34. the past(epilogue1)..

5.8K 125 16
                                    


"Gonzaga!sinong tinitingnan mo diyan?" Sigaw nang makulit kong bestfriend.

"Ha..ah-eh..wala naman ah." Mabilis na akong tumayo para makaalis na sa tinatambayan namin at baka makita pa niya ang tinitingnan ko.

Mabilis akong naglakad papunta sa cafeteria para makalayo agad sa tambayan.Hinabol naman ako ni Alex,nakasunod sa likod si Byron.

"Ba't nagmamadali ka,siguradong hindi mo na makikita ang crush mo niyan?"bigla akong napahinto sa sinabi ni Alex.Pumihit ako paharap sa kaniya at naglalarong ngiti ang sumalubong sa akin.

" Gonzaga,akala mo ba hindi namin alam ang sekreto mo?Matagal ka nang may crush doon,sa kapatid ni Medriano.Pare kong pwede lang tumingin sa ibang babae gawin mo na ngayon."Si Byron naman ang nagsalita.

"Oras na malaman ni Medriano na may gusto ka doon sa kapatid niya lagot ka..lagot tayong lahat." Paliwanag ni Alex.

Alam kong sa lahat nang mga babae dito sa university natatangi ang ganda at sexy  ni Adrianna Celeste.Kaya't maraming nagkakandarapa sa kaniyang manligaw.Pero laging nalalaman nang kapatid niya,kaya bugbog ang inaabot nang mga ito sa grupo ni Medriano.

Hindi naman kasi ako natatakot doon,i have my own gang kaya balewala lang sa akin ang mga pananakot ni Medriano.Isa lng ang kinatatakutan ko,ang hindi pansinin ni Adrianna.

High school palang si Adrianna nakagawian ko nang tawagin siyang ms.sexy sa aking isip.Crush ko na siya simula nang makabangga ko siya sa corridor nang eskwelahan.Marami na akong naging gf,flings,pero walang tumatagal sa kanila.My eyes still darted to the beautiful lady na laging nadadaan sa tambayan namin.

Lagi akong may pinabibigay sa kaniya,lahat yata nang miyembro ko nautusan ko na.Pero misan kung hindi may itim na marka sa mata,pilay at kung minsan putok ang labi,pinabubugbog ni Medriano bago makabalik sa akin.

But i didn't stop there,until ako na mismo ang gumawa nang paraan para makalapit sa kaniya.Marami siyang friends na babae ang iba ay mga syota nang grupo ko.Kaya minsan pag napagtritripan na mag unwind ay pinapasama ko siya.

Pero wala paring lusot,takot sa kuya niya.Siya mismo ayaw sumama dahil magagalit daw ang kuya niya unless all girls lang ang magkasama.Until nagkagulo sa cafeteria at nagkataong nandoon ako malapit sa mesa nila.May isang estudyanteng nagtapon ng ice tea sa kaniya,syota yata nang isang group lider sa kabilang school,na nahuhumaling din sa kaniya.

Sa gulat niya ay napasigaw ito at napatayo ako,walang anu ano ay hinila ko na siya papuntang mens locker room.Graduate na nang time na iyon si Medriano,kaya't nagka lakas ako nang loob na malapitan siya.

"Are you okay?Pwede na ba itong T-shirt ko,kaso medyo malaki,tiyagaan mu na lang kesa makita ang bakat mong dibdib."napatingin naman siya sa akin at hinampas niya ako nang tshirt na ibinigay ko sa kaniya.

"Nagmagandang loob ka na nga,kung saan saan pa napupunta ang mata mo!hhmpp!" Nakasimangot  niyang sabi kaya't napakamot ako sa batok.

"Sorry,se--Addie..Doon ka na magpalit nang damit."nahihiya ko pang sabi sa kaniya.

Mabilis naman siyang tumalikod sa akin at nagpunta doon sa itinuro kong silid.Maya maya lumabas na siya at dahil malaki ang tshirt ko,ipinusod niya ito sa bandang ilalim para magmukhang bagay sa kaniya buti nalang at naka jeans siya ngayon.

"Ahmm..thank you nga pala,..B-brent.." Umalis na siya agad sa harap ko,teka kilala niya ako!kilala niya talaga ako!Tumakbo ako papunta sa kaniya kaso tumigil siyang bigla at nabunggo ako sa likod niya.Saktong nahawakan ko siya agad at hindi siya natumba.

Come Back To Me (Completed)☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon