North Rigel Dela Vega
Nagising akong wala sa tabi si Heartmir. Teka! Nasaan ang asawa ko!
Diretso akong pumunta sa closet at nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong kumpleto naman ang mga damit nya.
Kalmado akong lumabas ng kwarto. Baka naman kanina pa bumangon. Pero wala!!! Wala sya sa sala. Wala rin sa kusina. Sa banyo wala rin.
"Baka sa guest room." Agad naman akong tumakbo papuntang guestroom. Tangina wala sya. Masyado ko bang nahigpitan ang yakap ko sa kanya kagabi?
Bumalik akong kusina. Ulam? Luto ni Heartmir?
"Baka may binili lang." nasabi ko nalang tapos umupo na para kumain.
Maglulunch na pero di parin sya umuuwi. Kaya nagpasya na akong magtext.
San ka ngayon?
San ka pumunta?
Nag aalala ako. Magreply ka.
Please.
Nakatulong lang ako sa couch sa kakahintay at nagising nalang ako dahil sa gutom. Alas nuebe na pala. Wala paring text si Heartmir. Baka naman nasa kwarto na.
Tumawag muna ako sa isang fast food chain para magpadeliver saka lang ako pumuntang kwarto pero wala parin sya. Nasan na ang asawa ko?
Napapasyahan kong tumawag nalang sa bahay nila. Baka kase ayaw nya na sakin tapos umuwi nalang sya.
"Hello? Rigel? Napatawag ka?" boses ni Mommy.
"Alam nyo po ba kung nasaan si Heartmir?"
"Sabado ngayon Rigel. Basta tuwing sabado umaalis yan. Wala akong ideya kung saan sya pumupunta. Baka bukas na yan umuwi kase gabi na."
"Kahit po si Daddy walang alam kung san sya pumupunta kung Sabado?"
"Wala rin. Subukan mong tanungin si Lavmir pero ayaw nya saming sabihin. Sekretong magkambal daw." Mukhang sanay na si Mommy kay Heartmir.
"Sige po. Tatawagan ko nalang po sya. Nag aalala po ako."
Pagkababa ng tawag agad ko naming tinawagan si Lavmir.
"Hello, Rigel. Naiwan ni Lavmir ang phone nya. Umalis sya kanina kasama ang barkada nya." Halata sa boses ni Mida ang lungkot.
"Ayos ka lang ba jan?" nag aalala kong tanong.
"Masasanay rin ako, Rigel. Magiging wala na to sakin." Halos mabasag ang boses nya. Kalian ba sya titino.
"Magsabi ka lang kung hindi mo na kaya ha. Bukas ang condo naming ni Heartmir."
"Tatandaan ko yan." Tumikhim sya "Bakit ka nga pala napatawag?"
"Nawawala kase Heartmir. Sabi ni Mommy kada sabado raw may pinupuntahan sya. Walang nakakaalam kung saan. Baka raw alam ng asawa mo."
"Wala namang nabanggit sakin si Lavmir pero susubukan ko syang tanungin pagdating nya."
"Wag mo nang hintayin. Magpahinga ka na jan. Uuwi naman yun. Sya nalang ang tatanungin ko."
Pagkababa ng tawag bumukas ang maindoor kaya lumabas ako agad. Nadatnan ko si Heartmir na nakaupo sa sofa habang tinatanggal ang rubber shoes.
"San ka galing?" tanong ko agad pero di nya ako pinansin.
Puno ng alikabok ang bag nya at madumi pa ang rubber shoes. Sang kagubatan to nanggaling at parang haggard na haggard.
Maya maya at dumating na ang pagkain na pinadeliver ko. Magtatampo pa sana ako pero di ko matiis na di mag offer ng pagkain sa kanya. Mukhang gutom naman kaya nakikain din sya.
Sumasarap talaga ang pagkain kung nasa harap ko sya. Hays. Mukhang pagod na pagod sya. "San ka nanggaling?" tanong ko ulit pero di manlang sya nagbigay ng kahit anong sagot.
"Bat ka nawawala tuwing Sabado. Lagi ka raw umaalis."
"Alam mo bang halos mabaliw ako sa kakaalala. Sana naman nagtext ka. Wala ka bang load?" sunod sunod na reklamo ko.
Luh? Tinignan nya na ako. Lamig lamig naman nyan Heartmir. Grabe ka. Maingay ba ako?
"San ka ba kase pumupunta?" pag ulit ko sa tanong.
"Ginawan ko ng paraan para makauwi sayo ngayong araw." Sabay tayo at talikod nya.
Wait lang. Makauwi sayo? SAYO? Tangina. Marupok na kung marupok pero natunaw lahat ng tampo ko. Kahit isang beses lang nya ako kinausap ngayong araw okay na ako. Natiis ko nga ang ilang taon na di nya ako mabigyan ng kahit tngin manlang. At least ngayon, tinitignan nya na ako. Bonus nalang ang paunti unti nyang pagkausap sakin.
<<Kahit wag na po yung vote. Comment kayo please. Para naman mas maganahan ako. Thank you.>>
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?