North Rigel Dela Vega
Game ni Heartmir ngayon kalaban ang mga taga Communication. Syempre wala silang binatbat. Magaling kaya fiancée ko.
"GO HEARTMIR!" sigaw ng mga lalaki sa likod ko! Kanina pa to ah!
"Tignan ko nalang kung makakasigaw pa kayo nyan pagkatapos ng game."
"Para kang tanga. Magcheer ka nalang nga." Saway ni Hecto na busy sa pagkalikot ng cellphone nya.
"Eh pangalan ng fiancée ko yung sinisigaw nila."
Napailing nalang si Hector "Ready na yung dalawa. Nandun na sa entrance."
Pagkatapos ng game tumakbo na ako sa may hawak ng mic. Kaya ko to. Di naman siguro ako ipapahiya ni Heartmir. Di naman siguro ikakabawas ng kagwapuhan ko tong suot ko. May laro kase kami mamaya.
Kasalukuyang nagbubunyi ang supporters nila nung nagpasya akong magsimula.
"Heartmir." Tawag ko sa kanya pero di sya lumingon "Heartmir Lin. Lumingon ka nga."
Umupo naman sya. Nagbukas ng bottled water at tumingin sakin.
"A-ano." Tangina tinamaan na ako ng kaba "Heartmir. Kahit ganyan ka sakin... hmm di lang palang sakin sa lahat naman... aaah gustong gusto kita. Unang beses mo palang pumunta sa bahay, nakuha mo na ako. Tanda ko pa na naka pulang bestida ka at di matanggal ang mata mo sa libro." di nyo alam no? Bestfriend ng nanay ko ang nanay nya! close family namin. "Alam ko na 200 ang I Q mo at sobrang layo na magustuhan mo ako pero loyal ako sayo simula nung araw na yun hanggang ngayon kahit tatlong beses mo palang akong kinakausap. Lagi akong nagpapapansin sayo pero wala kang ginawa kundi tignan o talikuran ako. Pero pangako, di kita susukuan. Magiging mabuting asawa mo ako. Di ako magiging pabigat sayo kung nasa iisang bahay na tayo."
"Bago tayo ikasal, gusto ko sanang kantahan ka." Mas lumakas ang mga bulungan ng tao sa gym. Pati ang entrance ng gym dumami ang tao. Mga chismoso! Pero ayos lang, para alam na nila na wala na silang pag asa sa crush nila "Isipin mo nalang na nagpopropose ako ngayon pero sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal tayo sa Friday. Sisiguraduhin ko yan."
Nilingon ko naman sina Vent at Leigh na may gitara. Si Hector, ayun walang talent. Nasa gilid lang.
Nagsimula na si Leigh kaya napahawak akong mahigpit sa mic na hawak ko.
((Mahika by Tj Monterde))
"Huling hirit. Di ko alam kung bakit at paano mo napapawi ang kalungkutan ko. Abot langit ligayang dulot mo. Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito." Kanta ko. Di ako sobrang galing kumanta pero masasabi ko na di ako sintunado. Kakakanta ko siguro tuwing nag jajamming kami kaya nahasa ang boses ko.
"Di ka pa man lang kumikibo, ayos na. May mahika ka bang dala-dala?" bagay na bagay to sayo Heartmir.
Nagsimula akong maglakad patungo sa bleacher kung saan sya naupo "Sa piling mo bumabagal, humihinto ang mundo. Sa piling mo ayaw kong mawala, ayaw kong mawala."
Nakatingin lang sya sakin. Anong nasa isip mo Heartmir?
"Huwag sasabihin. 'Pag di ka nasilayan damdamin di mapakali, natutuliro. Aaminin, tunay na 'to oh oh. Nahulog na ng ganito." kinurot ko ang pisnge nya. Di ko mapigilan eh. Di naman nagbago ang emosyon ng mukha nya kaya feel ko, ayos lang "Ano bang meron sa 'yo?" tanong ko.
Kumibo ka naman. Ngumiti ka. Pumalakpak ka. "Di ka pa man lang kumikibo, ayos na. May mahika ka bang dala-dala?" di ko na naman kinanta ang linya na yan. Diniretsong tanong ko na sa kanya.
"Sa piling mo bumabagal, humihinto ang mundo. Sa piling mo, ayaw kong mawala, ayaw kong mawala."
Natapos ang kanta pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya "Anong nararamdaman mo?"
Uminom lang sya ng tubig at umalis.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?