. nanginginig ako pero kahit anung gawin ko di ko maigalaw ang sarili ko..
pinilit ko.. pinilit kong igalaw ang isang daliri ko.. at di ako nabigo.. gumalaw yun ng bahagya.. pero ang kapalit non ay ang pag agos ng pawis ko..
nagkaron ako ng pag asa.. na isang araw babalik din ako sa dati..
--- enrico's poV--
nasa bar ako ngayon' hindi ko na alam ang nararamdaman ko.. nitong mga nakalipas na linggo.. ibang iba ang pinapakita ni trix sakin at kay aly.. nagtataka ako ung bakit ang bait bait nya at hindi na sya nagsasalita ng katulad dati. malamlam, maasikaso, mahinhin.. hindi ko alam ung anung problema nya, pero sa twing makikita ko sya, nakikita ko si aly sakanya..
iniling-iling ko nalang ang ulo ko baka sakaling maalis sya sa utak ko..
iniinom ko ng lahat para makalimot sa mga bagay na inaalala ko.. isang bwan na si aly na gnun.. at aaminin kong di ko na sya maramdaman.. dahil kahit nandyan sya di ko naman sya makausap. mas nahihirapan ako.. dahil alam kong may kasalanan ako sakanya.. mas gugustuhin ko pang bulyawan at palayasin nya ako kesa ganito..
-- third person's poV--
umuwi si enrico na halos hindi na makalakad ng maayos.. hinatid sya ng isa sa mga waiter sa bar..
anung nangyari ? tanung ni bea sa wAiter na naghatid kay enrico..
ma'am kayo po ba ang asawa nya..? lasing na lasing po kasi sya ..
gnun ba ? sige ako ng bahala sakanya .. salamat . inakay ni bea si enrico hanggang makarating sa sala.. pinaupo muna nya ito.. at saka kumuha ng tubig at bimpo..
BINABASA MO ANG
On My Bestfriend's Bed
Romancesi alyana ay isang mabait at simpleng babae na ang hanggad lng ay mging masaya sa buhay.. pero paano kung agawin ang lahat sknya ng kanya mismong itinuturing na matalik na kaibigan, maging maayos pa kaya ang lahat.. at maibabalik pa ba ang pagkakai...