9

22 5 1
                                    

North Rigel Dela Vega









"Tol, mukhang tense na tense ah." Puna ni Lavmir.





"Baka di kase sumipot."





"Wala kang tiwala kay Heartmir?"





"Wala." Sagot ko.





"Hahaha. Pumayag yun na magpakasal sayo. Marunong naman tumanggi yun kung ayaw nya talagang ikasal kaso di naman nagreact." tinapik nya ang balikat ko "Nalate lang yun. Minsan lang naman sya malate."


Oo. Minsan. Sa kasal pa namin.




"Yo! Sorry I'm late. Hahahaha. Dapat ako kase ako yung pinakagwapong groomsman." bati ni Vent na kadadating lang. Oo. Groomsmen ko ang tatlong spermcell na palagi kong kasama "Ganda naman nung maid of honor. Sino yun?" Sabay nguso nya kay Andromeda.





"Asawa nya." Turo ko kay Lavmir na mukhang narinig naman yung sinabi ni Vent.





"Oo. Asawa ko. Di naman maganda yan. Haggard nya nga ngayon. Pinagod ko kase kagabi." Nakangising sabi ni Lavmir at saka tumalikod para lapitan si Andromeda. May pahawak pa sa bewang. Territorial din pala to.





Tumikhim muna sya kaya nabalik na sa kanya ang atensyon ko "Madami ba kayong handa mamaya? Pwede mauna na ako sa reception? Tulong ako sa food sabay kain din syempre." Tapos kumagat sya sa tinapay na dala.





"Patay gutom."

-

"Huy, Rigel. Parang naiihi kang ewan. Kumalma ka nga. Dadating yun." Saway ni Leigh.





Paano kase akong di magpapanic kung sila Mama at Tita halos maiyak na.





Pumasok si Tito Anton na isa sa mga principal sponsors "Nanjan na ang bride!!!" Sigaw nya.





Parang nagblanko ang isip ko. Di ko na napansin na pumunta ako sa harapan. Di ko na nakita lahat ng dumaan na parte ng entourage. Wala na akong matandaan na dumaan silang lahat. Natauhan lang ako bumukas ang pintuan ng simbahan. Nakaputing gown. "Si Heartmir na yan!"





"Oo, Tol. Wag kang sumigaw." Saway ni Lavmir.





Nagsimula na syang maglakad. Alam kong sobrang ganda ni Heartmir pero iba sya ngayon. Sobrang sobra ang ganda nya. Parang gusto kong tumakbo at hatakin sya agad papunta dito sa harap.





May bigla namang dumaang tela sa taas tapos hulog kay Heartmir at nagpalakpakan ang lahat.





Nagsimula nang bumuhos ang mga luha ko. Nakabelo na sya. Nagkalakad na sya. Ikakasal na talaga sya sakin.





"Tol naman. Makakarating naman sya dito. Di sya tatakbo. Sarado ang pintuan. Huminahon ka." Sabi ni Lavmir na nakahawak sa braso ko. Di ko napansin na nagsimula na pala akong humakbang papunta sa kanya. Sobrang excited ba talaga ako?


"Ingatan mo ang anak ko. Wag mo syang sukuan." Bilin ni Tito Bladimir bago ibigay sakin ang kamay ni Heartmir.





Ngumiti naman si Tita Lavheart "Call me, Mommy ha."





Tumango naman ako bilang sagot.





Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon