DH (37)

2.7K 159 82
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~

Line69 sent you a message

Line69
Kung may gagong nagmessage sayo na pangalan ay LINE10

Line69
Please lang wag mong paniwalaan ang mga sinasabi niya

Line69
Mas gago yun kesa sakin pramis

Wonwon
Pareho lang kayong gago tangina

Inis na ibinagsak ni Wonwoo ang kaniyang cellphone sa mesa. Dahil dito naagaw niya ang pansin nina Jihoon.

"May problema ba hyung?" Tanong ni Jihoon sa kaniya.

"Nadagdagan ang bwisit sa buhay ko" sagot ni Wonwoo.

Napakunot ng noo si Jihoon.

"Zee, say ahhh~"

Napalingon si Jihoon kay Soonyoung saka sinamaan ng tingin.

"Kaya kong kumain gago" saad ni Jihoon saka niya ibinuka ang kaniyang bibig.

Natatawang isinubo ni Soonyoung ang cake kay Jihoon.

Napairap nalang si Wonwoo dahil sa kalandian nilang dalawa.

"Aalis na ako" saad ni Wonwoo at tumayo.

He left them alone at naglibot na.

Tahimik na naglalakad si Wonwoo sa hallway ng bigla itong nabulabog dahil sa sigaw--mali mga sigaw.

"Wonwoo hyung!"

"Jeon!"

Nilingon ni Wonwoo ang dalawang taong sumigaw ng pangalan niya.

Sina jun at Mingyu.

Nakakunot noong tinignan ni Wonwoo ang dalawa.

"Wonwoo hyung para sayo!"

"Jeon para sayo!"

Sabay na saad ng dalawa at inilahad kay wonwoo ang dalawang tsokolate. Isang Toblerone at isang mingyu--este Cadbury.

Mas lalong nangunot ang noo ni Wonwoo sa kanilang dalawa. Wonwoo's gaze dropped at the chocolates in Mingyu and Jun's hand.

Muling ibinalik ni Wonwoo ang kaniyang tingin sa kanilang dalawa.

"Anong trip niyo?"

"Hehehe wala wonwoo hyung, para sayo talaga to" sagot ni Mingyu.

Jun looked at Mingyu pero saglit lang ito. Tinignan naman ni Wonwoo si Jun.

"Ikaw ba't nandito ka? Sa pagkaka-alam ko start na ng klase niyo" saad ni Wonwoo saka tinignan ang kaniyang relo.

Jun's eyes widened.

"Shet"

Napailing nalang si Wonwoo saka niya kinuha ang mga violation slip sa kaniyang bulsa.

"Dahil sa kaingayan ninyong dalawa makakatanggap kayo ng 30 minutes detention, after class. Kaya sa susunod wag kayong maingay mga tae" saad ni Wonwoo habang nagsusulat sa violation slip.

Parehong nanlaki ang mga mata nina Mingyu at Jun.

Ibinigay ni Wonwoo ang violation slip sa kanilang dalawa.

"Wag kayong magtangkang tumakas kasi nakabantay ako sa inyong dalawa" saad ni wonwoo.

Hindi nakaimik ang dalawang lalake. Wonwoo turned around, bago pa ito makalayo ng tuluyan ay muli siyang lumingon sa kanilang dalawa.

"Sya nga pala. Ayoko sa tsokolate" saad ni Wonwoo bago tuluyang iniwan ang dalawang lalake na nabato sa kanilang kinatatayuan.

Napailing nalang si Wonwoo ng kaniyang ulo-sa itaas.


'Ano bang pumasok sa utak nila?tss'

~•~~•~~•~~•~~•~~•~

Dirty Habit ¤ Meanie ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon