DH (88)

2.5K 134 179
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Wonwoo's*

Buong maghapon wala akong ginawa kundi tumambay lang sa dalampasigan para makapag-isip.

Naguguluhan ako.

Nasasaktan ako.

Napahilamos nalang ako saking mukha, hindi alintana ang sugat ko.

Mula saking pwesto natatanaw ko ang mga kaklase kong nagkakasiyahan. After he left me earlier, hindi ko na siya nakita pa.

Alam kong sumobra ako. Alam kong nasaktan ko siya.

Pero hindi lang naman kasi siya ang nasaktan. Nasabi ko lang naman yun kasi nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil pinili niyang paniwalaan si Harin. Kung baga, mas matimbang pa sa kaniyang tiwala si Harin kesa sakin.

Ba't ganun nalang sa kaniya kadali para paniwalaan si Harin?

d-_-b

Napabuntong hininga ako saka kumuha ng maliit na bato at itinapon ito sa tubig.

"Aray!"

Nagitla ako nung makarinig ng sigaw. Ilang beses na napakurap ang aking mga mata.

Maya-maya lang ay may umahon mula sa tubig.

Tangina.

"Sinong bumato nun?!" Inis na wika nito.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Alam kong hindi siya isa sa mga students na kabilang sa party. Baka turista.

Tangina wonwoo.

Napabuntong hininga ako bago tumayo. Saka tinalikuran para tumakas.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nung bigla niya akong tinawag.

"Hoi!"

I stopped from my tracks at nilingon siya.

Naka beach shorts siya't walang suot na pang-ibabaw. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano ka-built in ang kaniyang katawan.

Magkasalubong ang mga kilay niya habang lumalapit sa pwesto ko.

"Ikaw ba nagtapon nun?!" Singhal niya.

"Oo pasensya na akala ko kasi walang tao" sagot ko saka akmang tatalikuran siya muli.

Pero napatigil ako nung bigla niyang hawakan ang kamay kong may sugat dahilan para mapamura ako at ilayo sa kaniya ang kamay ko.

"Hala sorry" pagpapaumanhin niya.

"Wag mo'kong hawakan" banta ko sa kaniya.

Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo, hanghang siya ang bumawi sa huli.

Ba't ang galing ko sa staring game? Takte.

"Tss. Masakit yung ulo ko. Tinamaan ako" angal nito at hinimas ang kaniyang balikat.

Napakunot ang noo ko.

Dirty Habit ¤ Meanie ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon