1

53 6 2
                                    







North Rigel Dela Vega

"Lavheart!! Kamukha mo!"  rinig ko ang masayang sigaw ni Mama.


Umikot ako para abutin ang cellphone kong nakapatong sa side table. 7:30 am palang maingay na si Mama. Energetic talaga to. Di napapagod. Kakapanganak palang nyan ng lalaki two months ago.


"NORTH RIGEL!" tawag ni Mama "BANGON NA AT BUMABA KA DITO!" dugtong pa nya.


Dahil tamad pa akong gumalaw, di ako sumagot at nanatili sa higaan.


Nakarinig ako ng katok "Sir, gising na po kayo sabi ni Ma'am." Si Shina pala, isa sa mga alaga nila Papa na parang kapamilya narin namin "Sir, gising na po." Sinabayan nya pa ulit ng katok kase di ako sumasagot.


"Oo na! Bababa na!" ano bang meron? Bat nagmamadali talaga si Mama? Rinig ko Lavheart eh. Bestfriend nya yun na taga L.A.


Bumangon na ako at nagsuot ng tsinelas. Di sana ako magbibihis kaso naalala ko yung sigaw ni Mama kanina na may kamukha raw si Tita Lavheart. Baka may babaeng anak na dala. Hmmm. Kaya kailangan kong pumorma. Hahaha. Baka pwedeng pormahan para naman magkagirlfriend na ko.


Nagspray ako ng konteng perfume para dagdag pogi.


"Sir. Bilis daw po." this time si Maya na yung kumatok.


"Oo na." sabay bukas ng pinto.


"Wow Sir. San punta?" natatawang tanong ni Maya.


"May babae ba?" pabulong kong tanong.


"Oo Sir. Makinis at maputi. Kaya dalian nyo na." bulong pabalik ni Maya habang nakangiting aso.


Ayos to. Baka nga pwede kong maging girlfriend.


Mabilis akong bumabang hagdan at sinalubong naman ako ni Mama.


"May pupuntahan ka ba, Rigel?" manghang tanong ni Mama.


"Wala, Ma. Asan na ang bisita?" tanong ko sabay ikot ng paningin. Agad kong napansin ang babaeng naka pulang bestida, naka sandals, mahaba ang brown na buhok, maputi, makinis pero nakayuko kase nagbaba-"Rigel! Matutunaw si Heartmir." Naputol ang pagnanasa tangina gago hindi pag oobserve ko pala sa babaeng nakaupo sa sofa.


"Sino yan Ma?" wala sa sarili kong tanong.


"Heartmir nga. Heartmir Lin. Anak ng Tita Lavheart mo." Sabay abot nya sakin ng donut at kape.


"At kakambal ko sya." Singit ng lalaking kakapasok lang ng bahay na may hawak na cellphone . Sa likod nya ay isang babae na kaedad ni Mama hula ko ay si Tita Lavheart to "Sige, Babe. Maya naman." Rinig kong bulong nya sa cellphone saka umupo sa sofa.


"Naku talaga Venus, yang si Lavmir na yan. Napakababaero talaga." Reklamo ni Tita Lavheart. Tumawa lang si Mama. Si Heartmir patuloy lang ang pagbabasa. "Similya talaga ni Bladimir. Nakakaloka.  Buti nalang tong si Heartmir tahimik lang pero nasobrahan naman ata sa tahimik." sabay baling sa anak "Ghad, Heartmir. Put down your book." Saway nya kaya binaba naman ni Heartmir yung libro at tumingin sakin... napainom ako ng kape sa gulat kaya napaso ako. Tangina. Bat ganyan sya tumingin. Sobrang lamig naman! Bat kase sakin sya agad tumingin.


"Tol. Okay ka lang? Hahahah." Natatawang tanong ni Lavmir.


"Bakit? Anong nangyari sayo, Rigel?" tanong ni Mama.


"Wa-wala, Ma." Yumuko nalang ako. Di ko kinakaya tingin ni Heartmir. Parang nauubos lahat ng init sa katawan ko.


"Ma'am, punta na po kami sa palengke ni Shina." paalam ni Maya "Sir, galingan mo!" sabay tawa nya at hinila na si Shina.


Tinignan naman ako ni Mama na parang nagtatanong tungkol sa sinabi ni Maya "Wala yun, Ma." Sinabi ko nalang.


Nagpatuloy sa pagkukwentuhan sila Mama at Tita Lavheart. Habang ako patuloy sa paunti unting pagsipsip sa kape kong malamig na sabay pasimpleng tingin kay Heartmir. Sobrang ganda nya. Siguradong mabango sya. Sana pala sa tabi nya ako diretsong umupo kanina. Bat kase dito pa ako umupo? Pero kung sa tabi nya naman ako umupo di ko sya matitignan ng ganito.



Sa isang oras na nakaupo ako dito na nagnanakaw nakaw ng tingin eh di ko pa nakikitang nag iba yung expression nya. Ang steady lang ng mukha nya. Walang nagbabago. Tungkol san kaya yang binabasa nya? Gwapo ba yang libro nya? Itigil mo nga yan! Ako tignan mo! Bigla naman syang tumingin sakin kaya muntik ko na mabitawan ang tasa ng kape.


Narinig ko na namang tumawa si Lavmir "Tol. Ingat ingat din. Hahahah."





(EDITED VERSION. THANK YOU SO MUCH.)

Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon