Adrianna
Kagagaling lang nang doctor na tumingin sa akin nang bumukas muli ang pinto at pumasok si mom na namumugto din ang mga mata kagaya ko.
"Addie,anak..I'm so sorry kung ngayon lang kami nakarating nang daddy mo..." Sabay yakap ni mom.
"Mom,I'm fine.I'm sorry kung hindi na naman matutuloy ang kasal namin ni Gray,naalala ko na lahat mom--
"Anak,alam kung mali ang ginawa ni Gray,pero nagawa lamang niya iyon dahil mahal ka niya.Sana mapatawad mu si Gray,gustuhin ko man na magkatuluyan kayong dalawa.Marahil talagang hindi kayo para sa isa't isa." Malungkot na saad ni mom sa akin.
"Iha,balikan mu ang asawa mo,kailangan ka niya.Nakikita ko kung gaano ka niya kamahal,ang mga bata ay siguradong namimiss ka na.Lalo pa at sinabi nang doctor na buntis ka ulit.Masaya kami nang mommy mu para sa iyo." Seryosong sabi ni dad at tumango naman ako sa sinabi niya.
Pumasok ang isang attendant at sinabing okay na ang release papers ko.Pwede na akong magpahinga na lang sa bahay.
"Iha,gusto mu bang sa bahay na magpahinga o sa bahay ninyong mag asawa?" Tanong ni mom sa akin.
Sinabi kong sa bahay nalang namin ni Brent baka anduon pa ito kasama ang mga bata,hinatid ako nila mom ngunit si jelai lang ang tanging naroon.
Ang sabi ni jelai ay kakaalis lang nila,kahit pagod ay pinilit kong makahabol sa airport.Gamit ang sasakyang regalo sa akin nang asawa ko,nakarating ako nang sarili nilang àirline company ngunit nakalabas na nang bansa ang mag ama ko.
Hindi kasi ito makontak lalo na pag nasa biyahe ito dahil nakagawian niyang i off ang kaniyang phone.Naabutan ko pang papalabas ang sasakyang minamaneho ni alfred,laking gulat niya nang makita ako.
"Ma'am magaling na ba kayo?Kakaalis lang po nina sir Brent at nang kambal.Umiiyak pa nga po ang dalawang bata,hinahanap kayo ma'am.." Kuwento pa sa akin ni Alfred.
Sinubukan kong tawagan ang phone niya ngunit hindi pa rin makontak.Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nang pampasaherong eroplano,mabuti naman at inasikaso ako nang maayos nang mga staff.Marahil ay alam nilang asawa ako nang anak nang may ari nitong airline company.
Dahil matagal ang biyahe,nakatulog ako nang medyo maayos.Nakapagpahinga ang bugbog kong utak,at nakapag isip nang maaaring gawin pagdating ko nang resort.Pagtake off nang eroplano nagulat ako nang may mga body guard na sumundo sa akin.Iginiya nila ako papasok sa isang limousine na naghihintay sa akin.Maang akong napatingin sa loob nang makita si papa Lorenzo.
"Iha,welcome back!..Mabuti at nakabalik ka kaagad,kamusta na ang pakiramdam mu?.Okay lang ba ang biyahe?Ang iyong mama ay nasa bahay na at inaasikaso ang mga apo ko.By the way,hindi pa alam nang asawa mong andito ka na.Gusto kong masurpresa siya sa iyong pagdating."sunud sunod na litanya ni Papa pagkatapos akong yakapin.
"Pa,i'm so sorry,hindi ko sinasadyang masaktan ang asawa ko.Mahal na mahal ko po si Brent." Malumanay kong sabi kay papa.Marahil nasabi nang mga staff na nasa biyahe ako papuntang florida kaya nalaman ni papa.
"Iha,i know.Kaya nga nang malaman kong ipapa annulled nang lalaking iyon ang kasal niyo ay gumawa na ako nang paraan.Kahit ikasal ka doon ay magiging huwad pa rin ito." Maang akong napatingin kay papa.
"I just pulled some strings iha,hinding hindi ako ma aayawan nang mga kaibigan ko lalo't involved si Brent dito."
Pinakain muna ako ni papa bago kami tumulak nang resort,sa sobrang pagkakataranta ko ay hindi na ako nakakain ang maayos.Dahil natulog lang ako buong biyahe kanina.
Akala ko ay tutuloy kami ni papa sa hotel,ngunit dumiretso kami sa resort pero sa bandang gilid nang resort kami tumigil.Naaalala ko Dito ay may ginagawang bahay dati na hindi ko naman alam kung kanino.Ito pala at tapos na,masyado naman yatang mabilis natapos.
BINABASA MO ANG
Come Back To Me (Completed)☑️
General FictionRyan Guzman as Brent Lawrence Gonzaga- Darren Gray Medriano- Candice Swanepole as Adrianna Louise Celeste- "Kung talagang mahal mo ako..let me go...hayaan mong mahanap ko ang kulang sa pagkatao ko..."---Adrianna Celeste "Even when I'm with yo...