~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Wonwoo's*Kinabukasan ay maaga pa akong pumasok dahil sa isang okasyon.
Okasyon na kailan may hindi ko nagustuhan sa tanang buhay ko bilang mag-aaral.
Well this year's an exception.
"Pres yung chain booth naka set na" pangi-inform ni Hyunjin.
Tinanguan ko siya't ininspeksyon pa ang gawain ko sa araw na ito. I sighed when I saw the list.
•Valentine's 20**
-Chain booth✔
-Marriage booth✔
-Friendzoned booth
-Food is life booth
-K zone
-Sawi booth
-Walang forever booth
-It's complicated booth
-Ligawan station
Napabuntong hininga muli ako nung marealize na hindi pa kami nakaka-kalahati ng mga booth. Half a day namin tatapusin ang lahat ng booth. Mamayang hapon ang pagbubukas ng mga ito.
Buti nalang at may nga clubs na tumulong and a few volunteer students as well.
Hawak-hawak ang clipboard, inispeksyon ko ang friendzoned booth. Na si Hee Kauhyun ang naka-assign.
"Pres" bati niya.
"All set naba ang booth nato? Siguraduhin niyong walang failure sa mga gamit na inilagay ninyo" sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga gamit nila.
"Yes pres. All set na and safe po siya"
Tinanguan ko siya. Nagtanong pa ako ng ilang beses para siguraduhing walang papalpak sa booth nila mamaya. Minsanan lang ang araw na ito kung dumating kaya dapat lahat perkpekto.
Hindi gaya ng relasyon ng iba diyan.
Sabagay, walang perpektong relasyon.
:-)
Sunod kong ininspeksyon ang Food is life booth, kung saan ang mga HRM students ang naka-assign. Naabutan ko silang nagluluto kaya nakitikim narin ako.
Eto ang gusto ko sa trabaho ko. Nakakatikim ng masasarap na pagkain.
Pero mas masarap pa rin yung ramen ni Mingyu.
:-)
Bawat bisita ko sa kada booth, ay nilalagyan ko ng tsek kung ito'y handa na para sa opening mamaya.
I pushed back my specs and went to the next booth. Honestly, I'm pretty exhausted. Kanina pa akong 6 am nandito. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pangungulit ni Mingyu. Mga 1 am na ata ako nakatulog ng dahil sa kaniya. Kaya nga ang sarap sapakin. Tsk!
BINABASA MO ANG
Dirty Habit ¤ Meanie ✓
Historia CortaLine69 sent you a message Line69: hey babe "okay wtf?" Line69: What does the ice cream says to its eater Line69: Lick me till Ice cream ;))) "putangina" ~~~~~~~~~~~~ [Habit series #2] Highest Rank: #2 in SS? HIGHEST RANK: #1 IN SS! (121617) Mingyu•W...