Chapter 19
North Rigel Dela Vega
Di ko maintindihan ang asawa ko. Naiwan ba sa bundok ang dila nya? O masyado syang napagod sa pagkwento nya sakin dun sa bundok? Naubos ba lahat ng sasabihin nya? Wala nang kahit isang tunog ang lumalabas sa bibig nya. Oo, pinagsisilbihan nya ako. Nagluluto pa rin sya. Iniinom nya naman ang kapeng hinahanda ko kada umaga. Ginigising nya parin ako tuwing naabutan nya ako sa couch pero ni isang tunog galing sa bibig nya, wala syang binibitawan.
Rigel! Natiis mo nga ang ilang taong pagsunod mo sa kanya. Noon nga di ka matapunan ng tingin. Okay lang! Katabi mo na ngang matulog! Anong inaarte mo!
Nandito ako ngayon sa starbucks. Nagpumilit akong sumama sa kanya. Pinilit ko ba sya? Di naman kase sya tumanggi. Okay naman siguro.
Syempre dito ako ulit pumwesto malapit sa claiming area. Nagbabaka sakali lang naman na magsalita sya at marinig ko. Kahit di ako ang kausap nya. Okay na ko.
Kaso nakatulog lang ako sa kakahintay. Nasobrahan ang tulog ko kaya di pa ako nagising kung di ako tinapik ni Heartmir. Nagkape naman ako ah.
Nasa kotse na kami nung may narealize ako. December 24 na ngayon. Pasko na bukas. Magpapasko ba kaming ganito? "Heartmir." Tawag ko sa kanya. Di na ako tumingin sa kanya. Pinermi ko nalang ang mga mata ko sa daan "Anong balak mo mamaya? O bukas? Pasko na bukas. Sana alam mo." May halong inis kong sabi. Syempre wala na naman akong nakuhang sagot "Sabado ngayon. Babalik kang bundok?" Okay. Nice talking "Sasama ako ha."
Ewan ko ba kung bakit pero pati ang tingin nya sakin iwas na rin. Parang iniiwasan nya ako. Di ko mahuli ang mata nya. Tapos parang ayaw na mahawakan ko. Laging dumidistansya.
"May kasalanan ba ko, Heartmir?" Tanong ko. "Pwede mo naman sabihin sakin. Di naman ako mahirap sabihan."
"Magpapasko na. Noche buena mamaya. Di mo ba ako papansinin?"
Nasasaktan ako sa ganito. Parang okay pa sakin yung dating set up namin. Yung malaya ko lang syang tinignan. Tapos magkasalubong lang kami, masaya na ako. Sanay na akong mag ignore nya. Si Heartmir yan eh. Kahit may reklamo ako sa ganyang ugali nya, tanggap ko naman kase ganyan talaga sya. Noon, iniignore nya lang ako pero di nya ako iniiwasan. Kung magkasalubong kami, wala syang reaksyon. Kahit magkasalubong pa ang mga mata namin. Di sya nag iiwas ng tingin. Oo malamig syang tumingin pero nakukuntento na ako dun. Pero ngayon, oo, magkasama nga kami. Magkatabi pa ngang natulog. Kumakain pa nga ng sabay pero pakiramdam ko ayaw nya sakin. Pati ang mata nya, ayaw sakin. Noon di ko to naramdaman eh kase pinapabayaan nya lang ako. Ngayon kahit ang mga mata nya umiiwas na. May mali ba akong nagawa?
"Kahit malamig na tingin lang, Heartmir. Tignan mo ako please. Ayaw mo ba sakin?" Alam kong di nya ako gusto pero sa halos dalawang buwan naming mag asawa, di nya sinabing ayaw nya sakin.
Pagkalabas ko ng banyo, naabutan ko syang nakahiga na sa kama at tulog na. "Bakit ganito, Heartmir."
Sasama nalang akong bundok. Naisip kong wag nalang matulog kase baka di na ako gisingin ni Heartmir.
"Shit!" Napabangon ako ganun nung nakita ko sa orasan na alas siete na. Nakatulog ako!
Wala na si Heartmir. Tangina. Agad akong nagbihis at nag ayos ng bag. Tangina. Ano pa ngang dapat dalhin? Tangina. Bat kase wala si Heartmir.
"Naalala nya pa ako." Bulong ko nung nakita ko ang sunny side up at french toast sa mesa. Nilagay ko nalang sa lahat sa lunch box saka umalis.
10am na nung nagsimula akong umakayat sa bundok dala ang isang mailit na box ng grocery. Para may handa ang tribu mamayang noche buena.
Sana matuwa si Heartmir sa pagpunta ko. Pero di ko ganun kakabisado ang daan. Nakahinga ako ng maluwag nung nakarating ako sa sapa. Hapong hapo ako pero masaya parin kase di ako naligaw. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Di ko akalain na makakaya kong umakyat ng bundok para sundan ang asawa ko.
Ilang oras na akong naglalakad at uhaw na uhaw na. Nakalimutan ko ang tubig. Si Heartmir kase ang nagdala nung nakaraan. Isang senyales na kulang talaga ako kung wala si Heartmir. Umayos ka nga Rigel. Paano kung isang araw iwan ka nalang ni Heartmir? Paano ka mabubuhay mag isa? Hays. Pagnangyari yun, baka umuwi nalang ako kay Mama.
Lakad lang ako ng lakad tapos may mga naririnig na akong boses. Malapit na ako! Konteng tiis pa at nakita ko na ang mga kabahayan.
"Si Sir!" Sigaw ng mga bata na nakita ako. Agad namang nagsitigil ang mga tao sa kanilang ginagawa para batiin ako.
"Kayo lang po mag isa Sir?" Tanong ni Sinag.
"Oo. Nauna na kase dito ang asawa ko. Susurpresahin ko sana." Nagtinginan sila pagkasabi ko "Bakit? Ay teka may dala ako. Pamasko ko na rin to." Sabay pakita ko sa kanila ng dala ko at nilagay ko ito sa mesa.
"Sir, wala po dito si Ma'am. Nagpaalam po sya samin nung nakaraang sabado na di sya muna pupunta rito. Sa susunod na taon po sya babalik." Wait? Ano!?
"Sa susunod na taon pa, Tata?" Malungkot na tanong ni Lino.
"Dalawang Sabado lang naman nating di makikita si Ma'am. Dalawang sabado nalang, bagong taon na." Paliwanag ni Tata.
"Bakit di sya pumunta rito?" Tanong ko.
"Wala po syang nabanggit, Sir."
"Kung wala sya dito, nasaan sya." Uhaw na uhaw ako kanina pero hindi na uhaw ang nararamdan ko ngayon. Nanghihina na ako. Kumuha ako ng tubig at uminom "Pwede ba akong natulog?"
Nagising ako bandang alas tres na ng hapon. Bumangon agad ako at lumabas ng bahay ni Heartmir. Nilibot ko ang paningin ko. Walang bakas ni Heartmir. Napaupo nalang ako sa kawayang hagdan.
Dumako ang paningin ko sa mga taong nakaupo sa cottage at tutok na tutok ang mga mata sa white board. Nanonood sila ng movie. Ibes na magpahinga, nagmovie sila.
Natapos na ang pinapanood nilang lumang pinoy movie nung napansin nila akong nakikinood. "Wala po kase si Ma'am, Sir. Kaya nanood nalang po muna kami ng pelikula simula kaninang alas dos." Nakangiting sabi ni Buti.
Nag ayos na muna sila ng mga ginamit sa movie watching nila bago nagsibalik sa mga trabaho.
Bandang alas kwarto na ako nagpasyang bumaba ng bundok. Tumulong kase ako sa pagsisibak ng kahoy at nakiigib narin ako ng tubig. Pansamantala kong nakalimutan ang dinaramdam ko. Pagkapasok ko ng kotse dun ako ulit pinasok ng lungkot.
Merry Christmas mga Pre! Nasa siderange bar ako ngayon. Tagay tayo!
Text ni Hector ang pumasok agad sa cellphone ko. Anong problema ng lokong to. Paskong pasko gustong uminom.
Wala naman akong uuwian. Di naman siguro masamang uminom at makalimot.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?