~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*3rd Person's*Kasalukuyang nasa canteen ang magkakaibigan. As usual nasa kanilang spot, sina Seungkwan at Seokmin na walang sawang nagbabangayan.
At ang SoonHoon na nagkakailangan, dahil sa hindi malamang dahilan.
Wonwoo stared at the two, raising his brow, halatang gustong magtanong kung bakit ganun ang inaasta nung dalawa.
Napadaan ang tingin ni Jihoon sa kaniya. Napakurap siya ng kaniyang mga mata.
"A-anong tinitingin tingin mo diyan?" Supladong tanong nung bubwit.
Hindi siya sinagot ni Wonwoo at patuloy lang siya nitong tinitigan.
Biglang nakaramdam ng pagkailang si Jihoon kaya umismid ito saka itinuon ang pansin sa kaniyang cellphone.
Sunod namang tumingin si Wonwoo kay Soonyoung, na patay malisyang tumitingin-tingin sa mga estudyante.
Nung maramdaman ni Soonyoung ang mga titig ni Wonwoo ay agad na napabaling ang atensyon niya sa kaniya.
Kumunot ang noo nung dancer.
"B-bat ka ganyan makatitig?" Tanong nito nung makitang parang nanlilisik ang mga mata ng presidente.
"Sabihin niyo nga sakin"
Pare-parehong napalingon ang magkakaibigan kay Wonwoo nung magsimula itong magsalita.
"Kayong dalawa, anong problema niyo't ganyan nalang kayo kung magkailangan? Ha?" Tanong ni Wonwoo sa dalawa.
Both Jihoon and Soonyoung were taken aback. Nagkatinginan sila saglit, at agad na binaling ang sarili sa ibang direksyon.
d-_-b <-- Wonwoo
"Hoi Soonyoung hyung! Anong ginawa mo kay Jihoon ha?!" Tanong naman ni Seokmin.
"O-oi wala akong ginawa sa kaniya ha! S-siya nga tong may ginawa sakin eh!" Defend naman nung singkit.
Binaling ni Wonwoo ang atensyon niya sa pinakamaliit sa magkakaibigan.
"Jihoon?" Pagtawag ni Wonwoo sa kaniya.
"Wala talaga hyung... psh. Mauna na ako may project pa akong gagawin" sagot ni Jihoon sabay tayo at umalis na.
Napakurap ng ilang beses si Soonyoung habang tinitignan ang pigura ni Jihoon na papalayo sa kanila.
Pinasadahan ng tingin ni Wonwoo ang naiwang tatlo. Di nagtagal ay nag-stay ito kay Seokmin.
Napakunot ang noo niya nung makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Hindi lang basta-bastang pag-aalala.
'Hmmm... may naaamoy akong mabahong tibok ng puso ng isang kabayo' wika nito sa kaniyang isipan.
"Naman soonyoung hyung! Ano ba kasing ginawa mo dun? Ayun tuloy nag-emo!" Inis na sabi ni Seungkwan sabay palo pa ng braso ni Soonyoung.
BINABASA MO ANG
Dirty Habit ¤ Meanie ✓
ContoLine69 sent you a message Line69: hey babe "okay wtf?" Line69: What does the ice cream says to its eater Line69: Lick me till Ice cream ;))) "putangina" ~~~~~~~~~~~~ [Habit series #2] Highest Rank: #2 in SS? HIGHEST RANK: #1 IN SS! (121617) Mingyu•W...