DH (79)

3K 146 177
                                    

~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Wonwoo's*

"WOOOOOOOHHH POTA"

"Sa wakas tapos na ang tatlong araw ng kamatayan"

"Bro ano gala tayo maya?"

Pagkalabas na pagkalabas ng propesora ay ganyan ang reaction ng karamihan sa mga tao sa loob ng silid.

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kung tapos na ang exam?

Hinilot ko yung sintindo ko, ilang araw rin akong mukmok sa kwarto. Kada gabi ay pahirapan sa pagrereview dahil kay Mingyu.

Hindi dahil iniisip ko siya or ano.

Pero dahil walang humpay ang pangungulit niya. Kesyo nasa isipan na naman daw niya ako kaya di siya makapag-review, kesyo napuno na raw ng 'WONWOO' ang kaniyang isipan kaya wala ng space para sa infos.

Tss.

Kasalanan ko bang patay na patay siya sa kagwapuhan ko?

d-_-b

"Hyunggg huhuhu at last tapos narin ang exam!"

Saglit akong nagulat sa biglaang pagsulpot ni Mingyu sa kanina'y bakanteng upuan sa gilid ko.

Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko. Bigla naman niyang kinuha yung eraser ko.

Ano na namang naalala ng mokong nato?

"Hyung naaalala mo ba yung panahong nag-hidden message ako sayo gamit ang eraser mo?" Tanong niya habang nakatingin sa eraser.

Tss.

Sino bang hindi makakalimot sa sandaling yun? Dun ako MEDYO nasaktan eh.

Lol.

"Antanga ko nung nga oras na yun hyung eh, hehehe. Kung sana hindi ako nagpakabobo nung nga panahong yun edi sana hindi habol ng habol si harin ngayon" pagda-drama niya.

Napahinto ako sa paglalagay ng mga mechanical pen sa pencil box ko at napatingin sa kaniya.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Kung hindi nangyare yun, edi sana hindi ko mare-realize na gusto kita" saad ko.

Natigilan siya at napakurap-kurap.

"Hyung naman eh!! Pinapakilig mo akoo"

"Tss kilig ka naman"

"Aba malamang! Sinong hindi kikiligin sa  mga hirit ng isang JEON WONWOO with matching fox eyes! Huhuhu"

Bading.

Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Pero hyung seryoso, kung hindi ko sinagot si Harin nung time nayun hindi niya siguro ako hinahabol ngayon" seryosong wika nito.

Dirty Habit ¤ Meanie ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon