DH (73)

2.6K 129 136
                                    

~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Wonwoo's*

"It's me, gyuwie~"

Napabaling ang tingin ko sa ibang direksyon.

"H-harin!" Gulat na wika ni Mingyu.

"Hehehe nakita kasi kita dito oppa, kaya naisipan kong gulatin kita. Akala ko ikaw lang mag-isa eh. Hehehe" rinig kong sabi niya.

"Kasama mo pala si Pres"

Napalingon ako sa kanilang dalawa. Mingyu looked troubled dahil sa presensya ni Harin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gyuwie~ ba't nga ba tayo naghiwalay? May nagawa-

"Harin just stop. Hindi na nakakatuwa tong ginagawa mo okay?"

Oh...

Kelangan ko ng umexit. Wala naman akong role pa dito. d-_-b

Unti-unti ko silang nilagpasan. Dumaan ako sa gawi ni Mingyu, kaya bago pa man ako tuluyang maka-alis ay nahawakan na nito ang braso ko.

Wala sa oras akong napalingon sa kaniya.

"Sino ba kasi ang dahilan ng paghihiwalay natin gyuwie? Ha?! Sino?! Hindi mo ba naiintindihang perpekto tayo sa isat-isa?"

Oh.

Beh nobody's perfect beh.

Aral muna bago landi beh.

Hehe.

"Wag mo na akong kulitin" huling habilin ni Mingyu sakaniya saka niya ako hinila papalayo sa lugar na iyon.

Eto na naman tayo sa mga hila niya.

Ba't ba ang hilig niyang manghila? Tsk!

"Gyu teka kalma, san ba tayo pupunta? May klase pa tayo" wika ko sabay tigil, kaya napatigil rin siya.

His face is blank. Wala akong may makikitang reaction mula rito.

"Gyu anong problema ba't ka nagkakag-

"Nakakainis na kasi siya hyung eh! Alin ba sa salitang 'hindi-na-kita-mahal' ang hindi niya maintindihan?!"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw. Oh. Galit na siya niyan?

"Aba malay ko. Di naman ako siya" sagot ko saka ipinagkrus ang aking mga braso.

He sighed.

"Sorry hyung"

Tas ngayon magso-sorry siya? Ako lang ba o minsan may saltik rin sa utak tong si Mingyu.

Ba't siya magsosorry kung wala naman siyang kasalanan sakin diba?

"Ba't ka naman magso-sorry?"

"Kasi alam kong nagseselos ka"

O_o???

Dirty Habit ¤ Meanie ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon