DH (97)

2.5K 146 168
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Wonwoo's*

Nagising akong parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Tangina.

Ang sakit ng ulo ko.

Napadaing ako at hinimas ito. I rubbed my head, trying to ease down the pain.

Pero ayaw talaga.

Napabuntong hininga ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Naligo naman ako kagabi pagkadating na pagkadating ko dito.

*tok tok tok*

Napunta ang atensyon ko sa pinatuan. Unti-unti itong bumukas at nakita ko si Mama.

"Male-late kana sa school" sabi nito.

I nodded.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang pumunta sa eskwelahan. Tsk! Baka sa isang iglap bumulagta nalang ako sa sahig.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni mama na puno ng pag-aalala.

I nodded once again.

Mas lalong sumasakit yung ulo ko kapag nagsasalita ako. Mas lalo pa kung gagalawin ko ito.

Napaubo ako kasabay ng pagsinghot. Damn.

Nang marinig ito ni mama, agaran niya akong pinuntahan at hinawakan ang aking noo.

"You're burning!" She exclaimed.

Inalis ko yung kamay ni mama na nasa noo ko.

"You won't be attending your class today. Have some rest wonwoo--

"I'm fine. Aattend ako ng klase" pamumutol ko sa kaniya.

"No! Hindi ka pwedeng pumasok sa eskwela na ganyan ang lagay mo. Mas lalong lalala ang sakit mo wonwoo" pagtututol niya.

Napabuntong hininga ako.

"Kaya ko naman ma. Magbabaon lang ako ng gamot. At kapag hindi na talaga kaya ng katawan ko pupunta nalang ako sa clinic o sa opisina para magpahinga" sabi ko sa kaniya.

She's still not convinced. Wala naman akong magawa dun. Pero sa huli alam kong ako parin ang masusunod.

d-_-b

"Fine" she said in defeat.

I smiled in my head. Tinapik ko ang balikat ni mama, ipinapahiwatig na okay lang ako.

She rolled her eyes.

"Ang ganda mo ma" panunuyo ko sa kaniya.

"Magtigil ka nga jeon wonwoo" sagot nito.

Napatawa nalang ako ng mahina. I'm glad she's still with us. And I'm really glad that, the bastard left us instead of her.

Dirty Habit ¤ Meanie ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon